Prologue

6.4K 98 8
                                    

Prologue

"Are you okay?" tanong ni nanay sa akin. Yumuko naman ako at nilingon ang malawak na tubig sa baba nang barko na sinasakyan namin ngayon. Natawa naman ako at ngumiti nang peke, "Oo naman nay. Mamimiss ko lang ang tubig." way to go, Cristine. Seryoso kang 'yan ang mamimiss mo?

Umiling si nanay at hinawakan ang mukha ko, "Anak kita, Tine. Alam ko kung may problema sa iyo. Gusto mo pa bang magbakasyon? Pwede naman eh." saad ni nanay ago naubo. Tinitigan ko si Nanay. Gustuhin ko man hindi pwede. Umiling ako kay nanay at ngumiti, "Ayos lang ako nay. Pagod lang po talaga ako."

Sa bakasyon ko na ito marami akong natutunan. Maraming nadagdag sa akin pero mas maraming nawala. Pinikit ko ang mata ko habang iniisip ang mga nangyari sa bakasyong ito. Tinitigan ko ang malawak na tubig na naghihiwalay sa aming dalawa.

Siguro... sa pag-gising niya ngayon mapapansin niya ring wala na ako. Buti na rin 'yon. Lalo na ngayong kilala ko na kung sino talaga siya mas kinakailangan ko nang lumayo. Tinapunan ko nang huling tingin ang isla na pinagbakasyunan ko at ngumiti nang pagak, "Goodbye..." mahinang bulong ko sa hangin.

Bumuntong hininga naman agad ako at tinapunan nang tingin ang cellphone kong hawak hawak ko ngayon. Alam niyo yung pakiramdam na gustong gusto ko siyang i-text pero anong use? Di niya ako fully kilala at malamang wala na din naman siyang pakialam.

Nagulat ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko at mas mabilis pa sa alas kwatro namang tumulo ang luha ko. Bago pa makita ni nanay ang luha ko ay pinunasan ko na ito.

Where are you?

Pakiramdam ko pinunit ang puso ko nang ilang beses at inapakan. Gustong gusto ko siya reply-an pero tuwing naalala ko ang rason nang pag-uwi ko ay pinipikit ko nalang ang mga mata ko.

Sa loob nang dalawang buwan maraming nangyari sa buhay ko. Who would have thought na magbabago ang buhay ko sa loob nang dalawang buwang bakasyon ko?

Calling...

Ton <3

Tinitigan ko lang ang cellphone ko. Wala akong planong sagutin pa 'yon dahil alam ko oras na sagutin ko ang tawag na ito magkamatayan na kahit pa lumangoy ako babalikan ko siya. Pinindot ko ang reject at inoff ang cellphone ko. Sana lang malaman niya na ginagawa ko to dahil mahal ko siya.

Mahal. Nakakatawa dahil sa loob nang dalawang buwan ay ang bilis nahulog nang loob ko sa kanya. "Anak, malapit na tayo sa pier. Tara na?" saad ni nanay. Kita ko rin ang pag-aalala sa mga mata niya.

Tama na Cristine. Masyado mo nang pinag-aalala ang mga tao sa paligid mo. Maybe, I should really move on.

I'm Cristine Lauren Javier...and this, this is my story.

I Almost Do ✅Where stories live. Discover now