Chapter 3

5.4K 116 24
                                    


Chapter 3
Sabbie's POV

Sabado ngayon kaya nakatulog ako ng mahimbing. Seven na nga ako nagising.

Dumiretso na ako agad sa cr, naghilamos and nagsipilyo. Nag-suot ako ng cycling shorts na hindi gaanong maiksi at t-shirt saka na bumaba.

"Good morning!"

"Maganda ka pa sa umaga, baby."

Napangiti ako saka humalik sa pisngi ni kuya. "I know right! Thank you, kuya kong pogi!"

"Tumigil na nga kayong dalawa. Ang co-corny nyo." Natatawang sabi ni mama kaya lumapit ako sakanya saka sya niyakap sa likod.

"Sus, si mama! Napaka-bitter! Sige na, maganda ka na rin ma!" Natatawa kong pang-aasar sakanya.

"Nako, umupo ka na ngang bata ka. Sumisipsip ka pa eh."

Humiwalay ako kay mama na nag-aasikaso ng agahan. "Ay mamaya na, ma. Mag jo-jogging kasi ako."

Tumingin sakin si kuya. "Oh? Sabay na tayo. Ako rin eh."

"Hala sige, gumayak na kayong dalawa at ng makabalik kayo agad. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain."

"Yes, mudra!"

Lumabas na kami ni kuya saka nag jogging hanggang sa mapagod na rin ako.

"Pahinga muna tayo kuya! Nakakapagod!"

Pawisan na rin si kuya kaya sya tumango.

Umupo kami sa tabi ni kuya saka uminom ng baon naming tubig. Halos masamid ako ng may nakita ako.

"Oh, Saab! Okay ka lang?!"

Napaubo pa ako ng ilang beses saka tumango.

"Good morning!" Lihim akong napakagat sa labi ko ng narinig ko yung boses nya. Nakita ko pa yung pag ngisi at pagtingin ng makahulugan sa akin ni kuya!

"Uy, Steven." Tumingin ako sakanila na nag fist bump. Yep, close sila kasi nagkakalaro sila sa basketball.

Tumingin naman si Steven sa akin. "Good morning, Saab. Ang tahimik mo yata?" Natatawa nyang sabi. Agad naman akong kinilig! Enebe!

"Uh, good morning Steven."

"Nako, ganyan yan kasi nakita nya yung crush nya." Natatawang sabi ni kuya kaya pinandilatan ko sya ng mata. Nakakahiya!!

"Ng ganito ka-aga?" Tumawa rin sya kaya napakagat ako sa labi ko saka nalang din tumawa.

-

Kumakain kami ngayon ni Lourrie sa isang fast food chain. Trip lang namin mag-mall. Kahit window shopping lang, hahaha.

"Huy, bakla! Tignan mo, oh! Si Steven! Kasama si Saiby."

Napatingin agad ako sa labas at nakitang magkasama nga silang dalawa. Napasimangot ako.

"Eh, tropa naman sila eh." Walang gana kong sagot. Ibang-iba kasi si Saiby sa mga poodles sa school. Sya, kaybigan ni Steven. Maganda, mabait, matalino, tapos close silang dalawa. Lagi silang magkasama. Ano bang laban ko sakanya?

"Ediba nga laging napagkakamalang sila?"

"Napagkakamalan lang, bakla. Napagkakamalan."

"Oh edi napagkakamalan lang! Happy na? Happy? Bitter ka lang eh." Inirapan ko nalang sya.

Napatingin ako sa labas, nandoon pa rin sila at nagtatawanan pa. Hay, sila nga kaya?

"Oh ang mata. Baka matunaw yung dalawa eh."

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Where stories live. Discover now