Chapter 15 - Memory Days

170 4 0
                                    

The past is never where you think you left it.

**

Author's Note:
WARNING: Typos ahead.

**

Murderer's POV

Flashback.. 5 years ago

"Kuya saan ka pupunta?" Tanong ko sa kuya ko.

"Sa perya sama ka?" Sabi nya

Perya? Di pa ako nakakapunta dun eh, gusto ko!

"Sige kuya! Pwede bang sumama?" Tanong ko

"Oo ba hahahahaha!" - Kuya

Pumunta na kami dun, sumakay kami ng jeep papunta dun at tricycle, mga 20 mins yung byahe nun eh. Pero nung habang nasa byahe kami tinanong ko kuya ko.

"Kuya? Bakit nga pala hindi ka pumunta nung graduation mo?" Tanong ko. Nakita ko naman na sumimangot sya, bakit kaya?

"Hindi naman na kasi kailangan pumunta dun eh." - Kuya

"Talaga? Pag graduation ba ng college di na kailangan pumunta?"

"Dipende yun. May nangyari kasi na di kanais-nais kaya di na ako pumunta. Tsaka baka ako lang kasi pumunta sa section namin." - Kuya

"Bakit ikaw lang kuya? Eh yung mga kaklase mo?"

Ngumiti naman sakin si kuya ng napakalungkot at yun ang unang beses kong nakita yun sa kanya.

"Wala na kasi sila."

"Wala na?"

"Hahahahahaha! Wag na, di mo lang maiintindihan lahat, at least ngayon ligtas na ako." Sabi nya na di ko masyadong ma-gets

"Labo mo kuya." Yun na lang sinabi ko.

"Hahahahahaha! Ito Logic na lang tayo, anong pag-aari mo na ginagamit din ng iba?" Tanong nya

"Pag-aari ko na ginagamit din ng iba?" Ano ba yun?

"Hahahahaha, mag isip ka.. madali lang ang sagot."

Eh? Anong pag-aari ko na ginagamit din ng iba? Ano nga ba yun? Teka.. pag-aari ko na ginagamit din ng iba.. isa lang naman yung pag-aari ko na alam kong meron din yung iba at..


"Pangalan ko?" Tanong ko

"Tama! Hahahahaha sabi ko sayo madali lang eh."

"Ang hilig mo sa mga ganito kuya. Dinamay mo lang ako." Sabi ko

"Hahahahahahaha! Wala akong logic na hindi ko kayang masagutan."

"Weh? Talaga?"

"Ay meron pala hahahahahaha!" Biglang tumawa sya at napatingin samin yung ibang pasahero.

"Ano naman yun kuya?"

"Yung logic ng klase namin." Bigla namang sumeryoso yung mukha nya.

Ano daw? Logic ng klase nila?

"Paanong logic sa klase nyo kuya?" Tumingin lang sya sakin nun at..

"Tara na, baba na tayo." Bigla naman syang nauna at naiwan ko dun na nagtataka. Pero mga ilang saglit, bumaba na din ako.


Masaya kami ng kuya ko nung gabing yun sa perya. Puro laro lang kami, ang ganda dun sa may Ferris Wheel, yung mga ilaw kasi nung nasa paligid ng perya yung nag dala. Pag nasa itaas ka, mararamdaman mo kung gaano kaganda yung mga tanawin sa lugar namin.

Louis xXxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon