Chapter 24

2.7K 106 22
                                    

Mika's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng bahay ni Vic. Kakatapos ko lang mag CR. Pagkalabas ko ay nakita ko si Kim.

"Oh, Kim.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ah, tinulungan ko na si Nanay Ising na ihanda tong pulutan natin.." sabi niya sakin.

"Ganun ba? Tulungan ko na din kayo." sabi ko kay Kim.

"Nako, hindi na.. okay na.. patapos na rin naman." sabi ni Kim.

"Sure ka?"

"Oo naman.." sabi ni Kim at nilagay na yung mga pagkain sa tray. "Mika.. thank you pala ha.."

"Thank you? para saan?" tanong ko naman sa kanya.

"Sabi ni Vic kasi, sayo daw ako mag thank you." sagot ni Kim.

"Bakit ka naman daw mag thathank you sakin?" tanong ko ulit.

"Ikaw daw ang dahilan kung bakit niya ako pinag leave.. Kaya thank you.." sabi ko sa kanya.

"Nako, wala naman akong ginawa Kim.. kinausap ko lang siya." sabi ko naman.

"Yun nga yung ginawa mo.. kinausap mo siya.. Alam mo ba Mika.."

"Ye na lang.. magkaibigan na naman tayo eh..."

"Okay, Ye. Alam mo ba.. walang pinakikinggan dati yan si Vic.. Ilang beses na yang pinagsabihan ni Nanay Ising, ni Manong Gerry, at kahit yung daddy niya.. Pero hindi pa rin siya nakikinig. Gagawin niya lahat ng gusto niya. Pagsinabi niyang hindi, hindi. Pag ayaw niya, ayaw niya. Walang pwedeng bumali sa mga utos niya. Simula nung magkita ulit kami nung college ganyan na siya. Nung una hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun.. nagulat ako kasi ang laki talaga ng pinagbago niya. Malayong malayo yung kababata kong Vic, sa school mate kong Vic nung collage."

"Bakit? Paano ba siya dati?"

"Si Vic yung pinakamabait at matulunging bata na nakilala ko.. Pag may kalaro kami na binubully, siya yung nakikipaglaban para sa kanila. Ang tapang tapang niya nun. Masunurin siya sa magulang at magalang. Lagi siyang nakikinig sa sinasabi ng magulang niya. Lagi niya ring sinasaalang alang ang nararamdaman ng ibang tao bago siya magsalita o kumilos. At higit sa lahat, napakamasayahin niya. Lagi siyang nakangiti. Pero nung collage, lahat yun nagbago. Ibang ibang Vic yung nakaharap ko nun.."

"Woow.. hindi ko maimagine na ganun si Vic ah.." sabi ko kay Kim.

"Kaya nga Ye eh.. Gusto ko nga sanang tanungin sayo kung anong gayuma o potion yung pinainom mo kay Vic?" tanong ni Kim.

"Ano? Gayuma o potion? Bakit ko naman siya papainumin ng ganun?"

"haha.. to naman.. nagbibiro lang.. kasi naman, napansin ko lang.. simula nung makilala ka ni Vic parang ang daming nagbago sa kanya eh."

"Nako, di na kailangan ng gayuma Kim..Charm yung tawag dun.. tong ganda kong ito, ito yung magpapabago sa kanya... hahaha" pabirong sabi ko kay Kim.

"Hahaha.. Tara na nga dun Ye.. Baka maniwala pa ko sayo pag nanatili tayo dito eh.." sabi ni Kim.

"Grabe ka Kim.. hahahah."

Pumunta na kami ni Kim sa garden nila Vic. Pagdating dun ay naabutan namin na naghahabulan yung kambal.

"Anong nangyari sa dalawang yun?" tanong ko kay Carol at Vic.

"Nagbibiruan.. eh napikon yung isa.. ayun.. naghahabulan sila." sabi ni Carol.

"Ahhh.. hahaha.. yang dalawang yan talaga oh.." sabi ko na lang.

Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now