Chapter 27

2.5K 95 17
                                    

Mika's POV

Nandito lang ako sa may sala ni Vic. Iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon yung sinabi nung tatlo sakin kanina. Nagseselos nga kaya talaga siya. Gusto niya kaya ako? Nagtatampo kaya talaga siya sakin? Haay.. Nakakainis.. bakit kanina ko pa siya iniisip? Tignan mo oh.. gabi na wala pa siya. Saan ba kasi nagpunta yun..

"Oh iha.. hindi ka pa ba matutulog.. gabi na ah.." sabi sakin ni Nanay Ising.

"Hindi pa Nay.. hintayin ko lang si Vic.. gabi na hindi pa umuuwi.." sabi ko kay Nanay.

"Nako iha.. baka mamaya pa yun.. ang balita ko kay Gerry eh lumuwas daw ng Maynila.. hindi ba niya nabanggit sayo?" sabi ni Nanay Ising.

"Ganun po ba? Hindi po eh.." sagot ko kay Nanay Ising.

Umalis na si Nanay Ising at ako ay nandito pa rin sa sala. Nanonood lang ako pero hindi ko naman maintindihan yung pinapanood ko.. Kasi iba naman yung tumatakbo sa isip ko. Ang tagal ni Vic. Buti na nga lang at katext ko si Jeron para naman hindi ako masyadong mainip sa kakahintay sa kanya. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng antok. Pinipilit kong labanan pero parang hindi ko kaya..

Unti unti kong dinilat yung mata ko. Pakiramdam ko ay may nakatitig sakin. Nagulat ako sa nakita ko pagdilat ng mata ko. Gising na ba ako o baka naman nananaginip lang ako. Yan kasi Mika. Isip ka ng isip sa kanya.. ayan tuloy.. pati panaginip mo siya pa rin. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Okay lang naman diba.. panaginip ko lang naman to. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Pero ako hindi pa rin ako gumagalaw, again.. okay lang naman siguro panaginip lang naman to. Pinikit ko na ang mata ko, parang damang dama ko yung moment. Yung tibok ng puso ko naman pabilis ng pabilis. Hinihintay ko na lang na maglapat yung mga labi namin.

*kring kring*

Ano ba yan? Sino ba yung istorbo na yan? Ayun na eh.. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Umupo na ako at kinuha ko ang cellphone ko.

"Je? Gabi na ah.. napatawag ka?" sagot ko sa tumawag sa cellphone ko.

Naramdaman ko naman na may gumalaw sa harap ko kaya tinignan ko. Pagtingin ko sa harap ko nandun si Vic. Nagulat ako, as in sobra! Ibig sabihin ba nito hindi panaginip yung kanina.. Oh no! Nakakahiya. Pero teka, bakit niya gagawin yun? totoo ba to? Bigla siyang tumayo. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Aalis na sana siya ng hinawakan ko ang wrist niya. Totoo nga siya. Humarap siya sakin at nag mouth ng 'what'. Pero di ko muna siya sinagot. Si Jeron muna.

"Sorry, Je nakatulog kasi ako.." sagot ko sa tanong ni Jeron kung bakit hindi daw ako nagreply na.

"Okay lang.. bukas ye ah.. tatanung ko lang din sana kung sunduin na lang ba kita?"

"Ahh.. tungkol ba dun? Sorry Je..I think we need to cancel that..something important came up.." sabi ko at binaba ko na yung telepono. Wala naman talagang "something important" pero someone important meron.. hahaha. Ayoko lang muna na ituloy yung lakad namin. Baka kasi lalong magtampo tong isa.

Pagkatapos ng usap namin ay hinila ko na si Vic palapit sakin at niyakap ko siya. Namiss ko to eh. Kahit kaninang umaga lang kami huling nagkita, ramdam ko na namiss ko siya. Nako, iba na yan ye! Eh kasi naman eh.. walang paramdam the whole day.

"Masyado mo yata akong namiss?" sabi naman ni Vic sakin. Hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tumango na lang ako habang nakabaon pa rin yung ulo ko sa balikat niya.

"Ang clingy mo yata ngayon Miks.. parang kanina lang hindi mo ko pinapansin ah." sabi ni Vic. Tama nga sila Kim.. nagtatampo nga to. Gamitin mo ang charm mo Miks! Go!

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ko siya sakin.

"Tama nga sila Kim.. nagtatampo ka nga..." sabi ko sabay pout.

"Wag ka ngang maniwala diyan kina Kim. Hindi ako nagtatampo okay. Pumunta ka na sa kwarto mo.. Matulog ka na." sabi naman sakin.

"Hindi daw.. eh bakit ang cold mo ngayon." sabi ko sa kanya.

"Ye, malamig lang talaga yung panahon. Sige na.. matulog ka na,.. mukhang may lakad pa kayo ni Jeron bukas. Baka mapuyat ka pa..Nakakahiya naman sa kanya" sabi niya sakin. Talagang mainit dugo nito kay Je ah.. Nagseselos nga ba talaga siya?

"Hindi mo ba narinig? Kinancel ko nga.." sabi ko.

"Sige na Miks, pumunta ka na sa kwarto mo.. matulog ka na.. antok na rin ako.." sabi ni Vic. Aahhhh.. hindi nga sya nagtatampo.

"Ayoko.. nagtatampo ka eh..." sabi ko sa kanya.

"Bahala ka nga dyan.." tumayo na si Vic.

"Yan ka na naman eh.. iiwan mo na naman ako eh.. aalis ka na naman ng walang pasabi" sabi ko.

"Ye, nagsabi ako... ikaw tong busy sa manliligaw mo kaya di mo ako pinapansin.." sabi ni Vic.. Napangiti ako sa sinabi niya. Medj napatawa ako ng konti.. Confirmed na ba guys? Nagseselos nga siya. Ang cute naman magselos ng Vic ko. Wow.. inangkin ko talaga.. haha "tapos ngayon tinatawanan mo pa ko.. bahala ka na nga dyan.."

Tuluyan na siyang naglakad papanik sa kwarto niya. Pero syempre hinabol ko siya at nag back hug ako sa kanya.

"Ano ba Miks? Bitaw nga.. antok na ko... gusto ko nang matulog.." sabi niya. Pero hindi ko siya binitawan. Lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry na Vic.. hindi naman kita pinagtawanan.. ang cute mo kasing magtampo.."

"Hindi nga kasi a---"

"Wag mo ng ideny.. huli ka na eh.."

"Bitawan mo na ako Mika.. kung gusto mo ng kayakap.. dun ka sa Jeron mo.."

"Yun ba talaga yung gusto mo? Okay lang ba sayo na siya yung yakapin ko?"

"A-ano.. ba-bahala ka.. kung yu-yun yung gusto mo.." ang cute talaga nito..

"Shhhh... ayoko nga siyang yakapin.. ikaw gusto ko.." ano yun Mika? Parang napaamin ka ng wala sa tamang oras.. akala ko ba dalagang Pilipina tayo... " ikaw gusto kong yakapin ngayon.. ganito lang tayo muna.. namiss kita eh.." lumusot lang ako ng konti.. hahaha.. Naramdaman ko naman na medyo nag loosen up na siya.

"Vic.. sorry na okay.. hindi na mauulit... wag ka ng magtampo please... hindi ko na siya itetext pag kasama kita o kahit sagutin tawag niya.. ayoko din kasi na may nagtatampo sakin lalo na kaibigan ko.." narinig ko namang nagbuntong hininga si Vic at mahina niyang inulit yung salitang kaibigan.. uhm.. mali ba yung sinabi ko? "kaya please wag ka ng magtampo sakin."

Tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya at humarap na siya sakin. Niyakap niya lang ako tapos ay hinalikan niya yung noo ko. Tumingin ulit siya sakin at sinabing.

"Tulog na tayo.."

Saka siya naglakad papunta sa kwarto niya. Okay na ba yun? Okay na ba kami? Pumunta na rin ako sa kwarto ko. Nagtoothbrush, naghilamos at nagpalit na ako ng pantulog. Humiga ako sa kama ko pero hindi ako makatulog. Okay naman na diba? Okay na naman kami diba? Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Vic. Huminga ako ng malalim tapos ay inikot ko yung door knob. Bukas naman kaya pumasok na ako. Nakita ko namang nakahiga na siya sa kama. Tulog na ba to? Ang bilis naman. Pagod na siguro to. Tumabi na ako sa kanya at niyakap ko na siya.

"Okay na naman tayo Vic diba? Okay lang naman na tumabi ako at yakapin kita diba? Alam mo Vic.. lately hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko pag kasama kita.. sobrang saya ko. Tapos sobrang kinikilig ako sa mga simple gestures mo. Bago sakin yung ganitong pakiramdam kaya nalilito ako. Sinasabi ng barkada na gusto kita.. siguradong sigurado nga sila eh.. buti pa sila. Basta ako ang sigurado ko lang eh masaya ako pag kasama kita, nalulungkot ako pag nagtatampo ka sakin, bumibilis ang tibok ng puso ko pag kasama kita. Tama ba na ganito yung maramdaman ko para sayo? Ganito din ba yung nararamdaman mo? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito Vic.. ngayon lang at sayo pa.. Sayo na nangako sa sarili niya hindi na siya magmamahal ulit. Paano na Vic? Paano kung gusto na kita? Paano kung mahalin na kita? Hindi mo ba ko sasaluhin? Hindi mo ba ko mamahalin? Vic kasi kung hindi, stop sending me signals. Lalo lang akong nahuhulog eh.. ang daldal ko ba? Hahaha.. good night Vic.. see you in my dreams...."



Two Worlds CollideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora