Chapter 3 - Eyes Part 1

266 7 0
                                    

May mga pulis na dumating matapos yung nangyari kay Aleli kanina. Sabi ng mga pulis, wala daw silang nakitang mga ibang finger print sa kahit anong parte ng banyo, pati na rin sa baril na ginamit. Tanging finger print lang daw ni Aleli yung nakita dun. At sinabi din nila na suicide ang nangyari.

Ang pinapanindigan nila ay, siguro sa sobrang depressed ni Aleli, nagawa nyang magpakamatay na lang at hindi na nag hinala yung mga pulisya na isang pag-patay ang nangyari sa kanya.

Nandito pa din kami sa bahay nila Aleli, kasi kinakausap kami ng mga pulis tungkol sa nangyari. Pasado alas-nuwebe na rin ng gabi. Tinignan ko yung mga kasama ko, kumpleto pa rin kaming magkakasama. Ang iniisip ko kasi na, baka nandito lang yung pumatay sa kanya, oo hindi ko tanggap na suicide ang nangyari kay Aleli, feeling ko.. sinadya talaga syang patayin.

Pero sino at paano??

"Nag sisimula nanaman sila."

Napatingin kaming lahat kay Ayami nung nag-salita sya. Kami-kami na lang yung nasa living room nila Aleli ngayon, pero maya-maya aalis na rin kami.

"Tingin mo?" - Rhea

"Siguro, hindi suicide ang nangyari kay Aleli, siguro.. sila nanaman ang may gawa nito." - Ayami. Napatahimik kami saglit nung pagtapos nyang magsalita. "Tulad na nga lang ng sinabi ni Zeya na, may napansin syang tao sa labas ng bintana. Baka yun yung pumatay sa kanya." Dagdag nya.

Oo, nasabi ko na din sa kanila yung napansin kong tao sa may bintana kanina. At lahat kami, alam naming hindi suicide ang nangyari kay Aleli, pero.. wala saming nag salita tungkol dun. Sabi nila, mas mabuti na raw na, suicide ang pagkamatay ni Aleli kesa sa murder. Kasi alam nilang hindi mahahanap ng pulis kung sino ang pumatay sa kanya.

Sa pagpapapatay pa nga lang eh, malinis na. Walang kahit anong naiwan na ebidensya.

"Guys, tignan nyo 'to." Napatingin naman kami kay Than nung may pinakita syang papel. Pero teka? Parang nakasulat yun sa dugo? Wait, baka dugo 'to ni Aleli? Tinignan naming mabuti yung naka sulat at...

'Love my surprise, Accounting? Marami pa ulit kayong makikitang ganyan, kaya stay tuned. HAHAHAHAHA. Love, C.E.D'

Teka? May initials nanaman sa papel.. Tulad ng papel na napunta sakin kanina, wait yung papel? Kinapa ko yung bulsa ko at.. andito pa rin yung papel..

"Than, san mo nakuha yan?" - Melanie

"Nakita ko 'to malapit sa bintana kanina.. Hindi ko na pinakita sa mga pulis ito kasi hindi naman dapat nila malaman, tayo mismo ang mag bibigay ng hustisya kay Aleli." - Than

"Tama, problema natin 'tong Accounting Family at kung hihingi tayo ng tulong mula sa pulisya, pagtatawanan na lang tayo nung mga killers at baka sabihin pa nila na ang hihina natin. - Shalyn

"Wow, ah hahahaha sayo pa talaga nang-galing yan, hahahaha." - Than

"Ano ka ba hahahaha, syempre.. ingat-ingat na lang din tayo 'noh." - Shalyn

"Tama may point si Shalyn, sila Renzo at Kat tinangka nilang humingi ng tulong sa pulisya dati diba, pero.. kinabukasan namatay agad sila." - Kuya Jham.

Teka seryoso? Namatay agad kinabukasan? Ang bilis naman malaman ng killers na hihingi sila ng tulong.. wait, sabagay.. nasa iisang section lang naman sila eh.

Pero nakakatakot si Kuya Jham, yung aura nya kasi.. Yung mata nya parang laging galit pati yung buhok nya, medyo mahaba din. Baka? Isa sya sa mga killer? Malay nyo diba.. tulad nga ng sinabi ni Glenn na, mag ingat ako sa kanila.. hindi ko daw alam kung sino yung totoo sa hindi.

"Ano? Uwi na tayo? Bukas, panigurado malalaman na 'to ng iba nating kaklase." - Rhea

Nag sitayuan na kami nun, pagkatapos nun sabay-sabay na kaming umuwi. Pagka-uwi ko sa bahay namin, diretso agad ako sa kwarto ko at sabay higa..

Louis xXxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon