Chapter 3

5K 201 20
                                    


ARA

She could hear the whispers around her but she paid them no mind. Hindi nila naiintindihan ang kinalalagyan niya. Wala silang alam sa buhay niya pero wala silang ibang magawa kundi husgahan siya. 

Tatlong linggo na ang lumipas mula noong umalis siya ng mansyon. Lumipat narin siya ng eskwelahan kasabay ng paglipat niya ng tirahan. Isang linggo na siya sa kanyang bagong eskwelahan at sa loob ng linggong iyon ay nabansagan na agad siyang baliw.

Manonood sila noon ng palabas sa klase. Noong papatayin na ang ilaw ay nagpanic siya. Takot siya sa dilim. Hindi siya maaring magtagal dito dahil delikado para sa kanya. Simula noon ay iniiwasan na siya ng kanyang mga kaklase at tinatawag ng kung ano anong pangalan.

Tahimik lamang siyang nakikinig sa kaniyang guro ng mayroong lalaking pumasok. Sa isang linggo niya dito ay ngayon niya lamang ito nakita. Nakasuot ito ng kanilang uniporme kaya sigurado siyang studyante ito dito. Kulay abo ang mga malalamig nitong mata. Magulo ang buhok nitong kulay kape. 

May inabot itong papel sa kanilang guro. Habang hinihintay nitong basahin ng kanilang guro ang papel ay nakita niyang nililinga ng lalaki ang mata nito sa klase na tila may hinahanap ito. Maya maya ay dumako ang mga mata nito sa kanya. Nakita niyang nangunot ang noo ng lalaki saglit bago siya nito titigan ng malamig.

Ibinalik na ng guro ang papel sa lalaki at walang salita itong naglakad papunta sa mga bakanteng upuan sa likuran. Nang dumaan ito sa kaniyang upuan ay tumigil ang lalaki.

"Mayroong nakasunod sayong anino."sabi nito sa kanya bago ito dumiretso ng lakad. Mabilis niyang nilingon ang lalaki pero walang emosyon ang mukha nito at hindi man lang ito nakatingin sa kanya. Diretso ang tingin nito sa harap na tila wala itong sinabing kakaiba sa kanya.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad niyang hinabol ang lalaki.

"Sandali!"sabi ni Ara sabay hawak sa braso ng lalaki upang pigilan ito. Walang ekspresyon ang mukha nito ng lingunin siya nito.

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina?"tanong ni Ara sa lalaki. Imbes na sagutin ay tinitigan ng lalaki ang anino ni Ara.

"May kasama ang anino mo. Hindi mo ba nakikita?"tila bagot na sabi nito. Halos manlamig si Ara sa kanyang nadinig. Nilingon niya ang kanyang anino at nakita niyang mag-isa lang naman ito.

"A-Anong s-sinasabi mo?"nauutal na tugon ni Ara.

"Maniwala ka man o hinde, wala akong pakialam. Mas mabuti rin siguro kung ito na ang huling beses mo akong lalapitan o kakausapin. Ayokong madamay sa kung ano mang gulo ang pinasukan mo."malamig na sabi ng lalaki bago nito tabigin ang kamay ni Ara na nakahawak sa braso ng lalaki. Tinitigan ni Ara ang likod ng lalaking papalayo hanggang sa hindi na niya ito makita.

Maari kayang nakita na siya ni Zack? Totoo ba ang sinabi ng lalaki? Napakagulo ng kanyang isipan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala o hinde. Napakagulo. Maglalakad na sana siya papunta sa susunod niyang klase ng mayroong siyang makitang bagay sa sahig. Pinulot niya ito at tinitigan. Isang ID.

Calvin M. Alferos

Ito ang unang nabasa ni Ara. Sa itaas nito ay nakita niya ang larawan ng lalaking kausap niya kanina. Muling tinignan ni Ara ang direksyong pinuntahan ng lalaki at binulsa na niya muna ang ID. Pagkatapos nito ay agad siyang tumakbo papunta sa susunod niyang klase.

CALVIN

Pagtapak pa lamang niya sa loob ng silid ay kakaiba na ang kanyang naramdaman. Tila napakabigat ng pakiramdam niya sa kwarto. Sigurado siyang may mali kaya naman ay nilinga niya ang kanyang mata sa kwarto. Tinitigan niya ang mga mukha ng kanyang mga kaklase hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa isang hindi pamilyar na mukha. Nangunot ang kanyang noo. Sino itong babaeng ito na nakatingin rin sa kanya?

May mali sa babaeng ito. Hindi sinasadyang napadako ang tingin niya sa likuran ng babae at agad na nagdilim ang kanyang mukha. Paanong hindi niya ito napansin agad ay hindi niya alam. Sa likod ng babae ay isang kumpol ng anino. Tinitigan niya ng malamig ang babae. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng babaeng ito upang sundan ito ng napakaraming anino pero sigurado siyang hindi ordinaryong nilalang ang binangga nito.

Nang ibalik ng kanilang guro ang kanyang excuse letter ay walang imik siyang naglakad papunta sa mga bakanteng upuan sa likuran ngunit bago siya dumiretso dito ay tumigil siya sa upuan ng babae upang babalaan ito.

"Mayroong nakasunod sayong anino."babala niya dito. 

Nang matapos ang kanilang klase ay kinausap siya ng babae. He stared warily at the shadows following the girl as he talked to her. Mabilis niyang tinapos ang kanilang usapan. Delikado ang babaeng ito. He could sense something else aside from the shadows. Something much more powerful and dangerous. 

His footsteps echoed in the empty hallway. Lahat ng estudyante ay nasa kanikanilang klase na. Nararamdaman niyang mayroong nakasunod sa kanya ngunit nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha. Minutes later he heard the thing that is following him.

Nadinig niya ang malalamig na bulong ng tatlong aninong nakasunod sa kanya. He stared impassively at the three shadows that continue to circle him. Inaasahan na niya ito. Pagkatapos ng pag-uusap nila ng babae ay imposibleng walang kumapit sa kanyang anino.

"Damned souls."iritableng bulong niya sa sarili habang nakatingin sa mga anino. The first shadow lunged for him. Inangat niya ang kanyang kamay at ng dumikit dito ang anino ay isang liwanag ang lumabas sa kanyang kamay. He watched as the first shadow dissolve. The other two hissed at him before attacking. Just like what he did the first time. He touched them until they dissolved into nothing. He watched the shadows dissolve with a sneer on his face.

"Stupid damned souls."he muttered under his breath before he continued walking like nothing happened.

He hates the dark. He despise it.

Naglakad siya papunta sa isang silid. Pagkabukas niya ng pinto ay naabutan niya ang apat na lalaking prenteng nakaupo sa mga silya.

Ang isang lalaki ay kulay pilak ang buhok at mayroon itong pilak na hikaw sa tenga. Nakataas ang mga paa nito na tila bagot na nakatingin sa kanya. Ang isa naman ay mukhang mas bata. Sa unang tingin ay isa lamang itong high school student. Kulay itim ang buhok nito at tila gumagalaw na tubig ang kulay asul nitong mga mata. Isang malapad na ngiti ang makikita sa mukha ng lalaki. Kulay pula naman ang buhok ng isa pang lalaki at matatalas ang mga mata nitong kulay itim. Walang emosyon itong nakatingin kay Calvin. Ang huling lalaki ay kulay kape ang buhok tulad ni Calvin ngunit ang mga mata nito ay kulay amber. A lazy grin was on its face as it stared at Calvin.

"Someone trespassed in our territory."bungad ni Calvin sa apat.

"Then lets chase them out."sabi ng lalaking kulay kape ang buhok habang nakangisi kay Calvin.

-------------------------------------------------------------------

A very short update. Sorry guys! Pasko eh. Family time so yeah. Sorry! ^__^V Ano kayang papel ni Calvin at nung apat na lalaki? Abangan! XD

By the way, Advance Merry Christmas!

VOTE|COMMENT|FOLLOW






Escaping DarknessWhere stories live. Discover now