Chapter 2

1.3K 67 39
                                    

SALUBONG ANG magkabila kong kilay habang naglalakad papasok. Ilang beses akong nagtanong kung ano iyon, pero wala lang pala. Dumagdag pa sa inis na nararamdaman ko ang text message galing kay Megan. 

Huminto akong nagkamot-kamot ng buhok, nagulo ko pa ang maayos na pagkakaipit ko. Umikot ang mga mata ko sa kawalan at napatingin sa hawal kong bengbeng.

Ito ang sinadya ko kanina sa sari-sari store na dinaanan ko, naghanap ng tatlong piraso para raw kumpletuhin ko iyong I love you

Wala akong maisip na magandang ideya kung paano ko siya pakikitunguhan. Hindi maganda ang pagtatapos ng gabi namin. Maraming ‘paano’ ang sumasagi sa isip kong hindi ko alam ang mga sagot.

Sumabay sa hangin ang malakas iyong pagpapakawala ko ng buntonghininga. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang nagmamasid sa mga estudyanteng panay ang paglabas at pasok pa ng ilan. Pinansin ko kung nasaan ako at natawa na lamang sa sarili dahil nasa senior high school building pala ako.

Pumihit agad ako para bumalik sa kaninang dinaanan ko dahil hindi dapat dito. Sa sobrang pag-iisip ko kung paano kami magkakasundo, hindi ko na nalamayan ang nilalakaran. Mabuti rin palang hindi kami naabutan ng K-12. Paniguradong grade 12 pa rin ako, wala sa sophomore year ng college.

Napahawak ako sa poste at napangiwi, iniinda ang sakit ng pagkakabangga ng kung sino sa aking braso.

"Ano nga?" tinig niyang ginaya pa ang tono ng boses kong medyo may pagkasingkit. 

Hindi naman ganoon ang boses ko, iniba ko lang din para makuha ang interes niya pero hindi pala magiging epektibo. Ngumisi itong nagtataas-baba ng kilay. 

"Ano nga?" ulit niyang mas lalong pinasingkit ang boses ko. 

Nakakairita sa pandinig kapag siya ang gumagawa. Sinimangutan ko ito. Nakakawala ng bait kapag siya ang kasama ko.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, maghanap ka ng ibang maasar mo, Steven," hindi natutuwang sabi ko.

Bumilog ang labi niya pati ang mga mata at naitaas ang kamay sa ere. "Whoa! Whoa!" manghang puri niya. "Mataray, ah." Tumawa siya.

"Sabi ng mga kaibigan mo, mabait ka raw pero bakit sa akin ang taray mo?" nakangising tanong niya pero may kuryusidad nang magtaas siya ng isang kilay.

"Mabait ako sa mabait," matipid kong sagot.

"Mabait din naman ako sa mabait, bakit hindi tayo magkasundo?"

Imbes na sagutin ang tanong niya, iniabot ko ang bengbeng na hawak ko. Mabuti hindi nahulog noong bungguin niya ako.

"May nagpapabigay," sabi ko at tiningnan lang niya ang hawak ko.

Sumama bigla ang ekspresyon niya nang mahuli ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Bakit, anong mayroon? 

I Fall to Pieces (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now