Chapter 43

2.3K 82 22
                                    

"Good morning world!" bati ko sa sarili ko pagkagising ko. Tumingin ako sa side ni Vic. Nagulat ako na wala siya sa tabi ko. Heto na naman ba tayo.. Wala na naman ba siya? Maghihintay na naman ba ako ng matagal sa kanya? Saan na naman pupunta yun? WAAAAAAAAH! Nakakainis ah.. ang sweet sweet kagabi tapos mawawala na naman siya ngayon! Nagtalukbong na lang ako ng kumot. Wala na. Nawala na yung mood ko for today! Uuwi na lang ako!

Habang nageemote ako dito sa kama ay narinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto ng kwarto. Hala.. sino to? Bakit bukas yung pinto namin. Grabe naman tong si Vic.. mangiiwan na nga lang, hindi pa iiwang sarado ang pinto. Naramdaman ko namang na umupo yung pumasok sa tabi ko. Grabe, yung tibok ng puso ko! huhu.. Help me.

"Good morning love!" malakas na sabi nung pumasok sa kwarto namin sabay inalis yung talukbong sa ulo ko.

"Ay love! Ano ba Vic.. bakit ba nangugulat ka?" sabi ko naman sa kanya.

"Eh, bakit ka naman kasi magugulat? Ano bang nangyari sayo?" tanong naman niya sakin.

"Kasi naman, akala ko kung sino na yung pumasok sa kwarto natin." sabi ko sa kanya.

"Haha.. sino namang ibang papasok dito?" sabi ko sa kanya.

"Wala! Ikaw kasi eh.. san ka ba galing?" tanong ko sa kanya.

"Nagluto ng breakfast! Eto oh!" sabay pakita niya sakin dun sa tray na nilagay niya sa bedside table.

"Wow.. nageffort ka pa talaga.. marami namang kainan diyan sa labas ah!" sabi ko sa kanya.

"Eh, namiss kitang ipagluto eh." sabi niya sakin na siyang dahilan kung bakit namumula yung pisngi ko ngayon.

"Sus, ikaw kasi eh.." sabi ko naman sa kanya. "Tara na, kainin na natin yan.. namiss ko din naman luto mo."

Kinain na namin yung niluto niya for me. Sinusubuan pa nga ako ng lola niyo. Para akong bata. Ang sweet talaga ng love ko.

"Love, anong oras tayo uuwi?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Bakit gusto mo na ba?" tanong niya sakin.

"Ayaw pa.." sabi ko sa kanya.

"Hahaha... see ayaw mo pa tapos tinatanong mo na ko" sabi niya sakin.

"ehh.. wala lang natanong ko lang naman." sagot ko naman sa kanya.

"Hmmm.. wag na tayo umuwi.. dito na lang tayo.." sabi niya sakin sabay taas ng dalawang kilay.

"Hoy Galang! ano yang iniisip mo ha!" sabi ko sa kanya.

"Wala no.. bakit? Ano bang gusto mong isipin ko? hahaha" panunukso niya sakin.

"Wala.. tss.. alam mo namang hindi ako pwedeng magstay dito.. may negosyo ako sa Manila at sa Tagaytay." sabi ko sa kanya.

"Eh di paasikaso natin sa iba.." sabi ko naman sa kanya.

"Hindi pwede!" sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo na ba akong kasama?" sabi niya sabay pout.

"Che! wag ka ngang magpout dyan.. baka--"

"Baka ano? hahaha" sabi naman niya sakin sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Wa-wala..." sabi ko sabay tulak sa kanya.

"Aray ha.." sabi naman niya.

"Ikaw kasi eh.." sabi ko naman sa kanya.

Pagkatapos naming magbreakfast ay napagdesisyunan na lang namin na maglakad lakad sa may seashore.. HHWW ang peg naming dalawa. Habang naglalakad kaming dalawa ay may nakasalubong kami na dahilan naman kung bakit nagiba ang mood ni Vic.

"Ara anak.." sabi nung babae na nakasalubong namin. Siguro siya yung tinutukoy ni Vic na nanay niya.

"Sinusundan mo ba ako? Sabi ko naman sayo diba? Tigilan mo na ako." sabi ni Vic. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya para pakalmahin siya.

"Vic.. calm down.. Nanay mo pa din yan.." sabi ko sa kanya.

"Wala akong Nanay.. matagal na akong iniwan ng nanay ko.." sabi niya sakin.

"Ara, hindi kita sinusundan.. nagkataon lang na dito din kami ng mga kaibigan ko.." sabi ng nanay ni Vic.

"Tss.. yeah right.. do you expect me to believe you?" sabi ni Vic. Sabay bitaw sa kamay ko at nauna ng maglakad.

"Ma'am, pasensya na po kayo.. ganyan lang po talaga yan minsan.." sabi ko.

"Wala yun iha.. naiintindihan ko naman..." sabi niya sakin..

"Mikaaaaa! Tara na!" sigaw ni Vic mula sa malayo.

"Sige po Ma'am.. Una na po ako.." sabi ko sa Mom ni Vic.

"Iha.." sabi nung nanay ni Vic at hinawakan niya yung kamay ko. "Ikaw na muna bahala sa anak ko ha.."

Napatingin na lang ako sa kanya at napahinto. Bigla ko namang naramdaman na may nagalis ng kamay ng nanay ni Vic sa kamay ko at hinatak ako paalis.

"Aray Vic.. nasasaktan ako.." sabi ko sa kanya.

"Wag kang makikinig sa kahit anong sasabihin niya sayo Mika! Wag mo na siyang kakausapin." sabi niya sakin habang hawak pa rin niya ng mahigpit yung wrist ko.

"Vic.. masakit." sabi ko sa kanya. She finally came back to her senses at binitawan ako.

"Sorry Love.. sorry.. hindi ko sinasadya.." sabi niya sakin.

"Naiintindihan ko yung nararamdaman mo Vic. naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan.." sabi ko sa knaya at niyakap ko siya. Mas kumalma naman siya nung ginawa ko yun. "Gusto mo bang umalis na tayo dito?"

Tumango lang siya. Nginitian ko naman siya at hinawakan ang kamay niya. Nagpunta na kami sa room namin at nagayos na.

"I'm sorry Miks.." sabi niya.

"Sorry saan?"

"I'm sorry that we have to cut this trip short." sabi niya.

"Okay lang Vic.. Naiintindihan ko." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos naming mag-ayos ay kinausap lang ni Vic yung kaibigan niya na may-ari ng resort pagkatapos ay umalis na rin kami. Sa bahay kami dumeretso. Tinulungan ako ni Vic na ibaba yung mga gamit ko sa bahay.

"Thank you for today Vic." sabi ko sa kanya.

"Kanina ka pa nag thathank you ah..." sabi niya sakin.

"Eh.. masama ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi.. pero isang thank you mo pa.. hihingi na ako ng kapalit." sabi niya sakin sabay tingin ng nakakaloko.

"Fine.. hindi na ako.. mag thathank you! hahaha" sabi ko sa kanya.

"Stay here for lunch Vic.." sabi ko sa kanya.

"Lunch lang?" sabi niya sakin.

"hahaha.. Fine, stay here as long as you want.." sabi ko sa kanya.

"Kahit hindi mo naman sabihin.. magstay naman talaga ako. haha" sabi ni Vic.

Nandito lang kami sa sala ngayon. Nagpapalipas ng oras. Katatapos lang kasi naming maglunch. Nagpadeliver na lang kami kasi alam ko namang pagod sa pagdadrive yung cook ko. hehehe. Nanonood lang kami ng movie ngayon. Nakaupo lang ako, habang si Vic naman ay nakaunan sa lap ko. Nakapikit na siya ngayon. Nakatulog na yata.. Pagod na din kasi to eh.

Maya maya ay nagring ang phone ni Vic. Nasa may side table lang naman ito kaya chineck ko. Baka mamaya si Kim lang to. Chineck ko naman yung phone, hindi si Kim yung tumatawag.. Hindi si Kim, kundi si Tin. Naramdaman ko naman na medyo gumalaw ng kaunti si Vic kaya binaba ko na ulit sa mesa yung phone niya. Umupo na siya at chineck kung sino yung tumawag. Nakita kong nanlaki yung mata niya nung makita niya. Tumayo siya bigla at lumayo sa akin. Kailangan talagang tumayo?

Pagkatapos makausap ni Vic yung tumawag sa kanya ay bumalik siya sa akin at nagbeso siya.

"Love, I have to go!" yun lang yung sinabi niya at nagmamadali siyang umalis.


Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now