25.1

3.4K 151 5
                                    

"WE have one hour to get ready." Narinig ni Raen ang maawtoridad na boses ni Gideon pero parang lumampas lang 'yun sa kabila niyang tenga.

Maya-maya ay narinig naman niyang nagsitayo na ang bawat isang naroon pero siya ay nanatiling nakaupo. Ni hindi nga niya maalala kung paanong nakaupo na siya ngayon samantalang kanina lang ay nakatayo siya sa harap ni Ethan. Pero hindi na importante iyon. All she wanted to do at that moment was wallow in misery. Mukha lang siyang damsel in distress pero hindi siya ganoon.

"O ano pa ang hinihintay niyo?" ikinagulat ni Raen ang muling pagsasalita ni Gideon.

Napaangat ang ulo ni Raen at nakita niyang nakatayo na nga silang lahat maliban sa kanya. Pero hindi pa rin sila lumalabas. Ang mga magulang niya ay magkatabing nakahalukipkip sa tabi ng pinto. Si Stone ay nakahalukipkip din at nakatayo sa mismong harap ni Ethan na para bang hinaharangan nito ang paglabas ni Ethan. Habang sina Myka at Luke ay nasa likod ni Stone na para bang naghihintay lang ng senyales mula kay Stone. Sa kabilang panig ng mahabang mesa ay nakatayo si Robbie habang hawak ang mga gadgets nito. Kinakabahang pinaglilipat-lipat nito ang tingin kina Stone at Ethan.

Napabaling ang tingin ni Raen kay Gideon nang tumawa ito ng mahina. Tulad ni Raen ay nakaupo din pala ito at tila relaxed na relaxed na nakasandal pa.

"Ano nanaman ba ang problema mo?" basag ni Ethan sa katahimikan. In-assume ni Raen na para kay Stone ang tanong na 'yon.

Hindi sumagot si Stone. Iginalaw lang nito ang ulo para ituro si Raen. Then she watched as Ethan slowly turned toward her. Pagkatapos ang isang matamang tingin kay Raen ay bumalik din ang tingin nito kay Stone.

"Are you turning soft on me now?" nanunuyang tanong ni Ethan kay Stone.

"Ipinangako ko sa sarili ko na kapag sinaktan mo pa siya ng isang beses ay—"

"Sinaktan? Pinoprotektahan ko nga siya kaya ko ginagawa ito."

"You clearly don't know how a woman's mind works," komento ni Myka na umiiling-iling pa.

Gustong mapangiti ni Raen sa nakikitang effort na ginagawa ng mga kuya niya at ni Myka. Pero ayaw naman niya na magbabago lang ang isip ni Ethan dahil sa mga ito.

"This is the right thing to do and you know it, Stone," giit ni Ethan.

That's it. Hindi na kayang manood lang ni Raen. Kaya tumayo na din siya at lumapit sa mga ito. Hinawakan niya si Stone sa kamay. Nagulat pa si Raen nang marahas na bumaling sa kanya si Ethan dahil doon. Then Ethan looked intently at her hand that was holding on to Stone's arm. Hindi niya inaasahan iyon. Kaya ang kung anumang sasabihin sana ni Raen ay bigla na lang nawala. All she could focus on was Ethan's reaction. Para bang ayaw nitong makita na hinahawakan niya si Stone.

"Bakit, Ethan?" Nobody corrected her for calling him Ethan.

"Anong bakit?" nawala na ang talim sa pagsasalita ni Ethan.

"Bakit ginagawa mo ito sa akin, Ethan? Pinaparusahan mo ba ako?"

"Pinaparusahan? Wala akong dahilan para gawin 'yun sa'yo, Raen."

"Kung ganoon ay bakit bigla mo na lang akong inalis sa misyon kahit na alam mong gustong-gusto kong tumulong?" hindi na naitago ni Raen ang hinanakit sa kanyang boses.

"Damn, Raen, it's not what you think," pagkatapos ay lumampas ang paningin ni Ethan sa kanyang balikat. "Not what you all think."

"Bakit hindi mo ipaliwanag para maintindihan namin," singit ni Kuya Luke.

Then for the first time since Raen met Ethan, he appeared to be disoriented. Inihilamos pa nito sa mukha ang isang kamay bago tumitig ng matiim sa kanyang mga mata. "Hindi ka pwedeng sumama dahil hindi ka pwedeng makita ni Fred. O kahit malaman lang niya na nasa malapit ka. Sigurado akong iuutos agad niyang kidnapin ka. You will become his top priority after he figures out that I have double-crossed him. Because he knows that he can use you as leverage against me. Kaya please, 'wag ka nang magpumilit na sumama. Hindi ako nag-aalala na baka hindi mo kaya ang sarili mo. Mas natatakot ako na ako ang mawawala sa pokus kapag nandoon ka at alam kong nasayo ang mga mata ni Fred. It would make me crazy, Raen. Is that what you want to hear?"

For the second time that hour, Raen was rendered speechless. Pero mukhang hindi naman naghihintay ng sagot si Ethan dahil bigla na lang itong tumalikod at lumabas ng briefing room.

"HE'S RIGHT, you know," wika ni Gideon nang makalabas na si Ethan.

"Ha?" wala sa sariling bumaling si Raen kay Gideon.

"Gusto mo bang malaman ang rason kung bakit si Ethan ang pinili kong ipasok sa kampo ni Fred at hindi si Stone?"

Wala sa sariling tumango si Raen.

Mula sa kung saan ay narinig niyang nagsalita si Myka. "This should be good."

Pero ang mga mata ni Raen ay nakay Gideon lang.

"Because he doesn't have strings," simpleng sagot ni Gideon.

"Strings?" tanong ni Raen. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit sinabi ni Myka na mahilig sa mga dramatic at matalinhagang salita si Gideon.

"Ulila na si Ethan. Isa ang tatay niya sa mga operatives na naging casualty ng unang attempt namin para mahuli si Fred. Nang mamatay si Raider ay nawalan na ng dahilan para manatili si Paula bilang asset. Pero sadyang hindi mo maaalis sa isang STAID agent o asset ang pagiging STAID. Lumaki si Ethan na walang ibang pinapahalagahang tao maliban sa kanyang mga magulang. Unlike the three of you, Ethan and Paula were always on the move. They never stayed long enough to form attachments or strings to anyone. That's why he was perfect for the undercover job."

Biglang napaupo si Raen. Her heart hurt for the young Ethan who never had someone.

Napatingin lang uli siya kay Gideon nang tumikhim ito. "Pero mukhang iba na ngayon. Hell, we can all see it with our own eyes."

Sa likod ni Raen ay parang narinig pa niyang umungol ng pagsang-ayon ang dalawa niyang kuya.

"At mukhang aware din si Ethan sa bagay na iyon," pagpapatuloy ni Gideon. "Ibig sabihin ay madali lang din iyong makikita ni Fred."

"Ang alin?" naguguluhang tanong ni Raen.

"Are you always this clueless?" tila naiinis na tanong na ni Gideon kaya hindi nakasagot si Raen. "Hell, I've been dreading this day since I assigned him to protect you."

Nanlaki ang mga mata ni Raen sa narinig.

"Oo, in-assign ko siya bilang tagaprotekta mo. Your parents called in a favor a few months back. Ipinangako ko sa kanila na iaasign ko ang pinakamagaling kong operative para protektahan ka. And I did send my best agent. Of course, that's excluding Stone and Maya. Hindi ko sila pwedeng i-assign sa'yo, because they are personally invested in the case. The point is that you really should be paying more attention to what Ethan was not saying. His actions clearly mean that the boy cares about you. So do us all a favor and don't be hard on him. Ibig sabihin ay mananatili ka lang dito sa HQ. I don't want to take any chances."

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote and share this to your friends. And by the way, agree ba kayo sa assessment ni Gideon tungkol sa feelings ni Ethan? hmm...

- Kensi

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now