OMS 33

126 6 5
                                    

NOT THIS TIME

"Bilisan mo, Marge. Kanina pa naghi-hintay si Sherrie." sita sa akin ni Aimee habang naghi-hintay akong matapos sa pagbi-bihis.


Lumabas ako na basa pa ang buhok. "I'm sorry. Nalimutan ko." sabi ko habang inaayos ang blower.


Mabilis na lumapit si Elliana para tulungan ako. "Ano ba kasing ginawa mo't nakalimutan mong luluwas dito si Sherrie?"


Tumahimik ako saglit, iniisip kung bakit ko nga ba nakalimutan na bibisita ang kaibigan. My mind was occupied with something this past few weeks. Minsan ay nakakaligtaan ko na rin ang mga dapat kong gawin sa bawat araw, lalo na't malapit na matapos ang semester na ito. I'm trying my best to be on top. Ngunit simula nang nagpa-ramdam ulit si Axel ay tila nawawala ako.


"Marami lang akong iniisip." wala sa sarili na sinabi ko.


We were silent for a few minutes. Tanging tunog lang ng hair blower ang naririnig. Hinawakan ko ang aking buhok, dinadama kung ayos na ba iyon.


"Ano naman ang iniisip mo, Marge?" usisa ni Aimee.


Tinigil ni Elliana ang pag-bo-blowdry. Tumikhim siya at saka naupo sa sofa. Tumayo na rin ako, hindi pa rin sumasagot. Pinasadahan ko sila ng tingin. Si Aimee na tamad na naka-upo, si Elliana na naka-pangalumbaba.


"Si Axel?" tanong ni Elliana.


Bumuga ako ng hangin sa ere bago sila tinalikuran. "Sino pa nga ba?"


"You should talk." pahabol ni Aimee. "Communication is the key."


Umiling ako sa sinabi niya. Hindi gano'n kadali. It's easier said than done. Ilang linggo na ang naka-lipas simula noong tumawag siya. Pursigido siya na malaman kung kailan ako uuwi sa probinsya. Hanggang ngayon ay hindi ko siya sinasagot. He just keeps on texting me but I keep on ignoring him.


Ayokong lumala ang sitwasyon na ito. It took me years to adjust and cut him off of me. Ngayong sa tingin ko ay umuusad na ako, saka naman siya nagpa-kita. How unfair. I feel like I was betrayed by fate.


"Nag-uusap ba kayo? Are you two texting each other?" tanong ni Elliana. Lumingon pa siya sa akin sa backseat habang pinagta-taasan ako ng kilay.


"Nope. There's no reason for us to communicate." sagot ko sabay tingin sa labas.


Lumayo ako. My decision was heart-breaking but it's for the best. Kung hindi ko ginawa iyon, sigurado ako na masama ang loob ng magulang niya sa kanya. I chose to sacrifice my love for him, for his own good. I chose to run away to avoid getting hurt. To escape from the reality that I am just Margarette. I am just nobody else, pwede niyang bitiwan kailan man niya gusto.


And yes, I sacrificed him, so everyone will be at peace, most especially his Mom.


One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon