#25 Consequences

470 8 1
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

Nagtago ako sa likod ng pintuan ng marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Narinig ko ang mga yabag niya na dire diretsong pumasok sa kwarto. Sumilip ako at nakita siyang nagbubukas ng closet.

"Carlo.."

[NOW PLAYING: LEANING ON YOU - BE MATE] (Multimedia)

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko. Lumingon siya pero saglit lang. Parang hindi nga siya nagulat na nandoon ako.

"Anong ginagawa mo dito,"

Malamig niyang tanong sa'kin. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. May kung anong hinahanap sa closet.

"Pwede ba tayong mag usap,"

Hindi siya sumagot sa akin. May inilabas siyang malaking duffle bag mula sa closet. Hindi nagtagal ay may mga sinisiksik na siyang damit doon.

"Sa'n ka pupunta?"

Nabasag ang tinig ko ng sabihin iyon.

"Carlo, aalis ka?"

Hindi parin siya sumasagot. Parang nagmamadali siya dahil panay lang ang lagay nya ng damit sa bag nya.

"Wag mo naman akong iwan,"

Tuluyan na akong napaiyak. Huminto siya sa ginagawa nya pero hindi niya ako tinignan. Pakiramdam ko pinipiga ang dibdib ko.

"I need you.."

Sambit ko sa pagitan ng paghikbi. Sa dami ng mga nangyayari, kailangan ko siya ngayon. Kailangang kailangan ko siya.

Isinara na ni Carlo ang bag at humakbang palabas ng kwarto. Sumunod ako at niyakap siya mula sa likod kaya napahinto siya. Nagmumukha na akong desperada pero wala na akong pakialam. Kahit ilang oras, araw, yayakapin ko siya wag lang siya mawala sakin.

"Dice please,"

Sambit niya.

"Wag mo namang gawing mahirap sakin to,"

"Ano ba kasing problema.."

Humagulgol ako.

"Bitaw na Dice,"

May pagmamakaawa narin ang tono niya at tila hirap na hirap din siya.

"Ayoko,"

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Kailangan kita eh,"

"Mas kailangan ka ni Red ngayon,"

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Hinawakan nya ang kamay ko at pinilit tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya. Tuloy tuloy na siyang lumabas. Hindi man lang niya ako tinignan. Ang sakit sakit na eh. Iyak ako ng iyak habang nakaupo lang sa sahig. Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas. Hindi ko na napansin na pumasok si Kuya Tristan at itinayo ako.
"Dice, tama na. Uwi na tayo,".

---

CHEN'S POINT OF VIEW:

"Oy, Dice,"

Five minutes na ang lumipas pero hindi parin siya kumikilos sa pagkakahiga. Alas kwatro na ng hapon at katulad kahapon, hindi na naman siya nagbreakfast at naglunch. Sinubukan ko siyang hawakan at medyo niyugyog. Medyo mainit siya, ibig sabihin buhay pa.

"Oy Dice, kung gusto mong magpakamatay, tumalon ka mula dito sa condo mo,"

Hindi parin siya kumikilos. Napabuntung hininga ako. Kinausap ako ni Kuya Tristan at sinabihan na bantayan ko daw si Dice. Nagsimula 'to ng umalis si Carlo. Anlabo kasi ng gagong iyon eh. Nang iiwan nalang basta basta. Tsk. Kung okay na sana si Red, edi dapat siya iyong andito. Pero ayun, tulog parin. Sana magising na siya. Sana bumalik na si Carlo. At sana maging okay na si Dice. Nakakamiss kasi.

The Other Side of Miss Popular [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora