Entrapment Operation!

3.5K 104 8
                                    

NOTE: Yung POV ni Reuben ay naganap kinabukasan pagkatapos makipag break ni Khaayl :)

-

KhaayL's Point of view --

"Ano teh? Tatlong araw ka ng lutang? Pabigla bigla ka kasi ng desisyon eh!" inis na sabi ni Izzy sakin.

"Kurak! Akala ko ba hindi mo sya bibitawan? Nakakaloka,magpapaliwanag yung tao hindi mo pinakinggan,kung sa tutuusin eh pareho lang naman kayong nasasaktan,nakakainis ka!" segunda ni Jie. Wala akong masabi,tama naman sila,sa palagay ko nagkamali ako ng desisyon,inuna ko yung damdamin ko,at ni hindi man lang ako nagtangka na pakinggan si Reuben,ngayon sobrang nagsisisi ako,tatlong araw na mula ng mangyari yon,tatlong araw na din akong nakalipat sa isang room for rent.

Kamusta na kaya sya? Hindi ko pa din sya nakikita,nakakain kaya sya sa oras? Malungkot din kaya sya ngayon sa apartment? Ano na kaya nangyari sa kanya? Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang naisip na baka may problema sya? Ni nawala nga sa isip ko na baka talagang may ginawa si Leila tulad ng hinala namin,at ngayon ko lang ulit ito napagtanto,ngayon pakiramdam ko huli na ako,hindi ko na mababawi kung anong sinabi ko.

"See? Hindi sya nakikinig" ani Izzy

"Yaan mo na,kumain na lang tayo" sagot ni Jie dito,ako naman ay tulalang nakatitig lang sa pinto ng canteen,hanggang sa pumasok si Leila at ang mga alipores nya.

"Oh,the devil is here" ani Izzy,galit na galit na sinugod ako ni Leila,buti nakaharang agad si Jie,susugod sana mga alipores ni Leila pero nagsalita si Jie.

"Sige! Ituloy nyo! Maraming saksi,madami kaming kakampi! Pwede ko kayong pa expel!"

"Ang kakapal ng mukha nyo!" sigaw ni Leila sa amin na ikinataas ng kanan kong kilay. Anong problema nya? Hiniwalayan ko na nga si Reuben nagkakaganyan pa sya?

"Ano bang problema mo Leila? Hiniwalayan ko na si Reuben kaya dapat diba masaya ka na?" sabi ko sa kanya. I think its not fair na umakto sya ng parang sya pa ang agrabyado,ano to? Lokohan? Baliktaran?

"You and your bastard friends are my problem! Sinira nyo ang plano ko! Ginulo nyo lahat! Ang kakapal nyo!" gigil na gigil na bulyaw nito na ipinagtaka ko,ano bang sinasabi nya?

"Hindi kita maintindihan at hindi ko alam ang mga sinasabi mo,if you'll excuse us,may klase pa kami" sagot ko sabay hila palabas kina Izzy at Jie.

"Mukhang nabaliw na ang bruha" ani Izzy habang naglalakad kami sa hallway papunta sa next class namin.

"Over sa sex yun teh,yun resulta,ang kati kasi eh,dapat magpa check up na sya,daming dumaan sa kanyang lalaki" sagot naman ni Jie,natakot naman ako dun,kung totoo yon edi nahawaan na si Reuben? Diyos ko! Huwag naman sana.

"Musta? Nabalitaan ko yung nangyari sa cafeteria,okay ka lang ba?" ang biglang sulpot na sabi ni Jeyo.

"Oo,ayos lang ako,may iniisip lang,nga pala maraming salamat sa pag alalay sa akin nung mga panahong down ako" sabi ko at hinarap si Jeyo.

"Ayos lang yon,magkaibigan tayo,at ayoko mabugbog ni Pareng Reuben at ng dalawa mong kasamang amazona" nakangisi nyang sagot.

"Amazona ka dyan! Kapal!" reak ni Izzy.

"Bet ko yon,atleast parang girl ang dating" sabi naman ni Jie at nagtawanan kami.

-----

REUBEN's Point of view --

"Sigurado ba kayo dito? Problema ko ito,pwedeng ako na lang ang umayos" nag aalangan kong sabi,nandito kami ngayon sa labas ng mansyon nina Leila. Kahapon kasi,nung makipag hiwalay si Khaayl sa akin,sobrang nadepress ako,naglaslas pa nga ako pero naabutan ako nina Ice at Arjie. Para na kasi akong mababaliw,sinisisi ko ang sarili ko,dahil sa mga pinag gagawa ko hindi pinakinggan ni Khaayl ang paliwanag ko,nawala sya sa akin.

Matapos nila akong gamutin kahapon ay nagplano sila,kinuntsaba nila si Keiji at Yukito. Napapayag naman nila ako,pero ngayon nag aalangan na ako,para kasing iba,dapat ako mag isa ang umaayos nito.

"Tumigil ka nga,hindi mo malulutas mag isa to,kaya nga naging kaibigan mo kami" ani Keiji habang nakatanaw sa mansyon.

"Tama si pinsan,mula umpisa hindi tayo nag iwanan at nagpabayaan,ngayon pa ba?" dagdag ni Yukito.

"At ito ang tamang ginagawa ng mga tunay na kaibigan" segunda pa ni Arjie.

"Ayan na si Leila! Ihanda nyo na ang recorder!" ani Ice,dali daling nag ayos sina Keiji at Yukito,kami naman nina Arjie at Ice ay inilagay na sa mga tenga naman ang earphone para madinig ang magiging usapan nila.

"Hi miss,you look familiar" ani Keiji kay Leila,kumunot naman ang noo ni Leila. "Nabalitaan ko sa isang katropa na magaling ka daw sa kama? Pwede ka ba naming subukan ng pinsan ko?" diretsong dagdag ni Keiji,kinakabahan ako habang nakikinig sa earphone.

"Yon eh kung gusto mo lang,mukha ka pa bang lugi samin?" sabi naman ni Yukito. Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa namin to.

"Uhm? Please huwag kayong maingay,baka may ibang makarinig" ani Leila.

"Ganun ba? Ano nga palang pangalan mo?" ani Keiji.

"Its Leila,uhm kelan nyo gusto at san?" sagot ni Leila. That bitch! Dapat pala hindi na ako nagpadala nung una pa lang! Shit! Napakahina at napaka walang kwenta ko talaga.

"Ngayon ba pwede? My place" si Yukito naman ang nagsalita.

"Sure! Tara!" ang malanding sabi ni Leila,and that's our cue para tumigil na. Palihim na pliney ni Yukito yung nirecord,nanlaki ang mga mata ni Leila at namutla.

"Shit! Sino ba kayo? Give me that! Ugh! Mga hayop!" sigaw ni Leila,at dun na kami nina Arjie at Ice nagpakita at lumapit,lalong namutla si Leila.

"Im sorry,but your game is over bitch! Huling huli ka na" sabi ko,galit na galit ako,pero hindi ko sya pwedeng saktan.

"Ang recorded audio and video namin ay gagamitin namin laban sayo" ani Ice.

"What do you mean?" takot na sabi ni Leila. Ganyan nga,matakot ka sa mga kagaguhan mo.

"Yun ay kung hindi ka susunod sa gusto namin,gusto mo bang lumadlad ang ilegal na ginagawa ng Daddy mo? Gusto mo ba syang mapahiya? At gusto mo bang mapahiya sa lahat? Alam din naming nilalagyan mo ng droga ang mga inumin ni Reuben para magrogy sya at mapasunod sa gusto mo,mabigat na kaso yon Miss" nakangising sabi ni Keiji.

"Mga walangya!" ang tanging nasabi ni Leila.

"Ganun ka din naman,now ang gusto naming gawin mo,utusan mo ang Daddy mo na tanggalin nya bilang tauhan si Reuben,pangalawa titigilan mo na si Reuben at Khaayl,ikatlo,kung may mangyari sa kanila,ikaw ang sisisihin" dagdag ni Yukito.

"At pang huli,pag hindi ka sumunod,magkita tayo sa korte at ihanda mo na ang sarili mo sa bilangguan,mayaman kami Leila,mas mayaman sa inyo,lahat magagawa namin sa tulong ng pera" ani Keiji,natahimik si Leila,hindi padin nawawala ang pamumutla nya,para na syang papel.

"Tantanan mo na kami Leila,tama na yon pwede? At huwag kong malalaman na may ginawa ka kay Khaayl,dahil hindi na ako takot,sana manahimik ka na,sana huli na ako at wala ka ng ibang gagamitin at lolokohin pa,sayang ka" ang sabi ko naman,hindi na sya makatingin sa akin ng deretso. At bigla bigla na lamang syang nanakbo papasok sa bahay nila. Dun lang ako nakahinga ng maluwag.

"Oh ayan! Sana naman tumupad sya at matakot sya" nakangising sabi ni Keiji at umakbay sa akin.

"Ang hirap pala umakting? Kung nandito si Touya pinagtawanan na ako nun" ani naman ni Yukito.

"Basta,ayos ng kabayaran na magkaayos kayo ni Khaayl,ng hindi naman masayang ang effort nating lahat" nakangiti ding sabi ni Ice.

"At huwag mo din kalimutang ipakita sa aming lahat ang anak mo! Kung hindi,kami mismo susugod sa probinsya!" sabi naman ni Arjie kaya nagtawanan kami bago sumakay sa kotse ni Keiji pabalik sa apartment.

Si Khaayl na lang ang problema,sana maayos na ang sa amin. Sana.

- mustasa? Kung may nagbabasa pa,paramdam po kayo sa pag comment at vote! Haha! Thank you! =)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now