OMS 09

719 17 0
                                    

SECOND TIME


Nang mag-lunch ay sabay-sabay kaming nagtungo sa cafeteria. Medyo madami na din ang estudyante. Mabuti na lang ay maaga kaming nagtungo dito kaya kahit papaano ay may mauupuan pa din kami. Sabay kaming pumila ni Sherrie. Samantalang si Aimee ay naiwan sa mesa namin. Para nang sa ganon ay hindi kami mawalan ng upuan.


Kinuhanan ko na din ng pagkain si Aimee nang nagtanong ang nasa cashier. Ngumiti pa sa akin ang matandang babae bago ako humakbang palayo sa counter.


Tahimik kaming kumain. Minsan ay magkukwento si Sher. Minsan naman ay si Aimee. Ilang minuto lang ang katahimikan namin at hindi magtatagal ay hahagalpak kami sa tawa dahil sa mga kwentong baon ni Sherrie at Aimee. At ako? Isang dakilang taga-tawa at taga-pakinig lang.


Natigil sa pagsasalita si Aimee nang may umupo sa tabi ko. Uminom ako ng tubig. Mabilis din akong naglahad ng ngiti nang malaman ko kung sino iyon.


"Jonas!" Bati ko.


Tumango siya at ngumiti pabalik. "Ang saya natin, a!"


Halos ilang linggo din ang dumaan nang hindi namin nakakasalamuha si Jonas. Isa siya sa mga anak ng trabahante ng taniman namin. Kaya naman medyo malapit na rin siya sa akin. Bukod sa masipag at mabait ay matalino din ang lalaking ito.


Nagkibit-balikat ako. "Nagkakatuwaan lang naman."


Muli siyang ngumiti tapos ay tumingin kay Aimee at Sherrie. "Gumaganda kayo, girls!" Aniya.


"Wag kami, Jonas!" Biro ni Aimee na siya namang tinanguan ni Sherrie.


Ilang minuto pa ang lumipas ay nanatili pa rin si Jonas sa mesa namin. Nakikipag-kwentuhan na siya sa dalawa. Palibhasa ay hindi na namin siya masyadong nakakasama sa School. Kapag naman nasa farm ay abala siya sa pagtulong sa mga magulang niya. Kaya hindi na rin siya nakakasama sa mga gala namin.


"Kayo naman. Kailan ba kayo maniniwala sa akin?" Tugon niya habang napapakamot sa ulo.


Sumimangot si Sherrie. "E di kapag gwapo ka na! Ayun! Doon lang kami maniniwala sa'yo!"


Humagalpak sa tawa si Aimee at Sherrie. Pati ako ay humalakhak na rin. Hindi maiwasan ang ganitong pang-aasar lalo na't kumpleto kaming tatlo.


Sa totoo lang, gwapo si Jonas. Dahil na rin sa pagsa-side-line niya sa taniman ay nahubog na ang kanyang katawan. Matikas na din ang pangangatawan niya kumpara sa ibang lalaking estudyante dito. Kaya naman madami ang nagkaka-gusto sa kanya.


"Wag mong intindihin ang dalawang iyan. Matagal ka kasing hindi nagparamdam, kaya na-miss ka nila." Wika ko.


Bumaling ng tingin si Jonas sa akin tapos ay ngumiti. "Ikaw ba? Na-miss mo din ako?"


One More StepWhere stories live. Discover now