I am here sa alumni party, andaming bachelors. Ito ba yung schoolmate ko noon parang naging successful talaga sila sa buhay nila. Napatingin ako sa malapit doon sa fountain, and I just saw Grey. Seriously batchmate ko ba siya? I can't believe we attended the same college.
Kanina when I left the house wala siya, kaya di ko na siya inisip. Nakakainis pati siya last time, since that day hindi ko siya pinapansin. May kinakausap siyang lalake and I know si Chad yon, at biglang may lumapit sa kanyang isa pang lalake. Hindi ko kilala, at wala akong pakialam.
"Ohh. Are you looking at Grey? Kilala ko siya. Naging kaklase ko siya sa isang subject noon eh."
Who cares?
Ewan ko ba dito sa babaeng 'to bakit niya ba ako kinakausap? Hindi kaya kami close.
"I am not looking at him, for your information."
Saka ako umalis sa pwesto ko at umupo na sa seat ko. Nakakanoring sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagiging masaya ngayon dito sa party. Ang live naman nung ambiance, pero something is missing.
"Sue, Julian is here."
Bigla akong kinabahan ng sabihin yan ni Kylie. Napatingin ako sa tinitingnan niya, and she was not lying when she said that. Andito na nga si Julian, and he's looking at me. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano, pero isa lang ang sinasabi ng puso ko. Mahal ko pa rin talaga siya kahit anong mangyari.
Bago pa makarating si Julian sa table namin bigla siyang tinawag sa stage.
"Mr. Julian Schratter, come here on the stage!"
Sabi nung MC.
Panira ng moment grabe. May oras pa siguro kami mamaya, hindi pwedeng hindi. Kailangan naming mag-usap.
"Grey Antonio, where are you?"-MC
Oh bakit kasama si Grey?
"So kumpleto na sila, the most requested men for auction. So you will bid for a guy here in front para makadate niyo sila for this night. Yung makukuhang pera will be donated to our alma mater. So simulan na natin."
Desidido akong magbid kay Julian.
Unang tinawag si Grey, nakangiti lang siya sa unahan na para bang nakatingin siya sa'kin.
"Are you single Grey?"
Tanong sa kanya nung MC.
"Yes, but I love someone."
Sabi ni Grey.
Nagbulungan yung mga babae. We are too old for this thing, nakakairita naman. Hindi ba sila nakokornihan sa ginagawa nila?
Nakatingin pa rin siya sa'kin hanggang ngayon. Inirapan ko lang siya dahil magkaaway kami!
"He is so handsome diba? 1000 for him?"
"5000!"
"10 000"
"50 000"
"51 000"
"55 000"
"Wala na bang hahabol? How about 60 000 for him?"
Tanong nung MC.
Biglang may sumigaw na babae.
BINABASA MO ANG
The Breaking of Rules (Completed)
General FictionHighest rank: #7 in NONFICTION What if tumira ka kasama ang babaeng matagal mo ng pinapangarap? And better malalaman mong you are engaged to her? This story is purely a product of my creative imagination. There might be scenes that are not suitable...