Fuu,Yukito and Touya <3

7.6K 173 18
                                    

* Hahaaay! Ang gwapo ni Keiji,ang ganda ni Belle! Ang gwapo nina Myk at Kebin db? Eh sina Heaven at Prime kaya? Nga pala bet ko palitan ang model kay Baikku kht cute yung nauna kong model, kung may kilala kayo na cute na green hair boy just tell me (korean.Pinoy o japanese basta may name para madali ko masearch) thank you! ^^,

-----

Baikku's Point of view

"Okay class! I have an announcement to make,please do listen carefully" ani Mam Sanchez ng makapasok.

Nakakatuwa din tong si Maam eh,hindi na nauubusan ng announcement,pambungad lagi,ganun ba dapat pag first subject? Haha!

"You will have a new classmates,ang dalawa galing sa Japan,at ang isa naman ay from Private School" ani Maam.

Wow! From Japan! Astig! Pwede ako magpaturo ng nihonggo sa kanila haha!

"Sakto lang ang pagtransfer nila dito dahil tapos na ang first grading natin and we will be starting the 2nd grading,and for that,I want to congratulate you first at nakapasa kayo sa periodical test,salamat sa play diba?" ani Maam at ngumiti,nagtawanan at palakpakan kami dahil dun,oo nga naman,ang laki ng naitulong nung play.

"Pasok na mga new students" ani Maam at may pumasok na nga na tatlong students. Wow! Para silang mga artista!

"Introduce yourself" naka ngiting sabi ni Maam,unang nagsalita yung babaeng naka eyeglasses,maganda sya at mukhang matalino.

"Good morning everyone,Im Fuu Hououji 17 years old,you can call me Fuu,Im from Juuban High school in Tokyo Japan,at magaling po ako magtagalog hihi and I love Math and Physics,and I also like Archery" pakilala nito saka nag bow.

Wow! Sya na! Nakakainggit naman ang babaeng to,pati mga classmates ko napa wow na,hindi naman sinasadya napalingon ako kay Keiji at naka busangot ang mukha nito.

Problema nun?

"Magandang umaga sa lahat! Im Yukito Tomoe Fuentebella, 17 years old,Just call me Yuki, and I do love sports,Soccer,basketball, and I also love Math and Physics,yun lang po" pakilala nung isa,gwapo din,maputi,naka eyeglasses din,dark grey ang kulay ng buhok.

"Uhm excuse me ijo,how are you related to Yuweh Tomoe and to the Fuentebella's?" biglang singit ni Maam.

"Actually Maam,Im Yuweh and Argel Fuentebella's son, at pinapaabot po nila sayo ang pangangamusta nila,and by the way,Im Keiji's cousin" anito at tiningnan si Keiji ng nakangiti,kaya naman pala nakabusangot ang isang iyon.

"Infairness,gwapo sya" kumento ni Belle na katabi ko.

"Oh! How nice at naalala pa nila ako, They were once my students" ani Maam na kumikinang ang mga mata na akala mo'y may alaalang binabalikan. "Uhm last question ijo, are you a foster child or you know" dagdag nito.

Aba? Masyadong nang personal ang tanong ni Maam ah? Hindi kaya mapikon tong pinsan ni Keiji?

"Maam,science is the answer,if you happen to know the case of Tzekai and Paul Saavedra,ganun po ako" naka ngiting sabi nito.

"Wow,thanks sa pagsagot ijo" ani Maam. "Mr.Handsome its your turn" baling nito dun sa huling lalaki. Bongga ni maam ah? May Mr.Handsome pang nalalaman? Tumiteen ager si Maam! XD

"Good morning, Im Touya Kinomoto,17 years old,loves to play all kinds of sports,and loves all the academic subjects,like Fuu-chan nagtatagalog ako kaya huwag kayong mahiya mag approach" naka ngiti nitong sabi. Tilian ang mga babae kong classmates,ang lalandi! Sa bagay gwapo nga din tong si Touya,tall,dark and Handsome,black hair pero brown eyes.

Pagkatapos nun,naghanap na sila ng mga mauupuan nila,since walang extrang chair ay mapipilitan silang kumuha ng bago sa stock room.

"Keiji and the other's why dont you get the chairs from the stock room,dumaan muna sa faculty para magpaalam" utos ni Maam,agad namang tumayo si Keiji.

"Maam ako na po sasama sa kanya" sabi ni Yukito,sinamaan ito ng tingin ni Keiji kaya napahagikgik ako.

"Ako din Yuki sama ako,tatlo ang upuan so dapat tatlo din tayo" segunda ni Touya. At yun nga umalis na ang tatlo.

Ng maka alis ang mga ito ay hindi muna nagdiscuss si Maam,hintayin daw kasi dapat yung tatlo. Ako naman napatulala na naman at napaisip,this past few days napapansin kong napapadalas ang pagkakatulala ko.

Haay! Keiji! Kelan kaya tayo magpapansinan? Kung alam mo lang na hindi ako nakatulog at hindi pa din ako nakakatulog dahil sa halik na yon. Dahil dun I had to turned down Rye,kasi umaasa ako na baka may pag asa tayong dalawa.

"Hoy! Tulala ka na naman" pag puna sakin ni Belle.

-----

Keiji's Point of view

"Bakit ka nag transfer dito?" pabulong kong sabi sa magaling kong pinsan,hindi na ako magtataka kung isang araw nandito na din si Meychi "Binabantayan mo ba ako?" dagdag ko pa. Nandito kami sa hallway naglalakad papunta sa faculty room.

"Ikaw lang ba may karapatan mag aral dito insan? Gusto ko dito eh,at saka bakit kita babantayan?" nakangiting sagot nito.

"Hindi ako naniniwala,gusto mo lang maki tsismis samin ni Baikku" sagot ko naman.

"Paranoid ka lang insan" nakangiti pa ding sagot nito. Bahala nga sya,baka lalo lang ako mainis.

"Yuki sasali ka ba sa mga clubs?" pag singit ni Touya sa usapan naming magpinsan.

"Hindi ko pa sure eh,bakit?"

"Wala lang,sali tayo" sabi naman ni Touya, pinabayaan ko na lang sila mag usap,tutal pareho silang dugong hapon,sila lang magkakaintindihan.

Ng makapag paalam na kami sa faculty at makakuha ng upuan ay bumalik na kami sa classroom bitbit ang mga upuan.

Recess came at nagmadali na akong lapitan si Baikku,ngayon ko na sisimulan ang pagkilos ko.

Agad ko syang hinawakan sa kamay na ikinagulat nya.

"Keiji? Bakit?" taka nitong tanong.

"Tara na mag recess,treat kita" nakangiti kong sabi at tuluyan ng hinila si Baikku palabas ng room. Bahala na ang tropa,malalaki na sila.

- Vote and Comment po if you like :3 . And as you can see may dinagdag akong mga characters,magiging part din sila ng tropa at nasa third series pa ang malalaki nilang role lalo na sina Yukito at Touya ^^,

PIC NI HEAVEN -->

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now