Seventeen

1.8K 40 0
                                    

I hope may nagbabasa pa nito. Keep on reading guys, I hope magustuhan niyo pa rin yung story kahit ang tagal ng update. Comment something if may hindi kayo nagugustuhan or naiintindihan. :)

-kathycarrot26

***

I sat on the floor, and watch her while she is sleeping.

That should be me holding your hand...

That should be me making you laugh...

That should be me buying you gifts...

That should be me.

Naaalala ko pa when we were kids. Iiwanan ni Tito Victor si Suzane sa bahay namin, I was six years old back then.

Flashback

"Hey whimp! I will borrow your teddybear!"

Hinila niya sa'kin yung teddybear ko. Wala akong nasabi noong kunin niya si Crimson, yung teddybear ko. She is so pretty, pwedeng mommy ni Crimson. Hindi ko siya kilala, basta lang siya iniwan ni Tito Victor.

"Ibabalik mo rin si Crimson ha?"

Tumaas ang kilay niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ata ako. Hindi maalis ang tingin ko sa batang babaeng nasa harapan ko ngayon, ang ganda ng eyes niya.

"Crimson? What a bad name! From now on I will call her Suzy! Para magkatunog kami ng name."

Hinawakan ko si Crimson.

"He is a boy... And he is Crimson not Suzy."

Her eyes grown bigger. Bigla akong natakot sa kanya at binitiwan si Crimson, hindi ko na ata mahahawakan si Crimson ulit.

"NO. She is S-U-Z-Y! By the way, I am Suzane Thomson. You?"

"I'm G-Grey."

Simula noon nasa kanya na palagi si Crimson, hindi na siya akin, kay Suzane na siya. Kapag kinukuha ko sa kanya lagi kaming nag-aaway kaya tumahimik na lang ako. Naging babae na rin si Crimson dahil may kulay pink na siyang damit. She is naughty. Minsan naman sobrang ingay, hindi siya tulad ng ibang bata kasi si Suzane sobrang bibo, parang nakalaklak ng vitamin A to Z.

*

One time naglalaro kaming dalawa sa park ng may lumapit sa aking mga batang lalake.

"Lampayatot! Lampayatot!"

Paulit-ulit nilang asar sa'kin, biglang sumigaw si Suzane.

"ANO BA?! ANO GUSTO NIYO HA?! UMAYOS KAYO, BAKA IPAKAIN KO KAYO SA DOG NAMIN!"

Saka namn biglang nagsitakbuhan yung mga batang lalake.

"Lumaban ka kasi Grey. Lampa ka na nga payatot ka pa, next time sapakin mo na sila!"

Kahit kung anu- anong sinasabi niya sa'kin ayos lang.

She is my hero.

She is my first crush.

And she is my first love.

Excited ako sa 'twing iiwan siya ni Tito Victor samin, kahit lagi niya akong inaaway ayos lang sa'kin. Hanggang sa isang araw biglang hindi na lang siya nagpunta, isang araw biglang nawala yung kaibigan ko, at isang araw biglang tumahimik yung mundo ko.

End of flashback

Naramdaman kong nakatulog ako, kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. It's already morning, malamig din ang simoy ng hangin dahil ilang araw lang pasko na. Tumigil na rin ang ulan, at ang ganda ng sikat ng araw.

I touched her forehead.

"Thanks God..."

I said in a relief.

Bigla niyang iminulat ang mga mata niya, kaya nakita ko ang napakaganda niyang mukha.

"Jerk."

Iyon lang ang sinabi niya, wala akong pakialam basta okay na siya ngayon. Kahit hindi siya magpasalamat sa mga ginawa ko kanina para lang maging okay siya.

"How are you feeling? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin? I will cook for you."

*****

Suzane Veronica Thomson

Actually kanina pa ako nagising, pinapanood ko lang si Grey habang natutulog siya. Nakatulog kasi siya dito sa gilid ng kama ko habang nakaupo sa floor. Nagdudugo rin yung isang finger niya, napansin ko agad.

Siguro nakatulog na siya dahil sa pagod.

"Thank you for taking care of me, Grey."

Bigla siyang gumalaw, kaya bumalik ako kunwari sa pagtulog. Naramdaman ko ang pagbangon niya, at ang paghipo niya sa noo ko.

"Thanks God..."

He said.

I opened my eyes, and I saw him again.

"Jerk."

Iyon lang ang sinabi ko, pero halatang hindi niya pinansin at iniba niya yung topic like kanina kung I was asking kung bakit niya ginagawa lahat 'to, pero he just changed the topic.

"How are you feeling? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin? I will cook for you."

Umupo ako at saka ako unti-unting tumayo habang siya hinawakan ako sa waist ko for support. I need to go to the bathroom eh.

Pumasok ako sa bathroom at ginawa ang morning session ko. Paglabas ko sa bathroom may kinakausap siya sa phone niya.

"Umagang-umaga babae inaatupag mo. Wag mo kong igaya sa'yo. Hahahaha."

He is cute when laughing.

"Sige. Sure, I'll be there."

Binaba niya na rin naman agad yung phone niya, saka siya tumingin sa'kin. Inirapan ko lang siya, I am not in the mood para maging mabait sa kanya.

Lumapit siya sa'kin.

"Don't come near me, Antonio!"

Sigaw ko sa kanya.

Para siyang sira ulo. Tumatawa siya kahit sinigawan ko na siya, nababaliw na ata 'tong lalakeng 'to eh.

"I'm glad, gumaling ka na. I made a soup, eat it para makainom ka na ng gamot at para maging mas ayos na ang pakiramdam mo."

Julian never did this to me, pero heto si Grey ginagawa ang mga bagay na hindi nagawa ni Julian para sa'kin. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya, kaya napaiwas ako ng tingin. Habang siya ngumingiti-ngiti.

"Fvck you. Stop smiling like an idiot there!"

Imbes na tumigil, ngumiti pa rin siya. Iniinis ako ng g*g*ng 'to. Nakakainis! Ugh. Ibinato ko sa kanya yung lampshade na malapit sa'kin, kaya tumigil na siya.

I am the boss here.

Ako naman ang ngumiti.

"Kumain ka na..."

Ngumiti siya sa'kin at saka na siya lumabas sa kwarto ko. Siya yung tipo ng tao na hindi mabilis magalit, kahit binato ko na ng lampshade nakangiti pa rin. G*g* ata. Tinikman ko yung niluto niya, in fairness masarap naman. Mabilis ko lang 'yon naubos, kahit feeling ko andaming calories nito.

The Breaking of Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon