Chapter 25

3K 95 22
                                    

Vic's POV

"Mika! Uy, ano ba? Hindi ka naman nakikinig sakin eh.." nakakainis kasi.. Kanina pa ko daldal ng daldal dito, hindi naman pala nakikinig. Kanina pa yan eh. Nung pagdating ko dito sa dining area, tulala. Nag good morning ako, walang good morning din. Kapag ako yung hindi bumabati din sa kanya, sobra kung magtampo. Kung di pa ko mag snap ng finger, eh hindi pa ko mapapansin. Tapos okay na sana, bigla namang may nagtumawag sa kanya.

"Sorry Vic.. Ano nga yun?" Sabi niya.

"Sabi ko, uuwi ako ng----"

*kring kring*

"Wait lang Vic ha.. sagutin ko lang to.."

"Oh, Je.. nagbebreakfast na nga ako.. hindi nga pwede.. bawal nga boys dito.. basta, secret... tonight?..." sabi ni Mika sa kausap niya. Si Jeron na naman pala.. nakakainis ha. Sira na agad yung araw ko. Makaalis na nga lang. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis na.

"Uy, san ka pupunta?" Sigaw ni Mika.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako.

"Manong Gerry, sa dati.. kakausapin ko lang si attorney."

Umalis na kami ni Manong Gerry sa bahay. Nadaanan namin yung A's café.

"Manong, hinto muna tayo dito.."

Huminto muna ako dito sa café para makapag kape.. Hindi kasi ako masyadong nakapagbreakfast kasi nga dahil kay Mika. Pumunta ako sa counter para umorder. Tapos pumunta na ako sa wall of positivity para magpost ulit habang hinihintay ko yung order ko.

"Oh, classmate.. nagpopost ka din diyan?" Sabi ni Carol.

"Uy Carol.. hindi ah.. ano.. nagbabasa lang din ako. Hinihintay ko pa order ko eh.. ayan sakto nag buzz na.. wait lang ah.." whew buti na lang nakalusot.

Kinuha ko na yung order ko at umupo na ako. Tinabihan naman ako ni Carol.

"Vic, si Mika? Bakit di yata kayo sabay pumunta ngayon?" Tanong ni Carol. Nang marinig ko yun ay nainis na naman ako.

"Oh, bakit bigla kang sumimangot? Nagaway ba kayo?" Tanong ulit ni Carol.

"Hindi ah.. bakit naman kami mag-aaway.." sabi ko kay Carol.

"Eh bakit parang galit ka." sabi ni Carol sakin.

"Haay.. eh paano ba naman Carol.. pag siya yung hindi mo papansinin o hindi mo man lang babatiin ng good morning, good night.. yung ganun ba.. sobra kung magtampo.. tapos pag siya.. yung hindi mamamansin okay lang... ano ba naman yun?"

"Bro.. clingy lang talaga si Mika.. kahit tanong mo pa yung kambal.." sagot naman ni Carol.

"Andun na ko Carol.. pero ano ba naman yung pansinin ka man lang diba... ako isang sabi niya lang ginagawa ko naman.. tapos siya... magtext lang si Jeron, deadma na sakin.. at eto pa.. hindi pa nakuntento sa text.. tumawag pa.. nandun naman ako, bakit kailangang may iba pa siyang kausap..." sabi ko kay Carol.

"Ayun.. eh di lumabas din ang totoo.. selos ka no?" Tanong ni Carol sakin.

"Hindi ako nagseselos.. naiinis ako... magkaiba yun.. tsaka bakit naman ako magseselos?" Sagot ko kay Carol.

"Kasi nga boss, gusto mo siya.." sabi ni Kim na biglang sumulpot sa likuran namin.

"Yan ka na naman Kim eh.. hindi nga sabi.." sabi ko kay Kim.

"Hindi lang pala ako yung nakakahalata.. hahahaha" sabi naman ni Carol.

"Pati ba naman ikaw?" Tanong ko kay Carol.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon