Destined for each other!

4.3K 117 5
                                    

AN- This will be the last chapter,nagtatalo ang isip ko kung gagawan ko pa sina Reuben at Khaayl ng story,but since busy na ako sa sideline job ko, 11am to 10pm ang sked ko sa,mahihirapan na ako makapag update,dont worry,may dalawang ongoing story pa naman. Pero baka gawan ko pa din ng side story si Reuben at Khaayl kahit 10 chapters lang then Epilogue :)

I just want to thank you guys for supporting this story until the very end,sa mga nagkocomment,nagbabasa at naglalagay ng mga stories ko sa Library at Reading list nila,tulad ng dati ko pa sinasabi hindi ko kailangan ng 40k plus reads,thousand reads,ang mahalaga sa akin ay ang mga comments dahil yun ang isa sa motivation ko,dun ako humuhugot ng lakas magpatuloy,alam nyo namang Im not like the others na papadamihin muna reads bago mag update ulit,alam nyong araw araw at 3x a day pa ako mag update,pero ngayon mahirap na. Again,maraming maraming salamat po sa inyong lahat! May dalawa pa akong story,sana suportahan nyo din yon,maraming maraming salamat po :)

-----

Yukito's Point of view

Paglabas pa lang namin sa departure ng airport sumalubong na sa amin ang mga tauhan ni Lolo Grand Master,sinabihan siguro sya ni Papa Yuweh,sa kanila kami tutuloy. Pati ang pinsan kong si Keiji ay namamangha,pareho naming first time dito sa Japan kaya pinagtatawanan kami nina Touya at Baikku.

Sobrang asikaso kami ng makarating sa palasyo,ang laki laki,talagang namangha kaming apat. Pag magsasalita si Lolo at Lola ay halong nihonggo at japanese,pinaghandaan din kami ng napaka daming japanese foods na talaga namang nagpa busog sa aming apat.

Nagpaalam kami na mamamasyal at pinayagan kami,yun naman daw talaga ang kailangan naming gawin.

At dahil nga mas may alam sina Touya at Baikku dito sa Japan,sunud sunuran kami ni Keiji sa kanila. Kung saan saan kami pumunta.

Nagdesisyon din kaming maghiwalay muna,sina Keiji at Baikku pupunta sa tatay ni Baikku,papakilala daw nya si Keiji dito. Kami naman ni Touya ay pumunta sa Juuban district,dito lang din sa Tokyo kung saan sila dating nakatira at kung nasan ang dati nilang school. Dahil summer ay napaka aliwalas ng panahon,ang sarap talaga mamasyal.

Ng makarating kami sa dati nilang bahay ay napangiti ako,katulad na katulad ito ng bahay nila sa Pilipinas.

"Ang galing ah? Parehong pareho ang bahay nyo dito at bahay nyo sa Pilipinas" mangha kong sabi habang nasa labas kami,hindi na kasi kami pwedeng pumasok,may bago ng nakatira.

Ngumiti si Touya at inakbayan ako. "Yup,ganun kasi ang gusto ni Papa para daw hindi kami manibago,dyan sa bahay na yan napaka rami kong alaala bago kami lumipat sa Pilipinas"

"Nalulungkot ka ba?" seryoso kong tanong.

"Medyo" simple nyang sagot. Hindi na ako nagsalita. Nalulungkot pala sya na nalayo sila dito. Syempre malamang,mas gugustuhin nya dito,kasi dito sya pinanganak at lumaki.

"Tara,puntahan natin ang dati kong school" pagkuway sabi nya at iginiya na ako sa ibang dereksyon,naka akbay pa din sya habang naglalakad kami. Nakakatuwa dito sa Japan,ang linis,at ang mga bahay ay ang ku-cute.

Malapit na kami sa dating school ni Touya ng tumigil kami dahil may tumawag sa kanya.

"Kinomoto Touya" anito,paglingon namin,nagulat ako,isang napaka gandang babae,mga nasa 25 plus na ang edad.

"Momoko" ani Touya na parang natulala pa,parang na mezmirize pa sya dun sa babae kaya nakaramdam ako ng mumunting kirot sa dibdib.

"Its nice seeing you here again in Japan,and I think Im right,remember that day when I told you that when we'll meet again,you have your ultimate love,and I want to congratulate you" naka ngiting sabi nito. Napanganga ako,hindi ko ma gets ang sinabi nya at napansin ko ding fluent sya mag english.

"What's his name?" naka ngiting sabi nito at lumapit,ako naman nagtataka pa din,tiningnan ko si Touya na parang ngayon lang ulit bumalik sa realidad,tumingin sa akin,inakbayan ako at kumindat.

"Yukito Tomoe Fuentebella,he's my boyfriend!" proud na sabi ni Touya,pakiramdam ko namula ako,iba pa din pala talaga ang pakiramdam pag pinagmamalaki ka ng mahal mo. Nakakataba ng puso,nakakatunaw.

"Oh! Such a kawaii boy! You two are destined to be,hmmn by the way, I should get going, please do love and take care of each other! Sayonara!" naka ngiting sabi nito at nagbow bago tumalikod at naglakad palayo,kita pa naming sinalubong ito ng isang gwapong lalaki. Napangiti ako.

"Sino sya?" pagkuway tanong ko kay Touya ng magsimula na ulit kaming maglakad.

"Si Momoko,dati kong teacher nung junior high school dito..At ex girlfriend ko sya" sagot nya na ikinagulat ko kaya kumalas ako sa pagkaka akbay nya.

"Ha? Ano? Naging karelasyon mo ang dati mong teacher?!" grabe,hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Parang,parang..Ah ewan!

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko,tinitigan nya ako kaya nakipagtitigan din ako. Bumilis na naman tibok ng puso ko. Pano yon nagagawa ni Touya? Ang pabilisin ang tibok ng puso ko?

"Makinig ka,noon pa yun Yuki,I was 14 then ng makilala ko sya,I fall inlove with her,pero hindi nagtagal ang relasyon namin,I was so broken ng makipag hiwalay sya dahil pupunta na daw sya ng USA,sobrang minahal ko sya,halos mabaliw ako nun,sabi nya sa muling pagkikita namin eh may iba na daw akong mamahalin,ultimate love ko daw,pero hindi ako naniwala,sobrang depressed ako,at ang naisip na paraan ni Papa ay ang lumipat sa Pilipinas since may dugo kaming Pinoy,at dun kita nakilala,ang bago kong pag ibig,ang muling bumuo at bumuhay sa akin puso,ang mamahalin ko habang buhay,ikaw yon Yuki wala ng iba,ikaw lang,mahal na mahal kita" mahaba nyang sabi habang nakatitig pa din kami sa isa't isa. I was dumbfounded,I dont know what to say,sobrang overwhelmed ako,my heart's keep pounding and pounding na parang gusto ng lumabas sa aking dibdib. Yung sobrang pagmamahal na gusto ng kumawala. Lahat ng agam agam ko ay naglahong parang bula.

Dahil wala akong masabi ay niyakap ko na lamang sya ng mahigpit. Napakasarap sa pakiramdam,napakainit,I felt security in his arms,I feel his overflowing love.

"Toya,mahal na mahal din kita" sabi ko habang mahigpit ko syang yakap na ginantihan din nya ng mahigpit na yakap at halik sa ulo ko.

"Ang hilig nyo talaga maglambingan sa public na lugar,pinagtitinginan na kayo ng mga hapon oh?" napa bitaw kami sa yakapan ni Touya ng madinig namin boses ni Keiji. At totoo nga,ang dami na naka tingin sa amin.

"Tara na sa Tokyo Tower,gusto ko mapanood paglubog ng araw" ani Baikku at tumalikod na sila ni Keiji at naglakad.

"Lagi sumusulpot ang dalawang yan" natatawang sabi ni Touya at napakamot sa ulo. Nginitian ko sya,tumingkayad ako at hinalikan ko sya sa labi na halatang ikinagulat nya dahil hindi agad sya nakakilos.

Wala akong paki alam sa mga nakakakita sa amin ngayon,ang mahalaga maiparamdam ko din kay Touya ang pagmamahal ko,yon lang sapat na.

Bumitaw na ako sa pagkakahalik at nanakbo,hinabol ko sina Keiji at Baikku,paglingon ko kay Touya,nakatayo pa din sya at namumula,nakatingin sa akin.

"Tatayo ka na lang ba dyan? Hindi ka makaka score sige ka" pasigaw kong panunukso sa kanya. Nagliwanag ang mukha nya saka ngumiti at sumunod sa amin.

May dalawang linggo pa kami dito,dalawang linggo kong ipaparamdam ang pagmamahal ko sa kanya,at kahit makauwi na kami sa pilipinas,patuloy ko pa din ipaparamdam ang pagmamahal ko sa kanya. At alam ko ganun din sya,bata pa kami pero sinubok na kami ng tadhana,at alam ko,sa pagdaan ng panahon ay susubukin pa kami,pero hindi ako bibitaw,ganun ko sya kamahal at alam kong ganun din ang gagawin nya. Hanggat magkasama kami,nagmamahalan,may tiwala sa isa't isa ay kakayanin namin ang lahat na magkahawak kamay.

- What can you say? =)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now