The Retreat Part II: Kilig?!

5.8K 147 11
                                    

Kebin's Point of view

Shit! Shit! Shit! Bakit ako biglang kinabahan kanina? Anong nangyayari sakin? Bakit biglang nawala ang galit at inis ko kay Myk? Bakit gumagawa ako mga bagay na iniisip ko pa lang pero ikinikilos na ng katawan ko?

Nagsimula lang naman to ng matulog sya sa amin,pagkatapos nun ayon na,hindi na ako matahimik,may kung anong damdamin na ang umaalipin sa akin na hindi ko mapangalanan at ngayon parang alam ko na kung ano yon.

Buwisit! Posible nga talaga yon,ito pala pakiramdam nun! Nakakabaliw tangna!

Naupo ako sa kamang inookopa ko at palihim na kinuha sa bulsa ko ang retreat letter sa akin ni Myk,ilang beses ko na to nabasa pero kahit maikli sya ang lakas ng dating sa akin.

Umaasa pala syang maging magkaibigan kami? Pwede naman siguro yon diba? Wala naman masama diba? Sawa na din ako sa sistima naming dalawa,lalo pa ngayon na sigurado na ako kung anung nararamdaman ko. Matagal ko itong pinag isipan,at lalo lang pinagtibay ng sulat nya ang desisyon kong mapalapit na sa kanya ng husto. Kainis! Hindi ko maintindihan yung pakiramdam.

Hindi ko nga lubos maisip na magagawa ko ang mga bagay na iyon,ang akbayan sya at isandal sa balikat ko habang natutulog at ang ikuha sya ng pagkain. Ayaw ko mang ipahalata sa tropa at ayaw ko mang aminin saking sarili noong una,pero may munting kiliti itong dulot sa akin.

Napahiga ako at buntong hininga. Bahala na si Pikachu sa akin! Basta susubok ako.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

"Share mo naman Kebs"

Nagmulat ako ng mga mata,sina Touya at Baikku pala,at naupo sila sa higaan ko,bumangon ako at umupo na din.

"Ano namang iseshare ko? Wala akong balak ibahagi yon" sabi ko.

"Inlove ka ba Kebin-san?"ani Touya.

"Kyaaahhh! Sabi na eh! Dyan patungo yan!!" kinikilig na sabi ni Baikku,at hindi ako nakaiwas sa paghampas nya ng unan sakin.

"Aray!! Ano bang sinasabi nyo?!" bulyaw ko,napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase naming kasama sa kwarto.

"Tse! Huwag ka na magdeny! Ganyan din kaya ako kay Keiji nung una! At saka may alam kami ni mhine senyo ni Myk no?" direderetsong sabi ni Baikku,agad kong tinakpan ang bibig nya baka madinig kasi ng mga kasama namin,ang daldal talaga ng baklang to! Pano kaya to napapatahimik ni Keiji? O.o

"Naiintindihan kita,nararanasan ko din yan ngayon" seryosong sabi ni Touya kaya sa kanya naman napunta atensyon namin ni Baikku,tinanggal ko na din ang kamay ko sa bibig ni Baikku.

"Anong ibig mong sabihin?" halos sabay naming sabi ni Baikku.

"May mahal din ako ngayon,pero ang hirap umamin dahil sa kalagayan namin" sagot ni Touya.

"Parang alam ko na kung sino" nakangiting sabi ni Baikku saka bumaling sakin "kaya kung ako sayo,gumawa ka na ng paraan bago mahuli ang lahat"

"Tama si Baikku-chan"

"Eto na nga eh! Nagdesisyon na ako! Kahit na mahirap! Takte naman eh! Hindi ako marunong manligaw ng lalaki!" frustrated kong sabi pero halos pabulong lang,sumilay ang magagandang ngiti sa mukha ng dalawa na pinagtaka ko.

"Edi umamin ka din" ani Baikku.

"I knew it" ani naman ni Touya.

"Ang hirap nito! Hindi ko gustong sa lalaki mainlove! Hindi ako bakla! Bakit kasi sa mokong na yon pa! Ugh!" sabi ko na lang.

"Kaya mo yan,nakasuporta kami kung sino man yan,diba Baikku-chan?" pang encourage pa ni Touya.

"Eh bakit ikaw? Ayaw mo pa ding kumilos?!" tanong ko kay Touya.

"Dahil kumplikado,hindi lang dahil sa pareho kaming lalaki kundi sa maaaring ma risk pag umaksyon ako" sagot sakin ni Touya.

Nanlaki agad ang mata ko! WTF? Lalaki din ang mahal nya? Bakla ba sya?

Nagsalita ang magaling,pareho lang kayo.

Kontra agad ng kabilang dako ng isipan ko.

Biglang humagikgik si Baikku kaya napatingin kami sa kanya ni Touya.

"Hihi,I guess were on the same boat guys! Kilos kilos din,o sige na,meme na ako,ayaw ni Keiji na napupuyat ako, ikaw Kebin pormahan mo na si Myk,ikaw din Touya baka mawala pa si Yuki,sige ka" anito at tumayo saka tinungo ang higaan nya,napanganga na lang ako.

Mukhang wala na akong maitatago,at mukhang hindi na ako pwedeng umatras.

-----

Kinabukasan kahit napuyat ako sa kakaisip ng mga pinag usapan kagabi ay maaga akong gumising at naligo.

Normal day with activities,walang masyadong nangyari,nanood din kami ng inspirational movie,pero sa bawat pagkakataon,sinisiguro kong malapit ako kay Myk,alam ko napapansin yon ng tropa,pero patay malisya lang ako.

Sumapit anp gabi,kung san pinapunta ulit kami sa function hall,ito na yung pinaka climax ng retreat. Bumuhos ang luha dahil sa mga sulat at revelation ng mga kaklase ko,pakiramdam ko mas naintindihan ko na sila lahat at parang mas napalapit sila sa akin o mas tamang sabihin na mas napalapit kami sa bawat isa.

Pagkatapos nun ay niyakap namin ang bawat isa,hindi ko alam kung anong nararamdaman ko talaga,excited at kinakabahang yakapin si Myk,pero bandang huli,nilapitan ko din sya na lalapit din yata sa akin. Nagkatitigan kami,and before I knew it,niyakap ko na sya ng mahigpit. Shit! Ang sarap sa pakiramdam!

"Hindi ako makahinga Kebin" aniya.

"Ay! Sorry" nahihiya kong sabi at kumalas sa pagkakayakap,pagtingin ko sa kanya namumula sya,at pakiramdam ko pati ako ay ganun din.

"Salamat sa sulat" halos sabay naming sabi. Nagkangitian kami. Potah! Parang gusto ko tumalon! Ngayon lang nya ako nginitian! Heaven dre! Heaven!

"Uhm.. So,.Friends?" nahihiya ko pa ding sabi at inilahad ang kanan kong kamay,ngumiti sya at tinanggap iyon.

"Friends" sagot nya. Hindi ko agad mabawi ang kamay ko dahil parang may kuryenteng gumapang mula sa kanya papunta sa akin,ang lambot ng kamay nya,lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Parang saka lang kaming bumalik sa reyalidad ng makarinig kami ng palakpakan. Doon namin naalala na may mga kasama nga pala kami.

"Woohh! Sa wakas! Nagkabati na sila!" sigaw ni Junko,napayuko tuloy ako sa hiya. Alam kasi naman talaga ng buong klase,na mula umpisa pa lang ay magka away na kami ni Myk at masaya siguro sila na nagkabati na kami.

"Im glad,maganda ang naidulot ng retreat na ito sa inyo Kebin at Myk" biglang sabi ni Bro.Justin, napangiti na lang ako,ng tingnan ko si Myk,nakangiti din sya,nilibot ko ang tingin sa tropa,ang gaganda ng ngiti ng mga depungal! Alam kong gustong gusto nila itong mangyari eh!

Matapos iyon ay sinabihan na kaming matulog,dahil bukas na ang alis namin. Habang naglalakad sa hallway ay panay naman ang panunukso ng tropa at pangungulit,na sinasakyan na lang namin ni Myk,alam ko namang alam na nila ang nararamdaman ko para kay Myk,si Baikku pa eh ang daldal nun! Pero ang hindi kami nakakasiguro ay si Myk,kaming mga lalaki lang ang nakakaalam na may mahal din sya,at yun ang bumabagabag sa akin kung sinong lalaki yon!

"Myk,tabi tayo sa bus bukas ah?" pabulong kong sabi,nakangiti naman syang tumango.

Kinabukasan,after lunch ay nagpaalam na kami kina sister,mother superiora at Bro.Justin at nagpasalamat.

Sa bus,tulad ng usapan,magkatabi kami ni Myk,ang saya saya ko! Kahit kaninong babae hindi ko pa to naramdaman,puro fling lang kasi ako dati at puro sex haha! Ayoko naman paka banal,14 pa lang ako ng matuto ako makipag sex,kaya sshhh,wag kayong maingay ah? ;)

Sa kalagitnaan ng byahe,tulad ng inaasahan ay nakatulog si Myk,para syang anghel,ang amo ng mukha nya. Napatingin ako sa labi nyang mamula mula,bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa naisip ko,ano kayang pakiramdam ng mahalikan nya?

Napailing na lang ako sa naisip ko,ang ginawa ko na lang ay ihiga sa lap ko ang ulo nya at pagkatapos ay pinag intertwine ko ang mga kamay namin. Tang ina! Ang sarap sa feeling dre!

- HAHAHA wazZup? What can you say? Natuwa ako sa mga comments nyo haha!

VOTES AND COMMENTS kung nagustuhan nyo po :3

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now