#32 Judgement

519 8 0
                                    

KYU'S POINT OF VIEW:

"Kailangan ba talaga natin 'to?"

Usisa ko sa mga kasama ko habang sakay sa kotse ni Drigs.

"Kailangan yan. At sino ba nagsabing sumama kayo?"

Nakataas ang kilay ni Dice ng tumingin sa amin. Inayos niya ng bahagya ang fake na balbas niya.

"Ano ba namang tingin mo sa'min Dice? Hindi ka namin pwedeng pabayaan dun,"

Tugon ko. Inayos ko ang suot kong wig at hinaplos iyon. Grabe, ganito pala feeling ng may mahabang buhok. Ang init.

Nagpasya kaming sumama kay Dice sa party ni Don Calixto, at kahit panay ang protesta niya, wala siyang nagawa ng lumabas kami sa sasakyan na naka disguised.
Oo, pambabae lahat.
At si Dice, naka suit at naka eyeglasses. Mukha siyang nerd middle schooler na aattend ng prom.. Na may moustache.

"Pag may nangyari sa inyo--"

"Grabe ka Dice, nakakasakit ka ah,"

Ani Chen na sapo pa ang fake na boobs niya.

"Hindi naman kami ganun ka weak. Nag training din kami,"

Tumaas ulit ang kilay ni Dice sa narinig. Sinenyasan ako ni Chen kaya ipinakita ko naman ang mala Pacquiao na suntok ko.

"Pew! Pew!"

Nag sound effects pa si Chen.

Humihingal ako pagkatapos suntukin ang hangin ng ilang minuto. Kahapon lang kasi kami nagtraining, sapilitan pa.

"Eh ikaw?"

Baling ni Dice kay Chen.

"Ako pa? May dala ako,"

May kinuha siya sa handbag na dala niya.

"Tangina Chen!"

Bulalas ni Red na napahinto sa paglalagay ng lipstick ng makita ang dala niya. Maging kami ni Dice ay napaatras dahil sa gulat.

"Pag tayo, nabangga dito!"

Gulat na gulat din si Drigs ng makita yun sa rear view mirror.

"Ano ba kayo,"

Hinawakan ni Chen ang baril na dala at itinutok yun kay Red.

"Fake 'to,"

Nagulat kami ng kalabitin niya yun at mabasa ang ulo ni Red.

"Water gun yan?"

Usisa ko. Hanep. Mukhang totoong .45 na baril kasi iyon.

"Obvious ba?"

"San mo nabili yan?"

"Secret. Baka bumili ka rin eh,"

"Gago,"

Inirapan ko siya. Pero hanep, gusto ko din talaga nun.

Napatingin ako kay Red na nakasimangot na pinupunasan ang suot na wig. Kumuha ako ng tissue at tinulungan siya.

"Dahan dahan kyu, ano ba--"

Natigilan si Red ng hawakan ang kamay ko.

"Tangina mo, nanginginig ka ah."

Binitiwan ko ang hawak kong tissue at umayos ng upo. Napatingin ako sa kamay ko.
Kinakabahan ako.
Actually, kaming lahat ay kinakabahan ngayon.

"Hey, you okay?"

Lumapit si Dice sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Wag ka na kasi sumama,"

The Other Side of Miss Popular [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon