Chapter 1

2.9K 87 43
                                    

ALIGAGA akong umupo sa tapat ni Megan nang tawagan niya ako para magkita kami sa nasabing restaurant. Inayos-ayos ko pa ang collar ng suot kong polo shirt, na may disenyong polka dots na kulay white. 

Seven o'clock ang usapan pero nakarating ako ng seven thirty. Sandali kong inilibot ang paningin sa maingay na tao sa loob. Napuno ng tawanan at halatang marangya ang mga kumakain dahil sa pormal nilang pananamit at sa postura nila, maging ang mga nakakabit na kwintas, iyong polseras sa kanilang kamay at mga kumikinang-kinang na hikaw sa tainga. 

Ibinalik ko ang tingin ko sa nasa harap ko, sinabayan ko pa ng paglunok nang maabutan ko ang napakasamang tingin niya. Asar na asar ang mukha niya, parang gusto pa akong sermunan pero idinaan na lang niya sa pag-irap. 

"Cyril, this is the first day of your mission kaya umayos ka," mariin niyang saway.

Bumuntonghininga ako nang malalim. Humaba ang nguso kong ipinatong ang dalawang kamay sa bilugang mesa. "Paano ako kakalma? Seryoso ka ba sa misyong ito? Bakit hindi ka na lang mag-hire ng iba?"

Nakapagtatakang ako ang gusto niyang gumawa ng misyon na ito. Sinabi ko namang bakit hindi na lang siya ang gumawa para mas masakit at mas maturuan niya ng leksyon, magagawa pa niya ang kaniyang gusto. Kahit ilang ulit ko sabihin, palaging ako ang talunan at siya ang tama dahil mapapapayag niya ako. 

Hindi rin bago sa kaniya ang katotohanang hindi kami magkasundo ni Steven. Paniguradong magtataka ang isang iyon kung bigla ko siyang kausapin at magiging mabait. 

Dumadami ang gatla sa aking noo habang nakikipagtagisan ng titig sa kaniya. Problema ko kung ano o paano ang magiging bungad ko sa kaniya mamaya kapag dumating siya rito sa restaurant. Iniisip ko kung ngingitian ko siya, o baka tatayo ako't halikan siya sa pisngi, o kumaway sa kaniya na parang close na close kami. 

Pinutol ko ang pakikipagtitigan sa kaniya sa pamamagitan nang isang malalim na buntonghininga ulit.

Si Megan ang nag-ayos nito. Kinausap niya ang kaibigan ni Steven, si Bryan na may ipapakilala sila. Siyempre pumatol naman agad ang isang iyon kapag usapang blind date sa babae. Hindi naging effective iyong isang linggo kong pagdadasal para lang ipakiusap na huwag siyang pumayag sa alok ni Bryan. 

Naging malamlam ang mata ni Megan at sumimangot niyang itinupi-tupi ang tissue na hawak niya. "Ayaw mo ba?"

Hindi ako umimik at kumibo dahil alam naman niyang ayaw ko. 

"Inaalala mo ba si James?" 

Tumango agad ako sa tanong niya. Mahal ko ang boyfriend ko. Halos ayaw pa niyang pumayag pero dumiretso pa rin ako rito kahit ayaw ko. Hindi ko kayang tiisin si Megan, napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya wala akong ibang magawa kundi ang sumipot kahit ayaw ko. Pakiramdam ko kasi masama ako kapag tatanggi ako sa gusto niya.

Maiintindihan naman siguro ni James, lalo na at napag-usapan din naman ang tungkol dito. Ayaw kong masayang ang dalawang taon namin nang dahil dito. 

Alam kong magbabago ang takbo ng buhay namin kung sakaling maging matugampay ang gabing ito.

"Maiintindihan din naman ni James 'yon," nakangiti niyang turan, parang siguradong-sigurado.

Hindi ko inimikan ang sinabi niya nang bigyan ko lamang siya ng isang malungkot na tingin. Nagbabasakaling madala siya sa mga mata ko at iurong ang plano niyang ito.

Yumakap ang katahimikan sa aming dalawa noong hindi niya sundan ang kaniyang sinabi. Pinal na nga talaga.

"Ayokong abusuhin ang pagiging maintindihin niya," kaswal kong sabi bilang pagsisimula ng bagong usapan.

I Fall to Pieces (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now