5.1

4.5K 144 2
                                    


"DON'T worry, hindi ka male-late sa clinic." Nakilala ni Raen ang boses ni Ethan pero hindi pa rin niya napigilan ang mga kamay sa paghablot ng handgun at pagtutok niyon sa binata.

"Hey," itinaas ni Ethan ang dalawang kamay. "Ako lang 'to. Sorry kung natakot kita."

"Hindi ako natakot," sagot ni Raen pero hindi pa rin niya ibinababa ang handgun.

"Okay, nagulat na lang. Sorry kung nagulat kita."

"Hindi rin ako nagulat," kaila ni Raen pero ang totoo ay mabilis na mabilis na ang pagtibok ng puso niya.

Umiling-iling si Ethan. "Alright, whatever you say, Raen."

"It was just reflex."

Ethan suddenly smiled and lazily walked toward her. Pagkatapos ay bigla na lang nitong itinaas ang kanang kamay na parang sasampalin siya. Mabilis na gumalaw naman si Raen para depensahan ang sarili.

"'Yan ang reflex. 'Yung kanina, paranoia ang tawag doon."

"What's your point?"

"Nothing. Gusto ko lang na magtiwala ka na hindi kita sasaktan."

"Nasabi ko na ito sa'yo pero sasabihin ko ulit. Kung gusto mong makuha ang tiwala ko, then you have to give me something to trust."

"Hindi pa ba sapat na tinulungan kita kagabi?"

Umiling si Raen. "It just made me more suspicious of your motives."

Matagal na tinitigan siya ni Ethan bago niya nakita ang dahan-dahang pag-angat ng isang sulok ng mga labi nito. "You're a hard woman to please."

"Oh please," iritadong umirap si Raen. "Save your charms for someone who gives a damn." Pagkatapos ay nagpatiuna na siya sa paglabas.

HINDI na nagtaka si Raen na alam ni Ethan ang address niya. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ito ordinaryong tao lang at hindi coincidence ang biglang paglitaw nito sa clinic.

Nang tumigil ang motorsiklo sa tapat ng townhouse niya ay mabilis na bumaba si Raen. hinubad niya ang helmet na ipinasuot sa kanya ni Ethan at tahimik na ibinalik iyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong ang kanilang mga mata.

"Salamat," iyon lang ang tanging nasabi ni Raen.

Tipid na tumango naman si Ethan habang matamang nakatitig pa rin sa kanya.

"I'll see you at the clinic."

Isang tipid na tango muli ang isinagot ni Ethan. Nanatili lang tuloy na nakatingin si Raen dito kahit pa may mga gusto pa sana siyang sabihin. Hindi naman kasi niya alam kung paano. At sa totoo lang ay hindi niya alam kung pwede ba niyang isatinig ang mga iyon. There were just some things that you simply can't say out in the open. Kaya itinikom na lamang ni Raen ang bibig at tipid na nginitian si Ethan bago siya pumasok sa kanyang townhouse.

************************

Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!

I hope you can buy the published book.

If that's not your thing, you can still read STAID 1 and 3 here on Wattpad.



S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon