Chapter 8

2.5K 90 2
                                    

Mika's POV

"Mika?" Tawag sakin nung nakasakay dun sa sasakyan.

"Sungit?" Tawag ko naman sa kanya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong naman niya sakin.

"Nag-aabang ng taxi...pauwi na sana ako eh.." sabi ko naman sa kanya.

"Ganun ba? Sakay na.. hatid na kita.."

"Hindi na,... maabala pa kita.."

"Sakay na sabi... bilis! Nakakaabala tayo o, nakaharang yung sasakyan ko.."

Sumakay naman na ako... Nakakahiya naman sa mga nasa likod dahil binubusinahan na nila si Vic.

"Sasakay ka din pala, pakipot ka pa.." sabi niya sakin.

"Ahh ganun.. hoy sungit.. itigil mo tong sasakyan, bababa na lang ako.."

"Hindi na pwede... nakasakay ka na eh.." sabi niya naman sakin at pinagpatuloy niya yung pagdadrive.

Mas tumindi yung traffic kumpara kanina dahil na rin siguro sa lakas ng ulan. May konting baha na rin sa ibang mga lugar.

"Hay grabe ang traffic!" sabi ko kay Vic.

"Ganun talaga... baha na sa ibang lugar eh dahil sa lakas ng ulan." sabi naman ni Vic.

"Alam ko na Vic.. laro tayo." suggest ko naman kay Vic.

"Laro? Paano tayo maglalaro eh nakita mong nagmamaneho ako." sabi naman niya sakin.

"Wag kang mag-alala safe naman tong laro na naisip ko."

"Ano bang naisip mong laro?" tanong naman niya.

"Isang tanong, isang sagot... ganun lang kadali.."

"Huh? Anong klaseng laro naman yan?"

"Hmm.. basta masaya to.. parang getting to know stage... Kasi diba.. magkaibigan na tayo pero we know little about each other."

"Ayoko nga, ikaw lang naman ang nagdeclare na magkaibigan na tayo eh.." sabi naman niya.

"Sige, deny pa more... If I know deep inside, gusto mo rin ng kaibigan na tulad ko. haha.."

"Sige na nga.. parang may magagawa naman ako. Hindi mo naman ako titigilan diba?"

"Hindi.. hahaha.. okay, game?" tanong ko sa kanya.

"Game..." sabi naman

"Hmmm... ano kayang itatanong ko? hmmm... anong natapos mong course nung collage?"

"BS Entrep.. Ikaw?"

"BS Psych. Sinabi ko na sayo yun eh.. Ikaw ha.. di ka nagpapay ng attention.. tsk.. Saang school?"

"DLSU, Ikaw?" tanong niya ulit.

"Wow. pareho tayo. Bakit di man lang tayo nagkikita?"

"Hindi ko alam.. mahilig lang siguro akong magtago.. ikaw ba?"

"Tumatambay naman ako sa school paminsan kasama ko yung mga friends ko. may sport ka ba na nilalaro?"

"I used to play volleyball nung high school ako, but after the accident tumigil na ako. ikaw?"

"Volleyball din.. Laro tayo minsan.. Yung friends ko din naglalaro ng volleyball.. Ang galing.. ang dami nating pagkakapareho.. hmm.. Ilan kayong magkakapatid?"

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon