Chapter 4

5.1K 88 10
                                    


Chapter 4 
Sabbie's POV

"Uhh...Nakakahiya kasi eh. Wag na nga lang."  Kumamot sya sa batok nya at aakma na sanang umalis ng hilain ko sya. Nagulat din ako sa ginawa ko!

"Ah...ano...wag ka na kasing mahiya! Eto naman!"  Pilit akong tumawa. Ugh! Pakiramdam ko tuloy pulang pula na ako!

Ano ba kasing itatanong nya?! Wait...eto na ba yung mga eksenang madalas kong napapanuod sa tv? Yung magtatapat na yung lalaki ng nararamdaman nya doon sa babae tapos itatanong kung pwede ba syang manligaw?! Kyaaa!! OMAYGAD!!

Baka 'Pwede ba kitang ligawan?'

KYAAAAAAAAAAAAH!!! GUSTO KO NANG GUMULONG DITO!!

"Pwede ba kitang mahiraman ng glue?"

"Oo naman! Oh my God! Yes na yes—ay teka!!"  Napahinto ako.  "Ano nga ulit yung tanong mo? Namali yata ako ng rinig?"

Napahawak ulit sya sa batok nya saka ngumiti.  "Pwede bang humiran ng glue?"

Humiram...ng...glue?! Oh God...Whyyy?! Bakiiit?! BAKIIIT?!!!

"Y-Yun lang talaga? Wala ng iba?"

"Sorry, ha? Nakaistorbo pa ako para lang sa glue. Okay lang ba?"

Hindi....HINDI OKAY!! HINDI AKO OKAY!!!  "Okay lang. Saglit."

Lugong lugo akong bumalik sa kwarto at kinuha yung glue. Yung swerteng glue na mahahawakan at magagamit ni Steven!! Sana ako nalang yung glue!! Ughhh!!!

"I'm really sorry. I was finishing my portfolio kaso naubusan ng glue. Are you done with yours?"

"Uh, oo."

"Konti nalang yung sakin eh. Salamat! Balik ko nalang sayo bukas. Bye good night!"  Napahawak pa sya sa batok nya bago ngumiti saka kumaway at mabilis na umalis. Mukhang nagmamadali yata? Problema nun?

Napasandal ako sa pinto. Napa-dooring ako. Hay, kahit na hopia na naman ako sakanya, kahit na nag-assume na naman ako, kahit na na-hurt-hurt na naman ako sakanya. Hindi ko pa rin maiwasang ma-fall sakanya! Naku talaga, Steven! Pag ako lang lalong gumanda, humanda ka sakin!

"Huy! Anong ginagawa mo dyan sa pinto?!"  Nagulat ako at napatayo bigla dahil sa entrada ni mama. Naku! Kahit kaylan talaga kontra 'to.

"Wala ma!"  Tumakbo na ako pabalik sa kwarto.

Maaga akong gumising kinabukasan. Kainis kasi 'tong pauso ng school naming maarte. Linggong-Linggo may pasok! Wala namang klase at clubs lang naman ang pinapasukan kaso minsan talaga nakakatamad!

Buti nalang talaga at inspired akong pumasok.

"Hoy loser! Watch me. Galing ko, no? Unlike yung club nyong pang-loser."

Inangatan ko sya ng tingin saka pinagtaasan ng kilay. Yabang talaga nitong poodle na 'to. Sa Cheering squad kasi si Ellaine. Sya pa yung pinaka-hinahagis hagis sakanila. Hagis ko sya eh, makita nya.

Nginisian nya ako. Tingin nya naman ang ganda ganda na nya na nyan? Porke nasa tuktok, feeling nya star na talaga sya? Excuse me, hindi nya kina-sexy yan. Hmp.

Mahulog ka sana.

"Ahh! Mag-ingat nga kayo! Ano ba—ahh!!"  Nagtititili pa sya saka nanlaki ang mga mata ko.

Nalaglag sya saka lumagapak sa sahig. Ayun, nagkaroon tuloy sya ng kissing scene sa sahig.

At imbis na maawa ako sakanya ay unti-unti akong natawa. Pinilit kong pigilan pero tawang-tawa talaga ako!

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Where stories live. Discover now