Chapter 9 - Rosary

202 6 4
                                    

"Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody."

A/N: Special Update..

**

Renz' POV

Buuuussssshhhhh!

Nagising ako bigla sa naramdaman kong lamig sa buong katawan ko. At basang-basa ako. Medyo blurry pa ng kaunti yung paningin ko.. pinikit-pikit ko yun para makakita ako ng maayos

Nung medyo malinaw na yung paningin ko, nilibot ko yung buong kwartong kinalalagyan ko ngayon.. at.. nasa loob ako ng isang ospital room, teka paano ako napunta dito? Wait, ano bang huli kong ginawa? Isip.. isip .. ah! Pumunta pala ako sa abandunadong ospital tapos, nakita ko si kuya tapos.. nawalan ako ng malay

Si Kuya..

Si Kuya, kasama sya sa mga killer.. ginagalaw ko yung kamay ko pero hindi ko magalaw, tinignan ko yun at.. naka-kadena yung dalawa kong kamay at naka-sabit iyon pataas.

"Buti naman at gising ka na."

Ngayon ko lang napansin na may tao na pala sa harapan ko at..

"Ikaw?!" Sabi ko

"Hahahahahaha! Hello Renz.. Nice to see you." Nakangiti pa nyang sabi..

"Oh, sayo na 'tong timba na 'to." Si.. kuya, sabi na nga ba, kasama sya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa dito.. parang nawala yung dila ko kasi hindi ko alam yung sasabihin ko.. pero isa lang ang naiisip ko, mamamatay na ako..

"Haaaaaay Renz.. dapat kasi sinabi mo na yun kanina.. para mas mabilis kang mamatay, kaso ngayon.. mararamdaman mo kung paano ka mamamatay.. kawawa ka naman. Hahahahaha!" Sabi nya

"Ito talaga, wag mong takutin Fourth. Tignan mo yung mukha oh, parang nakakita ng multo sa putla." - Kuya

"Hahahahaha! Oo na kuya Second hahahahaha! Natatawa lang kasi ako sa mukha nya. Hahahahaha epic much!" Sabi nya

Second? Fourth? So may First? At bakit hindi sila nagtatawagan sa mga pangalan nila? At hanggang ngayon nakatingin pa din ako sa kanilang dalawa.

"Asan na ba yung iba? Nakaka-ewan naman eh." Sabi nya. Fourth ang pangalan nya dito

"Si First lang ata darating eh, busy ata yung tatlo." Sabi ni Kuya

First? at tatlo daw.. tama nga anim talaga sila.

"Pakawalan nyo ako..." pagmamakaawa ko sa kanila, tumingin naman sila sakin.

"Pakawalan ka? Edi kami naman yung papalit sa pwesto mo pag ginawa namin yun, sira ulo ka ba?" Si Fourth

"Please.." sabi ko. Tapos biglang lumapit sakin si kuya

"Renz, explore ka kasi ng explore, hindi ka naman si Dora para mag explore.. Ok na sana yung nakita mo si First kanina pero, pumunta ka pa talaga sa ospital.. tsk tsk!" - Kuya

"Kuya, m..maawa na kayo.. s..sorry na.." sabi ko

"Is it too late now to say Sorry? Hahahahaha!" - Fourth

Tapos biglang bumukas yung pinto at tumingin naman silang dalawa dun. May nakita akong pumasok at lumapit samin.

"Hi Renz." Nakangiti nyang sabi.

"Oh First, anong balak mo sa kanya?" - Kuya

Sya pala yung First.. kaya pala sya yung nakita ko sa AVR kaninang umaga.

"Balak? Ito." May inabot sya kay kuya na plastik tinignan naman nya yun at naka-tingin din si Fourth

"Seryoso? Ito balak mo?" - Kuya

Louis xXxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon