Ginagawa mo na lahat, pero kulang pa rin. Inalay mo na lahat para sa kanya, pero wala pa rin. How to come back ba? Ugh. Grades. :(
Keep reading by the way. :)
-kathycarrot26
***
Suzane Veronica Thomson
What the fvck. I just slept hugging him. Mabilis akong pumasok sa bathroom, pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. I just can't believe! He does like me. Hindi ko alam na gusto niya ako, sabagay sino nga bang hindi magkakagusto sa'kin? I am sexy, gorgeous, and hot.
Nagshower agad ako. Gusto kong matanggal yung scent niya sa'kin. Masyadong mainit 'tong tubig mula sa shower, o masyado lang talagang mainit ang pakiramdam ko. I didn't notice that I am just touching my lips.
Pvta.
Paglabas ko sa bathroom andoon si Grey. Nakahiga lang siya sa bed, saka siya bumangon at dumiretso na sa bathroom. Nagbihis na ako, at inayos na ang sarili ko. Sa pagkakaalam ko kasi uuwi na kami mamaya.
I put some make up on. Sobrang light lang yung parang natural lang. Bigla siyang lumabas sa bathroom ng nakaboxer lang, saka siya nagsuot ng damit right in front of me. Kakaiba siya. Pagkatapos niya akong halikan, 'di man lang siya nagsorry.
"Let's go."
Dala niya na yung mga gamit namin. Habang ako ang dala ko lang ay ang sarili ko. So witty! Naglalakad kami sa beach ng tumigil siya at magsalita.
"Look at that..."
May apat na parang cottage na kubo. Ang ganda, sobrang ganda kahit hindi katulad nung ibang scenery. Ang ganda-ganda pa rin. Napangiti ako, kung pwede lang gusto kong dito ako ikasal kasama si Julian.
"I wish I would marry her there."
He said.
Napatingin ako sa kanya, saka na kami lumakad papunta sa sasakyan. Baka kasi maiwan kami ng airplane.
*
Naging sobrang bilis ng biyahe. Halos dalawang oras lang kaming nakaupo sa airplane. May sumundo sa amin sa airport, at saka kami dinala sa bahay. Nakakapagod, pero I think nag-enjoy naman ako.
I looked at my phone.
No one called me nor texted me. Ay meron pala, binuksan ko agad yung phone ko, and I saw Kylie's text. I thought its Julian's text, baka kasi nami-miss niya na ako o kaya naman gusto niya na akong makita.
Lumabas agad ako ng bahay. Pupuntahan ko si Julian.
I miss him so much, and I hope he is like that also. Miss na miss ko na kasi talaga siya. Gusto ko nga siya na lang yung kasama last three days doon sa beach. Siguro kung siya yung kasama ko, mas masaya,mat mas mag-eenjoy ako.
Pagbukas ko ng pinto ng unit ni Julian, hindi ko nagustuhan ang nakita ko.
May kasex siya.
Napatayo siya noong malaman niyang andoon ako.
"You know what I hate the most? Being cheated and being played."
I just calmly said.
Lumapit ako doon sa babaeng nakahubad ngayon.
"PVTANG *N* JULIAN! KUNG HAHANAP KA NG IPAPALIT SAKIN, PLEASE...HUMANAP KA NAMAN NUNG MEDYO MALAPIT SA STANDARDS KO!"
Pinipigilan kong mapaiyak dahil nasasaktan ako. Hindi ko kayang sampalin si Julian, hindi ko rin kayang wala siya sa buhay ko. Mahirap.
"Hon. Please. Don't leave me. I love you, you know that. Forgive me, Sue. Hindi ko kaya ng wala ka."
Lumuhod siya sa harapan ko. I can sense that he is high.
Walang patutunguhan ang usapan namin, kaya hindi na lang ako sumagot at bumalik na lang sa bahay.
Nagkulong agad ako sa kwarto ko at umiyak.
Akala ko hindi na niya gagawin? He said that. Pero bakit ginawa na naman niya? Napag-usapan na namin 'to dati? Pero bakit ganito? Ganito na naman. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
I hate this feeling.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na dumilim na rin. Sana nalunod na lang ako kesa malaman na nagche-cheat ulit sa'kin si Julian. Okay lang sana kung ibang babae 'yon eh, kaso it's his ex. Yung babaeng minahal niya ng sobra bago ako.
Pakiramdam ko nakikipaglaban pa rin ako sa kanya hanggang ngayon para lang sa konting space na natitira sa puso ni Julian.
Biglang kumatok si Grey. Sino pa bang kakatok sa pinto ko?
"What the fvck. Bukas na lang tayo mag-usap..."
Sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha sa mukha ko.
"Suzane... Ahm. I cooked for dinner. If you want to eat just go downstairs, and if you are not hungry already, I'll just put it inside the refrigerator. Just heat it in the oven, and eat it."
Nagugutom na ako.
Kaya bumaba na ako kasama siya. Yung pagkain na nakahain puro gulay, wala ring rice na nakahain. Parang pangdiet lang talaga. Walang nagsasalita sa aming dalawa, for sure alam niyang I am not in the mood.
"I made a soup. Try it. Baka gumaan ang pakiramdam mo."
Saka niya ako ipinaglagay sa soup bowl. Julian never did this to me. Yung ipagluluto ako, at ipaglalagay ng pagkain sa plate ko. We are always eating in restaurants, o kaya naman magpapadeliver lang kapag nasa unit niya kami.
Grey is a great cook. Sa totoo lang, napakasarap niyang magluto. Nagsisimula na atang maappreciate ko siya.
"Here is a tea, for good digestion."
Hindi ko na kinakaya. Buhay prinsesa ang ibinibigay sa'kin ni Grey. Hindi lang ako makacope up.
"You know, you don't need to do this. Kasi kahit anong mangyari I won't like you."
Hindi niya ako tiningnan, pero nagsalita siya.
"I am not doing this for you to like me. Kaya wag kang assuming, may sinabi ba akong gusto kita?"
I looked at him intently. Oo, hindi niya sinabing gusto niya ako, pero these things made me think that he does like me. Maraamdaman mo naman kung gusto ka ng isang tao eh. He will do such special things for you.
"Just shut the fvck up."
He stood up, and left me alone. Don't tell me, ako ang maghuhugas ng mga 'to? He broke rule number five, and I will just break rule number eight, so that we are even. Bright idea.
I went upstairs and slept.
BINABASA MO ANG
The Breaking of Rules (Completed)
General FictionHighest rank: #7 in NONFICTION What if tumira ka kasama ang babaeng matagal mo ng pinapangarap? And better malalaman mong you are engaged to her? This story is purely a product of my creative imagination. There might be scenes that are not suitable...