Chapter 2_Accusation

7.2K 208 9
                                    

 Salamat po sa paghihintay at ito po. Nakaupdate na po ako.

Enjoy po.

:)

____________________________________________________________________________


(Reese POV)



". . . babae ka, hindi ba?"


Ang katagang yun. Nagmistula yung isang malakas na bomba sa pandinig ko na pinasabog mismo sa harap ko kaya wala akong magawa kundi ang mapanganga sa gulat.


Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na may magtatanong sa akin tungkol sa bagay na yun o kahit ang maglaro man lang sa isip ko yun. Malaki ang tiwala ko sa sarili kong walang kahit na sinong tao ang makakaalam na babae ako sa isang titig lang. At dahil hindi ko napaghandaan ang ganong bagay. Wala akong maisagot kundi ang tumitig at ngumanganga lang sa harap niya.


Tiyak kong walang ibang nakadinig non maliban sa akin dahil mahina lang naman ang pagkakasabi niya at wala rin namang makakadinig sa likuran namin dahil pareho kaming nasa panghuling row at may pagka-bingi rin sina Jodem at Miguel.


Napakurap ako ng makita ang maliit na ngiti sa isang sulok ng labi niya at maliban don wala ng nagbago.


"So, babae ka nga?"


"Hindi!" mabilis kong bulalas sa sinabi niya. Naalis ang maliit na ngiti sa labi niya habang nakatitig pa rin sa akin. Ano ba ang problema ng pinagpalang lalaki na ito?


"Talaga?" nagdududa pang tanong niya kahit mukha namang sigurado.


"Oo kaya!" bulalas ko na hindi maalis-alis ang kunot ng noo. Na-we-werduhan na talaga ako sa taong ito. "Ba't mo naman nasabing babae ako?" tinawanan ko yun na parang tanga. Hindi kaya napansin niyang wala ang bukol 'doon'? Napansin kaya niyang wala ang ultimate blending asset ko?


"Hindi ka ba nananalamin ng maayos? Tingnan mo ang sarili mong mukha," nahimigan ko ang pagbabago sa tono ng boses niya. Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Mukha mang totoo pero sa malapitan mahihinuha kong peke ang kilay mo. Walang lalaking may ganyang ilong, matangos pero medyo round. Lalong-lalo ng hindi ka mukhang lalaki dahil sa porma ng panga mo dito," itinaas niya ang kamay sa sariling panga niya malapit sa teynga at hinawakan. "Napansin mo diba? Kahit anong mangyari makikita mo ang shape ng panga sa bandang bahagi dito ng mga lalaki pero hindi ang mga babae. Deretso lang ang sa mga ito. Sa sitwasyon mo, panga ng babae ang nakikita ko."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinagsasabi niya pero parang nage-gets ko na rin ang ibig niyang sabihin.


Pero, kahit tama man siya sa hula niya hindi pa rin ako pwedeng umamin na lang ng basta-basta. Buong buhay kong itinago ang totoong kasarian ko tapos malalaman lang ng isang guapong transferee sa isang titig lang? Over my dead body!


"Pwes, kung yun man ang pagkakaalam mo nagkakamali ka. Hindi mo alam ang lahat at anong malay natin, meron pala. Baby face lang talaga ako." ang sagot ko sa kanya ngunit muli akong namangha ng mapansin ang maliit na ngiti sa isang sulok ng labi niya.

He's a GIRL! [C O M P L E T E]Where stories live. Discover now