Chapter 12

2K 36 13
                                    

Chapter 12



"Can I court you, Lauren?"

"Can I court you, Lauren?"

"Can I court you, Lauren?"

"Can I cou--"


"Hoy ate! Mukha ka nang tanga!" Nabalik ako sa realidad nang ang bwisit kong kapatid ay sinira ang magandang daydream ko.


"Ayos lang ako pero ikaw ang hindi magiging ayos kapag hindi mo ako tinigilan sa panggugulat." Saad ko at pinanlakihan siya ng mata. Ngumuso naman siya, "'To naman! Concern lang!"


"Heh!"


"Eh bakit ka kasi ngiti ng ngiti ng walang dahilan?" Tanong niya sa akin at pumasok sa kwarto ko saka umupo sa kama ko.


Niyakap ko ang isa sa mga unan ko saka tinago ang mukha ko rito. "Wala!" Saad ko pero nakangiti.


"Aha! Si Kuya Anton no?" Nilingon ko siya at nakitang nakangisi siya sa akin. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko saka tumili. Nakitili naman siya sa akin kaya nagtawanan kami.


"Oh anong nangyari ate?" Excited niyang saad.


Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari kanina minus yung papakan sa loob ng taxi. Hindi ko rin naman gusto malaman ng kapatid ko ang medyo steamy scene namin ni Anton kahapon no!


"Ay loka!" Tili niya. "Ang sweet ni kuya!"


"I know," saad ko saka niyakap ng mahigpit ang unan ko.


"So dahil nanliligaw na siya sa'yo, sasama siya sa atin pauwi saka siya pormal na magpapaalam kina nanay?" Nakangiti niyang tanong. Saglit na nawala ang ngiti ko saka napayuko.


"Hindi siya sasama."


"What?! Bakit?!" Nakasimangot na tanong niya. Ngumiti ako sa kanya saka ko inilagay sa gilid ko yung unan na hawak-hawak ko kanina. "Andito ang buhay niya, nasa Maynila ang atin. Saan siya titira kung doon siya?"


"Sa mga hotel dahil hindi pwede sa bahay."


"Saan siya kukuha ng pambayad sa hotel eh mahirap maghanap ng trabaho sa Maynila lalo na at wala siyang maalala? Paano siya kukuha ng mga certificate na kailangan sa pag-aapply ng trabaho?" Nanatiling nakatitig sa akin ang kapatid ko. "May mga gusto tayo pero hindi pwede."


"So, summer love lang talaga iyan?"


Napatingin ako sa mukha niya bago tipid na ngumiti, "Oo."



***



"Ayan na si Tine!" Nagtataka naman akong napatingin kina tita na ang laki ng ngiti. "Ho?" Tanong ko. Nilingon ko si Laura sa tabi ko pero wala rin siyang ideya sa kung anong nangyayari sa buong kabahayan.

I Almost Do ✅Where stories live. Discover now