Chapter 2

5.7K 97 19
                                    


Chapter 2
Sabbie's POV

Napakagat ako sa labi ko saka napabalik-balik ng lakad. Waa! Anong sasabihin ko?!

Bumalik ako sa laptop ng naka-isip na ako ng ire-reply.

Sabbie Vien Lejada
Ah, si kuya kasi! May binigay sakin kaya natuwa ako :)

Napapikit ako. Waa! Sinungaling ka Saab! Ang ingay mo kasi eh!

Steven Lee
Ah! Kaya pala. Sige, basta bukas, ha?

Napakagat ako lalo sa labi ko para hindi na ako makatili pa. Eh nemen kese eh! Enebe be! Kenekeleg eke!!

Sabbie Vien Lejada
Sure!

Nag-hintay pa ako ng reply kaso nag offline na. Hindi manlang nag bye?! Hmp.

Kinabukasan, maaga pa akong nagising kaysa sa pagtunog ng alarm clock ko. Alam nyo na, excited! Isa pa, para hindi na rin ako akyatin ngayon ni mama na dragona! Baka kasi marinig na naman ni Steven, dyahe!

Bumangon na ako agad saka ginawa ang kaylangan kong gawin. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo! Hahaha!

"Good morniiing!"

"Oh, good morning baby. Ang sigla mo yata?"

"Ang sabihin mo, ang aga nya yatang kumilos ngayon."  Napanguso nalang ako sa pagkontra ni mama at di na sya sinagot.

Humalik ako sa pisngi ni kuya saka umupo sa tabi nya.  "Ang aga mo yata ngayon, kuya?"

"Mag jo-jogging kami ni Leigh."

"Waa! Sayang, may klase ako."

Kinurot nya yung ilong ko.  "Kahit wala naman, hindi kita isasama. Panira ka lang ng date."  Saka sya tumawa.

Sinimangutan ko sya.  "La, jogging daw tapos biglang date? Baliw ka na yata kuya."

Kumain nalang ako saka nag-ayos na para sa pag-pasok. Sinuklay ko ng maayos yung buhok ko. Alam nyo na, may sarili din akong date ngayon. Akala naman ni kuya! Hihihi.

Huminga ako ng malalim saka pumwesto na sa pinto. Ilang segundo nalang at...

"Good morning, Saab!"

"Good morning, Steven!"  Yie! Ang ganda talaga ng morning ko!

Sabay na naman kaming pumasok dalawa. At ano pa ba? Yung mga tingin ng mga babaeng poodle na nagkalat sa campus nandyan na!

"Good morning papa Steven!"  Ngiting ngiting bati ng isang beki na mas babae pa kumilos sa ibang babae. Naloka naman ako doon!

"Good morning."  Ngumiti sya doon at hala ka! Halos mahimatay na yung beki! Hindi manlang nahiya na ginawa nya yun sa harap ni Steven! Che!

"Papa Steven."  Natatawa kong sabi habang naglalakad papunta na sa room.

Natawa nalang din sya.  "Bakit kasi ang gwapo ko?"  Natatawa nyang tanong kaya naramdaman ko bigla ang pamumula ng magkabila kong pisngi.

"Hindi ko nga rin alam eh."  Saka ako naiilang na ngumiti. Lumingon sya sakin habang natatawang umiling.

"Eh ikaw?"

Ako naman ang napalingon sakanya.  "Ha?"

"Ikaw? May...boyfriend ka na?"  Saka sya nakangiting tumingin sakin.

Ramdam ko yung biglang pamumula na naman ng pisngi ko. Omo! Bakit nya tinatanong?!

"W-Wala."  —hinihintay kasi kita! Enebeee!!

"Ah."

Nanahimik nalang ako dahil wala na rin akong masabi. Hindi na rin naman sya nagsalita! Hanggang sa naka-abot na kami sa room.

Bakit ganun? Ang bagal ng oras pag nagmamadali ka! Kanina pa ako patingin-tingin sa orasan. Malapit na...Malapit na...

Halos mapatayo na ako sa saya ng tumunog na ang bell. Break time na!

"Let's go?"  Napa-angat ako ng tingin. Ugh! Ang gwapo nya talaga!

"Sige."  Nakangiti kong sagot.

Nginisian pa ako ni Lourrie ng nadaanan namin sya bago lumabas ng room.

"Fighting!"  Bulong nya. Nag-aja pose nalang din ako sakanya.

Bumaba na kami. Hindi ako mapakali na nae-excite na masyadong natutuwa! Umaapaw na ako sa feels!

"Anong gusto mong kainin?"  Tanong nya pagpasok namin sa Caf. Medyo marami nang tao pero kiber na! Pag kasi kami ni Lourrie halos tumatakbo na pababa para di maubusan ng lamesa.

Kinuha ko yung wallet ko.  "Ahm, saglit."

"My treat, nakalimutan mo na ba?"

Tumingin ako sakanya. Ako pa ba? Makakalimutan ko?! Syempre alam ko! Pero kunyari nalang para hindi ako mukhang umaasa sa libre nya diba?! Hahaha!

"Ah, seryoso ba?"

"Oo naman."

Sinabi ko na gusto ko ng Lasagna at sya naman ay nag order ng Bake Mac. Ako ang naghanap ng table kasi nakapila sya.

Napangiti ako ng palihim ng nakita kong palapit na sya sa table namin. Yiie! Eto na 'to! Lunch date na talaga namin 'to ni Steven! Omaygad!

"Matagal ba?"  Inilapag nya yung tray saka umupo sa harap ko.

"Hindi naman."  Nahihiya kong sagot. Oy! Nahihiya na talaga ako this time! Hahaha.

Kakain na sana kami ng may biglang lumapit sa amin. Omaygad, si Ellaine lang naman. Ang pinaka-mataray na poodle dito sa campus.

"Hi, Steven!"  Bati nya sakanya na parang wala syang nakitang kasama ni Steven. Tsk.

"Hey."

"Wanna join us? Nandoon kami sa kabilang table."  Ngiting ngiti nyang alok sakanya. Nakakainis! Gusto ko tuloy ibato sakanya 'tong Lasagna ko ng mapansin nyang may kasama sya!

"Ugh, hindi na siguro. May kasama kasi ako."  Ngayon lang sya tumingin sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay! Aba't!

"Hmm, pwede naman syang sumama or maiwan nalang sya dito. Hindi naman big deal diba?"  Tinignan nya ako ng masama. As if naman matatakot ako sakanya. Ha!

"Dali na, Steven! Please?"  Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan pa nya ang braso ni Steven! Oy! Sinabi nang ayaw diba? Kalbuhin ko kaya 'tong poodle na 'to?!

Tinanggal ni Steven yung pagkakahawak nya sa braso nya.  "Hindi na talaga. Siguro sa susunod nalang."

Napatingin ako kay Steven na medyo naiirita na. Eto namang Ellaine na 'to kasi wagas makalandi! Kaasar!

"Sige na nga! Tss. My friends and I are here lang, ha? If ever na magbago ang isip mo. Bye!"

Kumaway sya kay Steven saka pa pasimple akong inirapan. Tsk. Asar talo ka lang eh. Buti nga sayo!

"I'm sorry about that."

Tumingin ako sakanya.  "Lagi nalang may ganitong nangyayari kapag magkasama tayo. Sorry."

Pinilit kong wag ngumiti dahil sa cuteness nya! Omaygad!!

"O-Okay lang. Ikaw ba naman kasi may kasamang ultimate heartrob ng campus nyo eh. Malamang marami talagang iistorbo."

Tumawa lang sya. Nagpatuloy na kami sa pagkain saka nagkwentuhan. Waa! This is the best lunch I've ever had!

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon