17.1

3.5K 113 2
                                    

"Saan tayo pupunta?" maya-maya ay bulong ni Raen.

Hindi sumagot si Ethan. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang hila siya.

"Ethan?"

Sandaling tumigil si Ethan. Si Raen naman ay sinubukang aninagin ang mukha nito sa dilim. Pero hindi iyon ganoon kadali. The way Ethan moved against the dark was so natural and scary.

"Sagutin mo ako, Ethan."

Biglang tumigil si Ethan at saka nilingon si Raen. Ang akala niya ay magsasalita na ito. Pero umiling lang ito at saka nagpatuloy sa paglalakad habang hawak pa rin ang kamay niya.

Hindi na nagreklamo pa si Raen. Hindi niya alam kung bakit nawala ang kanyang takot. There's just something calming about being there with Ethan in the darkness. It's like he was one with the darkness and she felt so drawn into it.

"Damn!" biglang wika ni Ethan.

"Ethan?"

"Shh. Hindi tayo pwedeng tumigil." Pagkatapos ay hinila nanaman siya ni Ethan at isinandal sa kung anong bagay na matigas.

"Really? Hanggang dito talaga?"

"Hmm," Ethan said as he moved away a little. Inalis nito ang backpack at iniabot kay Raen. "Hawakan mo 'to."

Hindi na hinintay ni Ethan na abutin niya ang backpack. Basta na lang nito iyon binitiwan sa harap niya. Wala sa sariling inabot iyon ni Raen habang pinapanood ang paglalakad ni Ethan patungo sa isang kumpulan ng mga dahon. Hinawi iyon ni Ethan at noon narealize ni Raen na pinagtagni-tagning dahon pala iyon. At sa ilalim niyon ay may isang motorsiklo.

"Oh," tanging nasabi ni Raen nang iabot sa kanya ni Ethan ang isang helmet.

"Isuot mo 'yan." Sa isang iglap ay nakasakay na si Ethan sa motorsiklo. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa handlebar at ang kanang kamay naman nito ay nakalahad sa harap niya. "Halika na."

Nang iangat ni Raen ang tingin upang salubungin ang mga mata ni Ethan ay mabilis na nawala ang protestang namumuo sa kanyang isip. She realized right then and there that she would go with him even though she knew that it was wrong and most definitely dangerous.

NANG tanggapin ni Raen ang nakalahad na kamay ni Ethan ay agad na hinila siya nito palapit. "Raen?"

"Yes, Ethan?" Raen asked as she looked up at his shadowed face.

"If..." Sandaling nag-alangan si Ethan. Napasinghap si Raen nang lalo pa siyang hilahin ni Ethan hanggang sa nakasandal na siya sa gilid ng motor. Then his arms circled her waist and perched her up across his lap. "If something happens to me—"

"Woah, stop right there, Ethan." Itinaas pa ni Raen ang dalawang kamay sa harap niya.

Pero hindi siya nito pinansin. "Kapag may nangyaring masama sa akin o kaya ay magkahiwalay tayo, tawagan mo agad ang mga magulang mo. Mayroon akong inilagay na untraceable cell phone sa bag mo. Kapag nakita mo ang kahit isa lang sa mga tauhan ni Fred, do not engage. Naiintindihan mo ba?"

"Ano ba ang sinasabi mo, Ethan?" naguguluhang tanong ni Raen habang pilit na inaaninag ang mukha ni Ethan sa dilim.

"'Wag kang lalaban sa kanila. Ang priority mo ay makalayo at matawagan ang mga magulang mo. Kapag hindi talaga maiiwasan, you have to make sure that you kill them."

Nanlaki ang mga mata ni Raen. "Ethan, I swear to you, kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita ng ganyan—"

"Promise me, Raen. You will shoot to kill. Straight to the heart," itinuro ni Ethan ang puso ni Raen. "Or straight to the head." Doon naman naglanding ang kamay nito sa gilid ng kanyang ulo. "Always shoot more than three times in a row. Madami akong inilagay na magazine sa bag."

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now