Chapter 4

902 44 5
                                    

Marahan akong dumilat nang maramdaman kong may pumisil sa aking palad. Si James agad ang bumungad habang seryoso lang siyang nakatingin sa kamay ko.

"Ja-James," tawag ko sa kaniya dahilan upang mag-angat siya ng tingin. "I'm sorry," hingi ko ng paumanhin subalit umiling-iling ito.

"No, don't be sorry. Wala kang kasalanan. Ako dapat iyong nagso-sorry," maamo niyang wika. "Dapat nakinig ako sa 'yo," iiling-iling niyang dagdag at mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Wala pa sina tita at tito kaya dinala muna kita rito sa bahay ninyo. Sabi ni mama, hindi ka raw kumain kaya nahimatay ka."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ako kumain ng almusal hanggang tanghalian kasi naman bigla-bigla siyang nagalit sa akin.

"Bakit ka nagpapalipas? Bumabalik ka na naman sa dati mong gawi. Huwag ganiyan, babe. Hindi porque-" pinutol ko ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng paglapat ko ng aking hintuturo sa kaniyang labi.

"Huwag mo na akong sermunan."

Natatawa niyang inalis ang hintuturo ko't hinalikan iyon. "Hindi na, hindi na." Ngumiti siya.

Bumuntonghininga ako nang maalala ang patungkol sa practicum namin sa PE.

"Si Megan talaga ang gusto mong maging partner?"

"I had no choice," kibit-balikat niyang sagot.

Sumimangot ako. Hindi ba puwedeng kami naman ang magkasama? Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Steven.

"Gusto ko ikaw partner ko dahil minsan na nga lang tayong magkasama pe-"

"Megan explained to me and it's fine," putol niyang sagot.

Tipid na lang akong tumango habang nakasimangot pa rin.

Tumitig lang ito sa akin, pinaglalaruan ang daliri ko at dahan-dahang ngumingiti.

"Hindi ka na ba talaga nagtatampo sa akin?"

Alam ko kasing kahit kinakausap niya ako, nagtatampo pa rin siya.

"Hindi," nakangiting sagot niya.

Inabot ko ang ilong niya para pisilin. "Sigurado ka? Bakit kanina ayaw mo akong pansinin? Kung hindi ba ako nahimatay, hindi mo ako kakausapin?"

Iniisip ko lang kung hindi ako nahimatay, malamang hindi ako niya kauusapin. Kailangang umiyak muna ako bago kami magkaayos.

Umiling ito bilang pagtanggi. Malambing niyang hinawi-hawi ang buhok ko sa bandang noo. "Of course not. Kakausapin naman talaga kita at balak ko ngang ihatid ka."

Matamis akong ngumiti. "I love you," malambing kong sabi at iniunat ang magkabilang braso para palapitin siya sa akin at yakapin ako.

"I love you too." Hinalikan niya ako sa noo.

***

Mag-isa kong umalis ng bahay. Dapat ay sabay kami ni Megan pero nauna na raw siya. Himalang maaga siya ngayon at hindi ako hinintay. Siguro may importante siyang gagawin kaya ganoon.

I Fall to Pieces (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now