OMS 07

669 13 0
                                    

UMAASA


Tulad ng inaasahan, inutusan ni Axel ang driver nila para lang ihatid kami sa kanya-kanya naming bahay. Noong una ay nagpupumilit pa kami na ayos lang kahit 'wag na. Dahil 'yun naman talaga ang totoo. Nakapunta kami dito nang naglalakad lang. Mas kaya naming umuwi nang naglalakad pa rin. Tutal doon naman kami sanay. Lalo na noong mga bata kami. Nakakarating kami sa malayo dahil lang sa pamamasyal. Ngayon pa kaya na saulo naman namin ang daan?


Mabilis kaming nagpasalamat ni Sherrie nang makababa kami mula sa sasakyan. Tutal ay malapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa kaya sabay na kaming bumaba. Samantalang ang kina Aimee ay sa bayan pa kaya siya ang huling hinatid ng driver.


"Inabot na tayo ng kung anong oras doon." Sabi ko.


Ngumiti si Sherrie sa akin na tila nanunuya. "Nag-enjoy ka naman, di ba?" Aniya.


Umirap ako sa kawalan pagkatapos ay tinalikuran siya. "Mag-eenjoy siguro ako kung—".


"Kung ano? Kung nandoon si Clifford?" Aniya at humalakhak pa habang naglalakad sa likuran ko. Talagang pinutol pa niya ako sa pagsasalita para lang isingit ang tungkol doon.


Umiling ako. "Hindi, Sher. Ano ka ba?" Natatawang wika ko.


They are all into Clifford, the idea that I surely like the guy. Pero seryoso, nangungulila lang ako sa presensya niya. Kaibigan ko 'yun, e. Kaibigan ko siya. Si Clifford. Sabi nga nila, 'yung matinding heartache ay 'yung paghihiwalay o pag-aaway ng mag-kaibigan. Iyon siguro 'yung nararamdaman ko hanggang ngayon.


We never had a chance to say goodbye. I never had a chance to at least bid him goodbye. Totoo! I missed him so much! Mapupunan lang siguro itong pangungulila ko kapag nakita ko na ulit siya.


Ngunit sa ngayon, wala akong ibang magagawa kung hindi ang mag-hintay na mangyari ang araw na iyon. I'll just wait patiently until I see him again. Until we actually exchange smiles. Until there are no more hollow feelings inside of me. Until I don't miss him anymore.


Kinabukasan ay maaga ako'ng gumising. It's Monday again. Hindi ako nakapag-review para sa nalalapit na exams namin. Naubos kasi ang araw ko sa pag-tambay sa farm ng mga Robles. It's fine, though.


"Ano? Kamusta?" Bungad ni Sherrie sa akin nang magpang-abot kami sa hallway.


Nagkibit-balikat ako. "Ayos naman. Hindi ako nakapag-buklat man lang ng notes. Malapit na exams, e."


Nahampas ako ni Sherrie sa balikat. "Ano ka ba naman, Marge! Two weeks pa, a! Pwede ba? Maghinay-hinay ka naman. Kapag ganyan ka, alam mo namang nadadamay kami ni Aimee sa'yo."


Hinimas ko ang parte kung saan lumagapak ang palad ni Sherrie. "Mabuti na iyong advance. Mas maigi 'yun kumpara sa ilang araw o oras lang na review, di ba?"


"But seriously? Two weeks, Marge... Two weeks!" Hindi makapaniwalang saad niya sa akin.


One More StepWhere stories live. Discover now