17.2

3.2K 107 0
                                    

BINIGYAN ni Raen si Ethan ng instruction patungo sa isang sementeryo. Nang makarating sila sa tapat ng isang lumang mausoleo ay pinaatras niya si Ethan. Nagtataka man ay pinagbigyan naman siya nito. And then Raen started the process of checking if all her security traps were still in tact. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa lupa at kinakapa ang paligid niyon nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni Ethan.

"Ano?" mataray na tanong ni Raen.

"Pardon my French, babe, but what the fuck are you doing down there?"

Napailing si Raen pero nagpatuloy siya sa ginagawa. Actually, hindi naman siya basta nangangapa lang doon. Hinahanap niya iyon steel rod na siyang nagsisilbing talian ng kanyang trip wire.

"Gotcha," naibulalas ni Raen nang sa wakas ay makapa niya iyon.

"What the—"

"Just shut up, Ethan," wika niya bago ubod ng lakad na itinilak ang steel rod. Nakakonekta iyon sa isang motion sensor na siyang awtomatikong magbubukas sa pinto ng mausoleo. "Sa wakas," aniya habang pinapagpagan ang tuhod at mga kamay.

"Well, I'll be damned," Ethan explaimed as Raen heard the familiar sound of a metal click. Iyon ang nagsisilbing senyales na natanggal na ang pagkakalock sa pinto ng mausoleo.

"Welcome to my secret lair," hindi napigilang bulong ni Raen.

           

KUNG wala lang iniindang sugat si Ethan ay malamang na malapad na malapad na ang pagkakangisi niya. Pinanood niya si Raen habang nagcoconcentrate ito sa pagpipilit na tuklapin ang isang bato mula sa bukana ng mausoleo.

"May Swiss knife ako dito," Ethan volunteered.

"No, thanks. May sama ako ng loob sa Swiss knife mo."

Napangiti lang si Ethan. Pero agad na nauwi iyon sa ngiwi nang kumirot ang sugat niya. "Wala na bang ibibilis 'yan?"

Kahit na madilim ay kitang-kita pa rin ni Ethan ang paglingon sa kanya ni Raen. "Sandali na lang ito," wika nito sa malambing na tinig.

Sa wakas ay nagtagumpay din si Raen sa ginagawa. Isa palang fingerprint scanner ang nasa likod niyon. Ethan didn't want to admit it but he was impressed.

"Paano mo nagawa ito?" wala sa sariling naitanong niya.

"You mean, paano ko nabuo ito? Well, unti-unti." Pagkatapos ay itinulak nito ang isang pader na agad namang bumukas.

Isang hagdan pababa ang nakita ni Ethan. Pinauna siya ni Raen na pumasok doon bago nito hinila pasara ang pinto. May pinindot si Raen sa gilid ng pinto at agad na lumiwanag ang paligid.

"Hmm," ang tanging nasabi ni Ethan habang inililibot niya ang paningin sa paligid.

"Anything else?"

"Maybe you could remove the bullet from my shoulder first before we could talk some more." Ayaw makita ni Ethan ang pag-aalala sa mukha ni Raen kaya nag-iwas siya ng tingin. It would only make him think that she cared about him. And goddamn it, it should not make him feel happy but it did.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now