Chapter 29

1.7K 29 10
                                    

Chapter 29



Malamig ang buong kwarto lalo na't nag-iisa lang ako sa bahay. Alas kuwatro na ng umaga pero wala akong tulog. Nag-aalala kasi ako kay Anton na tinopak ata at sumuong sa dagat.  Napatingin ako sa pwesto niya sa kama. Iniimagine ko na andito siya at natutulog.


Gusto kong matawa. Ang tanga ko na ba?


Mahal na mahal ko kasi yung tao. Hindi naman kami nagkasama ng sobrang tagal, halos dalawang buwan lang pero hulog na hulog yung loob ko sa taong 'yon. Umasa kasi ako na totoo na 'yon. Na this is it. May ka-forever na ako. Tangina, wala nga palang forever.


Hindi ko itatanggi na naiinggit ako sa mga kaibigan ko. Masaya na sila. Ako kaya, kelan sasaya? Mahal na mahal ko si Anton pero hindi niya naman ako mahal kaya't kay thoren ko nalang ibubuhos ang lahat ng pagmamahal kasali na ang pagmamahal ko sa tatay niya.


Minsan gusto kong maawa sa bata. Kasal nga kami ng tatay niya, hindi naman ako ang mahal. Kami nga ang legal na pamilya pakiramdam ko naman ako yung kabit. Yung pinagtutuunan lang ng pansin kapag wala yung original. Sa totoo lang, masakit. Kung sakit lang ang pag-uusapan, quotang quota na ako. Sawang sawa na ako. Pero tuwing naiisip ko si Thoren, gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko kahit wala akong karapatan.


Alam kong napapansin ng mga kaibigan ko na malungkot ako sa kasalan na naganap, pero hindi ko palaging pinapakita na pinanghihinaan ako ng loob. Lagi kong sinsabi na "ayos lang, ako kaya si cristine Lauren Javier" kahit na ang totoo si Cristine Lauren Javier ay hindi na kaya ang lahat.


Noon, natatawa ako kapag sinsabi ng mga kakilala ko na masakit ma-brokenhearted. Pero pag ikaw na pala ang nakaranas makakamura ka pala talaga ng tangina. Talo mo pa ang pinapatay araw araw. And I'm not exaggerating things.


Biglang tumunog ang cellphone ko. Medyo nagulat ako dahil akala ko mawawala ang signal dahil sa sobrang lakas ng ulan kagabi. Nakita ko ang caller ID na si Mark pala. Anong itinatawag niya ng ganitong oras?


"Hello?"

["Tine!"]

"Oh bakit Mark?" nagtatakang tanong ko.

["Si Kuya..."] saglit akong natigilan. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Si Anton! Anong nangyari kay Anton? "Anong n-nangyari sa kanya, Mark?"

Matagal siya bago nagsalita. Parang bang pati sarili niya ay hinahanda niya sa sasabihin niya, ["Naaksidente si Kuya habang papunta rito, Tine. Umuwi ka na rito. Si kuya nasa hospital. Nahulog siya sa speedboat sa lakas ng ulan. Please, Tine. Kailangan ka niya..."]

"Ipa-sundo mo ako rito, Mark. Ngayon na!"


Pagkarating sa ospital ay nakita kong umiiyak ang nanay ni Anton at si Solemn. Biglang nandilim ang paningin ko at sinugod ko si Solemn. Hindi ko alam kung saan ko nahatak ang tapang na meron ako ngayon. Pinagsasampal ko siya. Narinig ko ang tawag nila sa akin pero I'm too far gone.


"Walanghiya ka! Kasalanan mo kung bakit naririto si Anton ngayon!" sigaw ko habang sinasabunutan siya. May naramdaman akong naglayo sa akin sa kanya habang siya naman ay umiiyak habang pulang pula ang mukha. "Kasalanan mo kung bakit siya nasa loob niyan ngayon!At pag may nangyari sa kanya ay magkakamatayan tayo, Solemn." nagngi-ngitngit kong saad.

I Almost Do ✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang