Chapter 5

4.3K 154 30
                                    

ZACK
RED ROOM

Nababalot ng kadiliminan ang kwarto habang maingat na pinagmamasdan ni Zack ang kanyang paligid. Hindi niya makita ang kanyang mga kalaban ngunit dahil sa kadilimang bumabalot sa kanila ay nararamdaman niya ang mabibilis na pagkilos ng mga ito habang pinapalibutan siya.

Dahan dahan niyang hinayaang kumawala ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga kamay. Lumabas ang kulay itim na usok mula sa kanyang mga palad at kumalat ito sa loob ng silid. Nang madikit ito sa paanan ng kanyang mga kalaban, iginalaw niya ang kanyang kamay at gumapang ang itim na usok sa katawan ng mga ito. He heard them hiss then fall on the ground.

Umayos siya ng tindig at hinigop muli ng katawan niya ang kadilimang bumabalot sa kwarto. Pagkalipas ng ilang minuto ay tila walang nangyari sa pulang kwarto. Agad na nilulon ng mga anino ang mga walang buhay na katawan ng mga bampirang nagtangkang pasukin ang kanyang teritoryo. Wala itong itinira bukod sa nag-iisang bampirang may buhay pa. Bago siya magsalita ay tinitigan niya ang nag-iisang bampirang kanyang itinira. He could smell the vampire's fear from where he's standing and it filled him with a surge of strength. He is not just a creature of darkness. He is darkness itself. He feeds on the fears of those that surrounds him. He feeds on the very essence of their souls so he welcomed the vampire's fear and the power it brought him.

"Who sent you?"malamig na tanong ni Zack. Madidinig mo ang banta sa tatlong katagang binangit niya. The scent of the vampire's fear escalated but the vampire's lips remained shut.

Zack gritted his teeth. His patience is growing thin. He never was a man of patience. Nakita niyang ngumisi ang bampira sa kanya at agad na naubos ang iniipon niyang pasensya.

"Have you seen the horrors of the dark? Have you experienced the madness it can bring? Have you felt the coldness of death?"malamig na tanong ni Zack sa nakangising lalaki. Nag-iba ang timbre ng boses ni Zack. Tila nagmula ito sa ilalim ng lupa.

Alam ng bampira ang nagaganap. Zack's demon is rising. Agad na nabura ang ngisi ng bampira ng makita niya ang gintong mga mata ni Zack. The dark prince is here.

"Nakakatawa hindi ba? Nagkukubli ang mga bampira sa kadiliman ngunit hindi niyo ito kilala."sabi pa ni Zack habang unti unti nanamang gumagapang ang mga anino papunta sa bampirang kausap niya. The vampire started to sweat as its eyes darted around the room.

"Hayaan mong ipakilala ko ito sayo.."malamig na sabi ni Zack bago mabilis na pumasok ang itim na usok sa katawan ng bampira. He watched as the vampire screamed. He watched with cold eyes as slowly the vampire's veins turned black. When the vampire was on the brink of death, he withdrew his power.

The vampire coughed as he stared with Zack with fear. He tried to back away but Zack's shadows kept him in place.

"Im not going to ask again. Who sent you?"matalim na sabi ni Zack.

"S-Si m-master~~"bago pa man nito matapos ang sasabihin ay agad itong tinupok ng apoy.

Zack's eyes hardened when he saw what was left of the vampire he was interrogating. In its place is nothing but a white feather. Hindi na niya kailangan pang marinig ang sasabihin ng bampira upang malaman kung sino ang nagpadala ng mga ito. Sa nangyari sa bampirang ito ay kilala na niya agad kung sino ang mga salarin.

Dumiretso si Zack sa kanyang lamesa at kumuha ng isang manikang kulay itim. Ikinuyom niya ang kanyang kamay sa manika.

"Wrong move. Damn wrong move. Nobody picks a fight with me and gets away with it. Especially not those damn angels."he said through gritted teeth as his golden eyes gleamed with anger.

YOHAN

"Anong nasa isip mo?"tanong ni Rage sa binatang nakangisi habang pinapanood ang bawat pangyayari. Si Yohan ang nagpadala ng mga bampira sa teritoryo ni Zack. Alam niyang ang Fallen ang sisisihin nito sa oras na makita nito ang puting feather at hindi nga siya nagkamali.

Hindi sinagot ni Yohan ang diablo at sa halip ay kinumpas niya ang kanyang kamay sa salamin at nagbago ang imahe.

Makikita naman ngayon rito ang mga Fallen at si Calvin. Duguan ang mga ito habang nakagapos sa mga silya sa loob ng isang silid-aralan. Walang malay ang mga ito at napapalibutan ito ng mga anino. Napangisi si Yohan ng makita niyang nagkamalay na ang nakatatandang Alferos.

"Shit!"mura ni Marcus ng mapansin ang mga anino. Una nitong ginising ang kapatid na nakahiwalay ang pagkakagapos sa kanila.

"Calvin!"tawag nito. Unti unting nagmulat ng mata ang nakababatang Alferos. Ng masiguro ni Marcus na ayos lang ang kapatid ay ginising na niya ang tatlo pa nilang kasama.

Pinanood ni Yohan kung paano inatake ang lima ng mga aninong siya mismo ang gumawa.

"Damn that b@stard!"galit na sigaw ni Marcus habang pilit nilang pinoprotektahan ang kanilang mga sarili.

Mas lalong lumaki ang ngisi ni Yohan ng marinig niya ang sinabi ni Marcus. Alam niyang sa mga oras na ito ay iniisip nila na si Zack ang nagpadala ng mga anino. Mas lalo siyang natuwa ng makita niya ang galit sa mga mata ng mga ito. Nahirapan siyang kopyahin ang mga anino ni Zack kaya naman ay masaya siyang nagbunga ang paghihirap niya.

Ikinumpas niyang muli ang kanyang kamay at naiba nanaman ang imahe. Si Ara naman ngayon ang nasa salamin. Umiiyak ito habang paikaikang tumatakbo sa gubat. Sa likod nito ay mayroong dalawang hellhound na humahabol dito. Dinamba ito ng isa at pinanood ni Yohan kung paano bumagsak si Ara sa sahig. Nakangisi siyang habang pinapanood niya ang pagsigaw ni Ara habang nilalapa ang binti nito ng hellhound na si Yohan rin ang nagpadala.

"Come on Ara. Say it. Let me play for you..."nakangising bulong ni Yohan sa kanyang sarili. Isa na lamang ang kulang sa plano niya at mauumpisahan na niyang pabagsakin ang mga piyesa ng mga kalaro niya. Isa nalang ang kulang at iyon ay ang ibigay sa kanya ni Ara ang karapatan nitong maglaro. Pinanood niya kung paano umagos ang dugo ni Ara habang walang awa itong nilalapa ng hellhound na pinadala niya.

"Say it Ara... Say it..."nakangisi pa niyang bulong sa sarili. Mayamaya pa ay nadinig na niya ang hinihintay niya.

"YOHAN!!!"sigaw ni Ara bago ito tuluyang mawalan ng malay. He smiled triumphantly.

"Got you..."he smirked. Agad niyang pinuntahan ang dalaga. Pagdating na pagdating niya ay agad na tumigil ang mga hellhound at tumakbo paalis. Binuhat niya ang dalaga at dinala niya ito sa kanyang silid. Pagdating niya rito ay agad niyang tinawag ang diablo.

"Rage..."tawag ni Yohan at mabilis namang nagpakita si Rage.

"Fix her. Magagamit ko pa siya."sabi ni Yohan kay Rage bago niya binagsak si Ara na agad namang nasalo ng diablo. Si Yohan naman ay bumalik na sa kanyang kinauupuan. Tinitigan niya ang duguang babae na pinagagaling ni Rage ngayon at napangiti siya.

Simula ngayon, hindi na isang manlalaro ang dalaga. Dahil ibinigay na nito kay Yohan ang karapatan nitong maglaro, isa na lamang itong piyesa niya. Isa na lamang itong piyesang madali niya mamamanipula.

----------------------------------------------
Hey guys sorry ngyn lng ako nakapag-update. Naging super busy kasi talaga sa school. Pasensya na talaga. I'll try to update tomorrow para makabawi ako. Sorry!

VOTE|COMMENT|FOLLOW

Escaping DarknessWhere stories live. Discover now