7.2

4K 102 2
                                    


NASIMULAN na ni Ethan ang unang hakbang ng kanyang extraction mula sa clinic. Ang araw na ito ang magiging huling araw niya bilang si Ethan Ablaza na isang vet technician.

"Ethan, pwede ba kitang makausap?"

Hindi na kailangan lumingon ni Ethan para masigurong si Raen ang nagsalita. Agad na naramdaman niya ang presensiya nito.

"Tungkol saan?"

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay pinanood niya ang dahan-dahang paglapit ni Raen.

"'Yung tungkol sa nangyari kahapon. Gusto ko sanang... I don't know how to say this, but can we just forget that it happened?"

Ngumiti ng matamis si Ethan. "Forget what?"

Kumunot ang noo ni Raen. "Alam mo kung ano ang tinutukoy ko, Ethan."

"Hindi ko alam, Raen. Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Kagabi nung nakatulog ako sa desk ko," pagkatapos ay itinaas ni Raen ang isang kilay na para bang ipinararating nito sa kanya na dapat ay alam na niya ang ibig nitong sabihin.

Isang inosenteng ngiti ang isinagot ni Ethan. "I really don't know what you're talking about, Raen. Kung anuman 'yon, nakalimutan ko na yata."

Nagpatuloy si Raen sa pagtitig sa kanya. Ilang segundo pa ang lumipas bago tumango si Raen saka binigyan si Ethan ng thankful na ngiti. "Thank you."

Bulong lang iyon pero pakiramdam ni Ethan ay damang-dama niya hanggang sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ang sinseridad niyon. But sincerity wasn't his thing. Not now and maybe not ever. Kaya umiwas siya ng tingin at nagsimulang maglakad palabas.

************************

Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!

I hope you can buy the published book.

If that's not your thing, you can still read STAID 1 and 3 here on Wattpad.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now