#10 Invitation

739 12 2
                                    

CHEN'S POINT OF VIEW:

"Mama naman ehh,"

Sumunod ako sa kanya sa paglalakad. Pumasok siya sa sarili niyang opisina.

"Bahala ka dyan,"

Narinig kong sabi niya habang hinahawakan ang mga papel sa table niya.

"Bakit kailangan kong makipag meet sa parents ng babaeng yun? Ipapamigay nyo na'ko?"

"Dapat inisip mo yan bago ka nakipaglandian sa babaeng iyon,"

"Mama! Ano ba namang tingin nyo sa'kin, walang taste?"

Tumigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako.

"Aba malay ko. Wala kang ginawa kundi manood ng football kasama ang mga kaibigan mo,"

Napakamot ako ng ulo. Badtrip naman! Anak pala ng isang kliyente yung pinagtripan namin ni Drigs last week sa isang cafe. At ngayon, gusto daw ako mameet ng magulang niya. Wala na ba talagang Maria Clara sa panahong 'to? Meet the Parents agad?

"Ma, inalok ko lang ng kape, panong nilandi yun?"

"Pano mo inalok?"

"Nag excuse pa nga ko eh,"

Ipinagpatuloy niya ang pagpirma sa mga papel.

"Exact words?"

"Excuse me, want some coffee tapos kinindatan ko lang,"

Huminto ulit siya sa ginagawa niya at tinignan ako ng masama.

"Tapos sasabihin mo sa'kin na walang malisya yun? Sa saturday ng gabi, bahala ka sa buhay mo. Kailangan mong magpakita dun,"

"Pero Ma--"

"Wag mokong daanin sa ganyan Chen,"

Pinulot niya ang lalagyanan ng ballpen niya at itinaas.

"Umalis ka nga muna dito at baka maibato ko itong hawak ko sayo,"

Wala akong nagawa kundi umalis. Badtriiiiipppp! Ayoko pang matali! I'm still young and fresh!!!!!

DICE'S POINT OF VIEW:

"No."

Tatlong beses ko ng binabanggit iyon pero mukhang hindi maintindihan ng kapatid ko.

"Dice please. Kliyente natin iyon, you need to go,"

"Client nyo lang. I dont want to go kuya, so please,"

Sumimsim ako ng tea sa restaurant na kinakainan namin ng gabing iyon. Kinukulit niya akong umattend sa isang party ng anak ng client daw nila ni Dad.

"Sumbong kita kay Dad,"

"Kuya you're unfair! Bakit ikaw hindi pupunta? I dont even know them!"

Maktol ko. Sakto kasi na pupunta ng Japan ang kuya ko sa Saturday din kaya hindi makaka attend.

"Business,"

Maikling tugon niya. Dumating ang inorder namin kaya itinuon ko nalang ang pansin sa pagkain. Nakakaasar. Kapag kasi nagsumbong si kuya, malamang bawasan ang allowance ko. Laging ganun kasi si Papa everytime n sinusumbong ako ng kapatid ko. Urgghh!

The Other Side of Miss Popular [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon