Chapter 6

4.6K 72 14
                                    


Chapter 6
Sabbie's POV

"Hi Saab!"

Napakunot ang noo ko ng harapin sya. Ngiting-ngiti pa sya sakin. Gusto ko tuloy sapakin sya sa mukha!

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Hindi mo ba ako na-miss?"

"At bakit kita mami-miss, ha?!"

"Grabe, Saab. Hindi ka pa rin nagbabago. Wag kang mag-alala, kasama ko naman sila Red at Magenta."

Inirapan ko sya.  "Nasaan sila? Mas gusto ko silang makita kaysa sayo! Tsk."

"Huy! Nakakatampo ka na talaga. Bakit ba ang sungit-sungit mo sakin?"

"Seryoso bang tinatanong mo sakin yan, ha?! Silver, pumunta ka ba dito para mang-inis?!"

Sasapakin ko na sana sya ng umatras sya at tumatawang tinaas ang dalawa nyang kamay.  "Chill!"

"Chill-Chillin mo mukha mo! Pag tapos ng ginawa mo sa bestfriend ko?! Hindi kita mapapatawad!"

Sumeryoso bigla yung mukha nya. Pero wala akong pakialam. Inis na inis talaga ako sakanya.

"I told you, I don't have a choice."

"Meron! Pwede namang hindi ka sumama diba? Pero ano? Iniwan mo ang bestfriend kong luhaan at sumama doon sa babaeng mukhang kukong yun!"

"Hindi ako sumama sakanya, Saab. Hindi—"

"Saab!"  Lumingon ako saka mabilis na napangiti.

"Magenta!!"  Nawala lang ang badtrip ko kay Silver ng makita ko si Magenta. Niyakap ko sya ng mahigpit. Grabe! Miss na miss ko na ang babaeng 'to!!

"Si Red pala? Nasaan?"  Tanong ko ng humiwalay sa yakap naming dalawa.

"Hinahanap mo ako? Ay, sabi na nga ba eh, denial ka lang talaga noon Saab eh! Crush mo ako!"

Tawa ako ng tawa ng makita si Red. Binatukan ko sya.  "Loko ka talaga! Hindi ka pa rin nagbabago!"

"Bakit sila welcome? Ako hindi?"

Sinamaan ko ng tingin si Silver.  "Hindi ka talaga welcome dito. Tsk."

Pinagmeryenda ko muna sila at nagkaroon kami ng konting kwentuhan. Kababata namin silang tatlo nila Lourrie. Si Silver, Red at Magenta. May saltik din mga magulang nila ano? Ipangalan daw ba sa kulay? Nakakaloka.

Tsaka kaya ako galit na galit kay Silver ay dahil ex sya ni Lourrie at bwisit sya dahil iniwan nya yung bestfriend ko para sumama sa States kasama nung babaeng ipinalit nya kay Lourrie! Bwisit talaga sya!

Pag-alis nila ay dumating na si Kuya na masama ang tingin sa akin. Patay!

Lourrie's POV
Mabilis akong sumulyap sa salamin bago lumabas. Bibili kasi ako ngayon sa Mall ng ireregalo ko sa birthday ni Saab! Nakaka-excite!

Paglabas ko ay napakunot ako ng noo. Bakit may sasakyang nakapark dito? Hindi ba nya alam na bawal mag-park sa tapat ng bahay ng iba?! Anong tingin nya dito sa tapat namin? Parking lot?!

Lalapit na sana ako para bulyawan yung walangyang may-ari ng sasakyang nakahambalang sa gate namin ng lumabas yung tao mula sa sasakyan.

At nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino sya. Nanlaki ang mga mnata ko. Shit!

Mabilis akong bumalik sa sarili ko. Mabilis akong naglakad pabalik ng bahay kaya lang may kamay na humawak sa kamay ko. Napahinto ako.

"Lourrie..."  Mabilis akong napabitaw. Para akong nakuryente!

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Where stories live. Discover now