Chapter 7

1.8K 38 2
                                    

Chapter 7



Nakasimangot ako habang nasa loob ng taxi niya. Actually, kanina ko pa pinipilit na sumimangot kahit ang gusto kong gawin talaga ay dambahan siya. Walang hiya na lalaki, binubuhay niya ang mga sikretong nasa Pandora's box ko na nakatago.


"Nasi-Cr ka ba?" biglaang tanong niya nang malapit na kami sa bahay. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay ko mula doon sa pinag-awayan namin nung Ysa e. Speaking of, ikukuwento ko talaga ang nangyari sa mga kaibigan ko. Hindi muna ako maliligo para may proof.


Pero teka ano raw?


"Kadiri ka! Ano na naman ang naiisip mo ha? Manyak!"


Agaran namang kumunot ang gwapo niyang noo, Oo pati noo gwapo. "Paano na naman ako naging manyak? Nagtatanong lang ako." aniya saka nilingon ako saglit at pinanliitan ng mata, "Para sabihin ko sa'yo, kaya kita tinanong ay dahil mukha mo parang di mapatae. Constipated ka ba?"


Napaubo naman ako bigla sa sinabi niya kahit wala akong kinakain at iniinom dahilan para mabulunan ako. "Nababaliw ka na ba!? Siyempre hindi! Ihinto mo na nga dyan!" ani ko sabay turo sa isang kanto bago makarating sa bahay ni Tita.


Hininto niya naman at napailing nang agad akong bumaba. Tiningnan niya ang inupuan ko at napasimangot, "Kung hindi ko lang talaga alam na napaupo sa putik malaman iisipin ko di mo na napigilan ang sarili mo at nagbawas ka sa taxi ko."


Pinamulahan na naman ako ng mukha. Grabe! ang bastos ng bibig ng lalaking ito. Gwapo pa man din. Minus 10 pogi points ka sa akin!


Hindi ko na lang siya sinagot ang naglakad na papunta sa bahay. Narinig ko ang pagmumura niya at tinawag ako. Bahala siya diyan! Manigas siya at papakin sana ng mga uwak! Che!


**


"Anong mukha yan?!" Pambungad sa akin ng kapaid ko. Sinimangutan ko siya, grabe ang mga tao rito. Nakakawala ng ganda! Ilang beses na ba ako sumimangot ngayong araw? Grabe panira talaga ng umaga yong si Ysa! Lagot talaga siya sa akin sa susunod naming pagkikita. Grrr!


"Hay nako, napaaway ako." saka ko hinubad ang suot na sapatos na puno ng putik at hinawakan. Nakakahiya naman sa mga katulong kung sila pa ang paglilinisin ko nito e ako nagdala nito dito.


"Ha?" nanlaki ang mga mata ni Kristine sa sinabi ko, "Unang beses 'yan ah? Dapat ko na bang ibalita 'yan kina nanay at daddy?"


"Baliw! Gusto mo hilahin ako 'nun pauwi habang nakakurot sa singit? Alam mo naman si mother dear, ayaw ng war. Masyadong peaceful." saka ako humalakhak pero agad ring napangiwi. Shet! Ang sakit ng anit ko.


"Tine!"


Napalingon ako sa may hagdanan at nakita si tita. Napangiwi ulit ako, patay na. "Ano 'yan!? Anong nangyari sa'yo?"


"Eh kasi--"

"Napaaway ho tita!" Sinamaan ko ng tingin si Kristine na sisipol sipol lang matapos akong ilaglag kay tita. Isa ka pa, mamaya ka sa akin. Ang plano ko kasing sabihin eh nadapa lang ako sa putikan. Sabagay sinong tanga nga naman maniniwala na nadapa lang ako sa putikan kung ang buhok ko mukhang bird's nest, mukha ko parang pinagexperimentuhan ng pusa at damit kong tila punit ang dumi-dumi pa. Papasa akong rape victim sa itsura kong ito.

I Almost Do ✅Where stories live. Discover now