Chapter 36 - The face of a Devil

98 3 1
                                    


Destroying is a necessary function in life. Everything has its season, and all things eventually lose their effectiveness and die.


**


Than's POV


Nagising ako sa kakaibang liwanag, teka? Umaga na? Ibig sabihin ba nun na.. lahat ng nangyari sa ospital ay, panaginip lang?


Bigla namang sumakit yung mga braso ko, tinignan ko yun pero laking gulat ko nang makitang nakatali ito sa isang tubo sa taas at.. nakatali ako sa tubo!



Hindi pala panaginip ang lahat..


Totoong nangyayari ito..



Tinignan ko yung paligid, nakita ko si Kuya Jam na nakaposas yung kamay nya sa isang pole dito sa loob ng silid. Teka? para kaming nasa isang basement ng kung ano..


"Kuya Jam?!" tawag ko sa kanya dahil wala pa syang malay.


Kita ko sa binti nya yung natuyong dugo pero merong naka pulupot na tela doon para pigilan yung pag dugo nito.



"Kuya Jam?!" tawag ko ulit sa kanya, kaming dalawa lang ang tao sa silid na ito.. asan yung iba??


"Kuya Jam?!!" tawag ko, nakita ko namang gumalaw na sya at dumidilat na yung mata nya..


"T-than?" tanong nya sakin. "Anong ginagawa mo dya sa taas?" nakita nya akong nakatali yung kamay ko sa isang tubo at nakasabit ako sa itaas ng kisame.


"H-hindi ko din alam.. pag gising ko lang g-ganito na.." sabi ko sa kanya. "Y-yung kamay mo." dagdag ko


"A-anong?! Sinong nag posas sakin dito?!!" - Kuya Jam


"Kuya! Wala bang susi dyan or kung ano man lang?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang tumingin-tingin sya sa paligid nya, tapos tumingin sya sakin..


"Sira ka ba?! Hindi mag iiwan ng susi yun!" sigaw nya sakin


"Sorry na!"


"Walang sorry-sorry, Bisiro!" Ayy potek! Nang-asar pa itong lesheng 'to! Pasalamat sya.. tss!


"Heh!" sigaw ko sa kanya


"Than!"


"Ano?"


"Yung sa kamay mo.. nakatali lang." sabi nya sakin. Tumingin naman ako sa tali ng kamay ko.

Louis xXxWhere stories live. Discover now