Chapter Three

1.7K 82 8
                                    

Chapter 03:
(Saica's POV)

May hawak akong patalim. Itong patalim ko ay nakaipit lagi sa tagiliran ko at bukod pa ang folding knife na lagi kong dala-dala. May habang 8 inches ang blade, kakaiba ang hitsura niya dahil sa kakaibang 'twist' ng blade nito. May cover ito kaya safe kapag nakalagay sa tagiliran ng uniform ko. Isa siyang Jagdkommando Tri-dagger, exactly.

Bumaba ang kaniyang mga mata sa patalim na hawak ko,

Bahagya siyang natawa saka muling ibinalik ang kaniyang paningin sa 'king mukha, "Do you even know how to use that thing?"

Minamaliit ba ako ng tarantadong 'to? Oo na, maliit naman talaga ako pero—argh, of course, I know how to use it. May mga paraan ako para matuto kung paano gumamit ng isang patalim na mga iilan lang ang nakakaalam.

"Gusto mo i-try ko sa 'yo?" sarkasmong tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa patalim.

Pare-parehas lang ang naman ang mga patalim. Kahit anong klaseng patalim pa 'yan, lahat 'yan ay may kakayahang makapatay!

But this one is my favorite, bukod kasi sa mahal siya at illegal, mabilis pati siya makapatay. As long as you know how to use it for fighting, walang kawala ang biktima mo. Mauubusan siya ng dugo ng mabilis and it would take a team of surgeons to seal the wound.

Humakbang siya palapit sa akin. But this time, tuwid na ang tayo niya. Kakaiba rin ang tikas ng kaniyang pagtayo, na siyang hindi ko nagugustuhan.

"Huwag kang lalapit," halos pabulong na sambit ko saka tinitigan siya ng masama.

Hindi ako matatahimik ngayon lalo na't may nabanggit akong sikreto sa kaniya.

'Yung boyfriend ko noon ay isa ring nars dito. Alam ng lahat na may relasyon kami kaya kailangan kong umarte sa harapan nila noon. At kapag nagsalita 'tong hayop na 'to, hundred percent sure ako na papa-imbestigahan na naman nila ako!

"Kumalma ka muna. Wala naman akong gagawing masama sa 'yo," sambit niya saka bumuntong-hininga, "hindi mo rin ako matatakot sa hawak mo. Hindi mo naman alam kung paano gamitin 'yan."

Napairap ako ng bongga dahil sa pagkairita. Dahil ba babae ako kaya minamaliit niya ako? Haler? Alam niya ba kung sino ang kaharap niya?

"Whatever," Napairap ako. Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay mas lalong nagbago ang mood ko.

I feel so cold. I'm ready to kill again. Mula sa dulo ng utak ko ay nadidinig ko ang sinasabi ng sarili ko na patayin ko siya rito—na huwag ko siyang hahayaang makasigaw.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagpapanggap? Anong pakay mo?"

Ako naman ang humakbang palapit sa kaniya. Wala na akong pakialam kung siya ang pinakaguwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Kalayaan ko ang nakasalalay dito.

Nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay habang nakapirmi pa rin sa akin ang mapupungay niyang mga mata, "Wala. Wala akong pakay."

"Sa tingin mo ba talaga tanga ako?!" gigil na hiyaw ko. Nadinig ko ang sarili kong boses. Madilim. Malalim. Tunog-demonyo.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa patalim. Kaunting pagkakamali niya lang ngayon, sisiguraduhin kong hukay ang bagsak ng sira-ulo na 'to.

Bigla siyang natawa. Lumabas ang perpektong mga ngipin niya. Muntikan na akong masilaw sa sobrang puti ng mga ngipin niya.

"Oo. Nagpapanggap lang ako." Ginawaran n'ya rin ako ng makahulugang titig.

"Bakit ka nagpapanggap? Anong pakay mo?" Nanggigigil pa rin na tanong ko.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  derangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon