Forgiveness: Letting go!

5K 141 16
                                    

Kebin's Point of view

"Sinong pasyente?" sagot ng duktor,kahit nanlalambot na ako at masakit na ang mata ko kakaiyak ay napatayo ako.

"Myk Flores Doc,bigla syang narevive pagkalabas na pagkalabas mo,biglang bumalik ang heartbeat nya,kitang kita namin sa monitor" sagot ng nurse. Hindi na nagsalita ang duktor at nagmamadaling pumasok sa ER.

Natigilan kaming lahat,ako ay bumilis ang tibok ng puso,nabuhayan ako ng loob,hindi pa patay ang boss ko! Hindi pa patay si Myk!

Mayamaya ay lumabas ulit ang duktor.

"Mister and Missis Flores,I dont know what to say,this is indeed a miracle,but I have to tell you,madaming nawalang dugo sa kanya at kailangan mapalitan yon,and also we have to examine the patient malaki ang posibilidad na may side effect ang pagkaka bagok nya" sabi ng duktor. Sa narinig ay hindi ko maiwasang sumaya,buhay sya!

"Magdo-donate ako ng dugo doc,parehas kami ng Blood type ng anak ko" sagot ni Tito.

"Well then,sumama ka sa akin" ani ng duktor at tumalima si Tito.

"Kebin,pwede mo ba akong samahan sa chapel anak?" nagpupunas ng luha na sabi ni Tita.

Agad akong tumango at lumapit,nagbilin si tita sa tropa na if ever na hanapin daw kami ni Tito ay sabihing nasa chapel lamang kami.

Ng makarating kami ni Tita sa chapel ay tahimik naming tinungo ang pinaka unahan at dun naupo.

"Alam mo Kebin,napaka bait na anak nyang si Myk,mapagmahal ding kapatid,ituniring namin syang kayamanan" panimula ni Tita kaya nilingon ko sya at tahimik na nakinig.

"Isa ako sa mga babaeng hirap magbuntis,inabot ng limang taon bago sya dumating samin kaya sobrang saya namin ng Tito,mahal na mahal namin si Myk,ikaw din diba mahal mo sya?"

Nagulat ako,lakas ng kabog ng dibdib ko,napakurap ako ng ilang beses.

"P-po? Syempre po mahal ko sya,tropa namin sya eh" sagot ko.

Ngumiti si Tita na ipinagtaka ko. "Hindi iyon ang nais kong ipagkahulugan Kebin,alam namin ng Tito mo ang relasyon nyo ni Myk,matagal na naming napapansin na kakaiba ang turingan nyo"

Hindi ako nakasagot,na pipi ako,alam na pala nila pero hinayaan lang nila kami,sadya nga sigurong mga magulang lang ang makakaintindi sa mga anak nila. Napayuko ako dala ng pagkahiya.

"Patawad po Tita" nakayuko ko pa ding sabi.

"Huwag ka humingi ng tawad anak,tanggap namin kung anong mayron kayo,ganun namin kamahal si Myk,at alam din namin na nitong mga nakaraang araw ay may problema kayo,sana kayanin nyo anak,huwag kayong bibitaw" puno ng pang unawang sabi ni Tita,napaka dalisay ng pagmamahal nila kay Myk at nangangako ako na gagawin ko ang lahat at mamahalin ko ng lubos si Myk.

"S-salamat po Tita"

"Wala iyon,tara at ipagdasal natin sya" at lumuhod kami at taimtim na nagdasal,ipinapasa Diyos ko na ang lahat,alam kong hindi Niya papabayaang mawala sa amin si Myk.

"Tita,Kebin hanap na po kayo ni Tito" paglingon namin si Yuki,matapos nun ay tinungo na namin ang private room ni Myk.

Sabi ng doctor kailangan pa daw ng dugo ni Myk pero ligtas na sya at kung maaari daw ay agaran syang mailipat sa ospital sa syudad.

Lahat kami napalingon ng bumukas ang pinto,pumasok si Mimi, agad na humarang sa kanya ang mga babae sa tropa.

"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mo,hindi ka kailangan dito" asik ni Heaven kay Mimi.

"Alam kong mahirap na akong mapatawad,pero hayaan nyong ipakita ko ang aking pagsisisi" sagot ni Mimi. Napatingin ako sa wala pa ring malay na si Myk,hindi ko alam kung anong iisipin at magiging reaksyon ko kay Mimi.

"Nadinig ko ang usapan at gusto ko mag donate ng dugo,pareho kami ng blood type, AB" Sagot ni Mimi, natahimik kami.

"Salamat hija" sabi ni Tito.

Tapos ng makapag donate si Mimi ng dugo at nagpapahinga na din sya. Naisip kong tawagan sina Papa dahil mag gagabi na at kailangan na din mailipat si Myk. Naguluhan man,pumayag si Papa at mag usap daw kami pagkauwi ko,alam ko na kung anong pag uusapan namin.

Ako na sana ang aako ng hospital bill pero napag desisyunan ng tropa na pag ambagan ito. Natouch ako kasi sila talaga ang mga masasabi mong kaibigan,yung hindi ka iiwanan. Mangiyak ngiyak na nagpasalamat sina Tito at Tita sa amin at hiniling na ilipat agad si Myk dahil wala daw kasama si Maki,ibinilin lang daw nila sa kapitbahay.

Bago ilipat si Myk ay kinausap ko si Mimi.

"Salamat sa pag donate ng dugo mo" sabi ko.

"Wala yon,kulang pa yon sa kasalanang nagawa ko,sana mapatawad nyo na ako,sobrang nagsisisi ako Kebin,tama mga kaibigan mo,naging sakim ako,hindi ko na kasi nakontrol ang pagmamahal ko sayo eh" umiiyak nyang sagot,somehow naawa ako sa kanya,hinawakan ko sya s magkabilang balikat.

"Pasensya ka na din at hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal mo,si Myk ang mahal ko,sya ang tinitibok ng puso ko,sya din ang sinisigaw nito, naiintindihan kita,nagmahal ka lang din tulad namin pero mali ang naging paraan mo,napatawad na kita,at sigurado akong napatawad ka na din ni Myk,I know him" sabi ko naman,gusto ko kasing maayos na ang lahat,para pag nagising si Myk,yung sa amin naman ang aayusin ko.

"Maraming salamat,nagyon naiintindihan ko na kung ano ang tunay na pagmamahal,pinapalaya na kita at patawad ulit,sana sa muling pagkukrus ng landas natin,maging magkaibigan tayo" ngumiti sya habang lumuluha,alam kong nahihirapan sya at nasasaktan pero kailangan nyang kayanin, maganda naman sya,matalino at dating mabait kaya ko nga sya nagustuhan noon,sana maibalik na nya ang dating sya.

Tumalikod na sya at naglakad palabas,sakto nilapitan ako ng tropa.

"Tara na,mahaba pa ang byahe at saka para makapag pahinga na tayo lahat pagkalipat ni Myk" aya sa akin ni Prime. Nginitian ko sila at magkakasabay na kaming lumabas ng ospital,habang sina Tito at Tita ay nasa ambulansya kung san naroon si Myk.

- Musta? Medyo nawala na sinat ko, Vote and Comments naman po dyan :)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now