#19 Carlo's feelings

615 13 2
                                    

DICE'S POINT OF VIEW:

"Cookies!"

Nasapo nina Chen at Kyu ang mga tenga nila ng biglang sumigaw si Drigs. Hindi siya masyado umiimik pero kapag nag ingay, talaga namang maingay. Literal na maingay at masakit sa tenga lalo na pag nakakita ng homemade cookies. Hindi yata masyadong pinakain nung bata kaya laging ganito ka excited.

"Bibigyan ka naman eh, kelangan ba talagang manira ng eardrums?"

Irap ni Chen pero napa aray siya ng mahinang suntukin ni Drigs ang braso niya. Medyo malakas pa naman si Drigs kahit maliit.

"Problema mo?"

Medyo inangat pa niya ang ulo habang nakatingin kay Chen. Umiling si Chen at napakamot nalang ng ulo.
Obviously, he's scared.

"Masarap, medyo kulang lang ng asukal,"

Ani Kyu ng tikman ang inabot kong cookie. Sinubukan kong mag bake dahil lagi nalang junk foods ang kinakain ng lima sa music room. Napalingon kami sa pinto ng bumukas yun at pumasok sina Red at Carlo.

"Wow! Cookies!"

Palatak ni Red habang nakatingin sa tatlo na kumakain na. Dinalhan ko pa sila ng tea, para naman kumpleto na ang miryenda ng mga bata. Salamat sa tutorial ni kuya na kahit busy siya sa work ay tumagal ng halos isang oras sa phone.

"Gawa ko,"

Sambit ko.
Nilingon ni Red si Carlo na nasa likod niya. Tumango naman si Carlo. May nag iisang heart shaped na cookie akong ginawa. Iniisip ko si Carlo habang ginagawa yun. Pero medyo nadismaya ako ng pulutin yun ni Red at kagatin. Si Carlo naman, yung alien shaped cookie ang kinuha. Tinignan niya muna yun.

"Is this a zombie?"

"Alien,"

Tugon ko. Kinagat niya yun at ngumuya. Tumango tango siya.

"Marunong ka na ba magbake ng cupcakes? You're good for a first timer,"

Ani Red sa pagitan ng pagnguya. Umiling ako.

"Tinuruan lang ako ni Kuya,"

"Oh, gusto mo turuan kita bukas? Wala namang pasok,"

Tumango agad ako at napatingin kina Chen.

"Sa bahay nina Red bukas ha,"

Hindi umimik ang tatlo. Nanatiling nakaupo sa sofa at kumakain.

"May date ako,"
-Kyu

"Ako din,"
-Drigs

"Mag aaral ako,"
-kahit obvious na gf ang pupuntahan ay sabi ni Chen.

"May lakad din ako,"

Sabi ni Carlo na sinulyapan kami habang naglalakad patungo sa favorite spot niya. Hindi ako nakaimik. Lagi namang may lakad si Carlo, well, Death Dome.

"Kita nalang tayo bukas sa Park, sa may statue ni Chen,"

Statue ni Chen ang tawag namin doon. Dinosaur kasi iyon. Nakita ko ang pag pout ni Chen.

The Other Side of Miss Popular [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora