Chapter 1

8.5K 191 24
                                    


Chapter 1
Sabbie's POV

"SAAABIIIEEE!!"

"AH! ETO NA! ETO NA GISING NA AKO!!"  Napa-upo ako sa gulat.

Napakamot ako sa ulo ko. Si mama naman! Ang aga-aga kung makatalak naman parang gusto na talagang palitan yung maingay na manok ng kapitbahay na syang gumising sakanila!

Pero dahil sa inaantok pa ako ay humilata ulit ako sa kama ko. Five minutes. Swear.

"SABBIE!! BABOY KA TALAGA! NAKAHILATA KA PARIN! SINABI NANG BUMANGON NA EH! MALE-LATE KA NA! ANO BA?!"  Naloka't gumising ang katawang lupa ko sa biglang pag-hila ni mama ng kamay ko.

Wala na akong nagawa dahil hindi umalis ng kwarto ko si mama hanggat hindi ako pumapasok ng cr at naligo. Ugh.

Nakaligo na ako't lahat. Nag-uniform. Sinilip ko ulit ang I.D ko bago ito isuot. Sabbie Vien Lejada, nako! Ang ganda-ganda mo talaga!

Naniniwala kasi ako na pampaganda ng umaga ang i-complement ang sarili. Kung hindi kayang gawin ng iba sayo edi ikaw nalang ang gumawa para sa sarili mo! Odiba?!

"Good morning!"  Bati ko kay mama at manang. Si papa nasa Abroad. Si kuya naman mamaya pa ang pasok kaya tulog pa. Ugh, swerte nya talaga!

"Mabuti naman at natapos ka rin. Umupo at kumain ka na ng makaalis ka kaagad at baka ma late ka pa."  Sermon na naman ni mama sakin.

"Oki!"

Pagtapos ng agahan ay nag-ayos na ulit ako. Isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko.

Sumilip na ako sa bintana ng bahay habang natingin sa aking pink na relo.

"5, 4, 3, 2, 1.."

Lumabas na ako ng pinto at sakto! Pag labas ko ay ang eksaktong labas ni Steven sa kabilang bahay. Napangiti ako. Yehet!

"Good morning."  Nakangiti nyang bati sa akin saka kami sabay na naglakad.

Eh sino ba naman ang magkakaroon ng bad morning kapag ganito ang salubong sayo ng umaga diba?!

"Good morning din!"  Ngiting ngiti kong bati sakanya. Halos mapunit na yata yung bibig ko sa ngiti! Enebe!

"Been scolded by your mom again, huh?"  Pang-aasar nya saka pa nya sinuot yung nerdy glass nya. Ugh! Ang cute nya lalo!

Napanguso ako. Sabi kasi nila, cute daw ako pag ginagawa ko iyon kaya baka malay mo ba, ma-cute-an din si Steven sakin!

"Oo eh. Si mama pa? Nakakahiya tuloy sayo."  Magkatapat lang kasi ang kwarto namin ni Steven, kaya malamang ay marinig nya yung mala naka-megaphone na boses ni mama!

"Okay lang naman. Nagiging alarm clock ko na rin ang mama mo eh. Kapag narinig ko na yung boses nya, napapabangon nalang din ako ng wala sa oras."  Natatawa nyang sabi kaya nahampas ko sya saka na rin tumawa ng tumawa sa sinabi nya.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin ng gate ay nagtitinginan na agad ang mga estudyante sakanya. Ang mga walang pakundangang poodle na kung makatingin at makabulung-bulungan na parang wala dito yung tao!

"Kya! Nandyan na si Steven!"

"Shet! Mas pogi talaga sya pag nakasalamin sya!"

Tsk. Imbyerna talaga 'tong mga babaeng poodle na 'to! Kulang nalang maglaway sila eh! Nakakainis!

"Where are you going?"

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon