Chapter Four

1.8K 74 22
                                    

Chapter 04:
(Saica's POV)

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng psychopath?!" iritableng hiyaw ko kay Brenda. Nagbabasa raw kasi siya ng libro na may poging psychopath ang na-inlove sa isang babae.

Na-inlove? Tangina, seryoso? Kailan pa na-inlove ang isang psychopath? Yeah, I know, fiction lang naman iyon. Pero kahit na. Gagamit ka ng karakter na psychopath tapos gagawin mong caring and lovable? Ayos ka lang? BIGYAN NIYO NAMAN NG HUSTISYA!

Jeezuz. Ang isang psychopath ay hindi marunong magmahal, tigilan niyo ako riyan sa mga fiction na 'yan na walang respeto sa Psychology. I feel so offended. I'm gonna hang myself na because of these brainless hooman beings na nag-iisip na sexy daw ang pagiging psychopath.

People, if you have wifi sa inyong house, or kung may load man ang inyong Smart phones, uso namang mag-Google para hanapin ang meanings ng mga bagay na hindi niyo maintindihan. 'Cause I swear, y'all people are so stupid.

Or kung dukha ka at walang pang-load. You can use freebasics, edi nagkasilbi ka pa sa mundo at nagkalaman naman iyang utak mo.

"Ang bitter mo talaga! Ang ganda kaya ng storya. Try mo basahin. 'Yong girl ang nagpabago doon sa lalaking psychopath. Ang—"

"'Ngina mo!" gigil na hiyaw ko sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit mo ako minura?" nagtatakhang tanong niya saka itinuro ang kaniyang sarili.

"Kasi bobo ka!" sarkasmong sagot ko, "Seriously, Brenda? Nagbabasa ka ng ganiyan?" Hinablot ko ang libro at tiningnan ang cover.

Psychopath Fell Inlove With A Fucking Legendary Nerdy Girl With Magical Powers Of A Powerful Dragon blah blah.

"Paano 'to na-publish?" nangungunsuming tanong ko, "Eh, putsa, title pa lang tapos na agad ang kuwento, eh!"

Wala na akong pakialam kahit na ang lakas ng boses ko. Nandito naman kami sa malayo nakaupo kaya keri lang. Bigla ba naman kasing uminit ang ulo ko nang ikwento niya sa akin ang kuwento ng basurang librong 'to.

Baliw yata ang author. At baliw din ang mga readers na nagandahan sa storya niyang nakakasura.

"Title pa lang kasi 'yan. Basahin mo kasi!" Mukhang pati si Brenda ay naiinis na sa akin.

Itinapon ko sa putikan ang libro kaya naman napasigaw bigla si Brenda. Naiiyak na hinampas niya ako sa braso. Agad na tumayo siya para sana kunin ang libro ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Bakit mo kasi tinapon?!"

"Kasi maganda ako," simpleng sagot ko. "Saka Brenda, Mag-Google ka tungkol sa mga psychopath na kinahuhumalingan mo. Huwag kang tatanga-tanga. Toxic kang letche ka."

"Ang pakilamera mo talaga kahit kailan! Mas bata ako sa 'yo kaya hindi ka maka-relate!" galit na hiyaw niya. Namumula na ang kaniyang mga tainga at halatadong gigil na gigil na siya sa akin.

Malakas ko siyang tinawanan, "Ulol."

Tinapik ko siya sa braso habang siya naman ay mangiyak-ngiyak na nakatingin sa libro niyang puro putik.

"Alam mo bang 2,000 pesos ang bili ko sa librong iyon?"

Dalawang libo? Seriously? Pangkain ko na iyon sa loob ng isang buwan, ah?

"Kung hindi tungkol sa psychopath chorva ang kinuwento mo sa 'kin, edi sana, buhay pa 'yang libro mo," nakangising pang-aasar ko sa kaniya.

"Fiction lang naman kasi 'yon! Saka ano naman ngayon kung nainlove 'yong psychopath doon sa babae? Hindi ba posible iyon, ha?!" asar na singhal niya sa akin.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  derangedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora