Chapter Two

2.1K 83 3
                                    



SAICA

Mataas ang sikat ng araw. Tahimik ang paligid at huni ng mga ibon ang tangi kong naririnig. Masarap ding umupo rito sa ilalim ng puno. Heck, it's so peaceful. Why the fuck is this so peaceful? I wanna ruin someone's life. Or maybe, shoot the president for fun.

This is so boring and plain. And me, Saica, the manifestation of the word 'anger', is sitting under a damn fucking tree? This is so humiliating. My pride and ego are destroyed.

Naiiling na kinuha ko ang sign pen at notebook mula sa bag na dala ko. Ipinatong ko ito sa mga hita ko habang ang utak ko naman ay gumagana at may pumapasok na kung ano-anong ideya.

Wala akong magawa. At kapag wala akong ginagawa, nagsusulat ako ng kung anu-anong bagay na papasok sa utak ko.

So, I started to write about rape and abuse. It's a poem, anyway. And yes, I promote violence. I'm also the kind of woman who writes for fun. At kada tula na sinusulat ko ay tungkol sa naging buhay ko. So, yeah. Rape and abuse-- I actually know WHAT exactly I'm writing about.

I was raped. Not a big deal though. All I wanna do right now, is to set someone on fire.

"Saica!"

Fuck.

Nawala ang konsentrasyon ko nang may buwisit na tumawag sa pangalan ko. Hindi ko nilingon ang letseng tumawag sa akin. Ayokong iniistorbo ako habang nagsusulat ako sa—

Damn it.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. Pero buwisit, hindi talaga ako tatantanan ni Brenda!

"Patay na si Eunice. Nagpakamatay daw kagabi." Hindi ako natinag sa pagsusulat kaya naman bigla akong sinapok ni Brenda.

Inis na tiningala ko siya. "Ano ba?"

"Nagpakamatay si Eunice kagabi! 'Yong may depresyon? Ballpen daw ang ginamit niya maglaslas. Pinutol niya raw ito sa gitna. Then, ikinuskos niya iyon sa pulso niya hanggang sa magsugat ito at mamatay siya. Wala akong pakialam sa babae na 'yon, pero maganda siyang babae at sayang siya."

Ah, 'yong sinita ko kagabi? Nagkibit-balikat ako. Alam ko na magpapakamatay 'yon kagabi kaya hindi na rin ako nagulat. Tinodo ko na nga, eh. Sinabihan kong wala akong pakialam sa kaniya para mas lalo siyang ma-down at poof, umipekto iyon, sa tingin ko.

Saka paki ko ba sa kaniya? Ano naman kung may depresyon siya? Wala akong pakialam, 'no. Just move on, dami-daming tao sa mundo, hindi na big deal kung may mababawas na isa. 

Saka kita mo? Nakatulong na naman ako sa bansang Pilipinas para magbawas ng mga buwisit.

"Sayang ang buhay no'ng babaeng 'yon—"

Inis akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa ilalim ng puno. Itinigil ko ang pagsusulat sa notebook ko. 

Nabubuwisit na tinitigan ko s'ya. "Hindi sayang ang buhay ng mga walang kwentang tao, Brenda."

Napanganga siya na para bang nagulat siya sa sinabi ko. Lah. Hindi pa ba siya nasanay sa bunganga ko?

Natawa ako. "Just kidding, Brends. Bibili lang ako ng pagkain, at ikaw, ang daldal mo," paalam ko, saka tinalikuran s'ya.

Agad akong naglakad palayo.

Naiirita ako sa babaeng iyon. Napaka-epal. Lagi ko na siyang binabara pero lapit pa rin siya nang lapit sa akin.

Puwede bang sumunod na lang siya kay Eunice para matahimik na ang mundo ko?

Tse!

######

"Ipagdasal na 'tin ang kaluluwa ni Eunice." Si Medina. Doktora rito sa 'min na 'kala mo kung sinong maka-Diyos, eh, ang dami namang lalaki.

Muntikan na akong masuka.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  derangedOnde histórias criam vida. Descubra agora