Chapter 2- Mr. Yabang

1.1K 20 1
                                    


Chapter 2

Third Person's POV

Pasikat pa lang ang araw, ang mga estudyante ay normal na gumagayak para pumasok sa eskwela maliban lang sa isang ito.

"Napaka gwapo ko talaga." Mga walong ulit nang sinasabi ni Marco sakanyang sarili habang nakatingin sa salamin at inaayos ang kanyang buhok.

"Ikaw ang pinaka-gwapo." Sabi nya sabay kindat.

Fast forward bago tayo maumay. Halos nasa loob nan g eskwelahan ang mga estudayante dahil malapit na mag simula ang unang klase. Habang ang ating mayabang na bida ay parang action star na naglalakad sa hallway papunta sa kanyang silid. Hindi naman maiikakaila na gwapo talaga si Marco. Napapatingin ang mga kababaihan sa tuwing dadaan sya at isa na dito si Eli. Ang kaso lamang ay nasobrahan na sya at lumaki na ang ulo.

Lunch time..

Ugali na ng magkakaibigang Marco, Gian at Ivan ang tumambay sa likod ng school nila pagkatapos kumain.

"Naalala nyo ba si Bea?" tanong ni ivan.

"Bea?"kunot noon a tanong ni Marco.

"Ahhh! Naalala ko sya. Yung babaeng patay na patay sayo Marco. Yung creepy na simigaw sigaw sa gitna ng school na gusto ka." Pagpapaalala ni Gian.

"Alam nyo sa dami ng nagkakagusto sakin hindi ko na sila kilala." Pagyayabang ni Marco. Napailing na naman sila Gian at Ivan.

"Bakit mo pala natanong Ivan, type mo?" pagchi-chismis ni Gian.

"Sira ulo ka ba? Baka pag pinatulan ko yon pingutin lang ako." Pag tanggi ni Ivan. "Ang alam ko kasi mula nung na reject yon ni Marco nag transfer na sya sa ibang school. Pero nung mga nakakaraang araw parang nakikita ko sya sa labas ng school parang umaaligid." Pag explain ni Ivan.

"Hmm. Baka napadaan lang?" sabi ni Gian na ikinataas naman ng noo ni Ivan.

"Uy! Hindi ba si Claire yon? Kasama na naman ang mga alipores nya." Sabi ni Gian sabay turo sa sa gawing likod ng eskwelahan nila. "Ano naman ang ginawa ng mga yon sa likod ng school?" pagtataka ni Gian.

"Nga pala pre, bakit parang di ka na lumalapit kay Claire akala ko ba nanliligaw ka dyan?" Tanong ni Ivan kay Marco.

"Tinigilan ko na." Sagot ni Marco.

"Akala ko ba gusto mo? O busted ka di mo lang sinasabi? Hahahahaha." Pang aasar pa ni Ivan.

"Sira ulo. Basta ayoko na manligaw." Sagot ni Marco.

"Sino naman yon?" turo na naman ni Gian sa isang babae na basa ng juice ang uniporme na nakayukong nag lalakad galing sa pinanggalingan nila Claire.

Nagkatitigan sila Ivan at Gian at mukhang pareho ang iniisip habang si Marco naman ay mukhang walang reaksyon.

"Ang ingay nyo mga unggoy. Matutulog muna ako." Sabi ni Marco, sumandal sya sa pader at pumikit.

"Oy, sino sainyo si Ivan?" Napadilat naman si Marco ng may sumipa sa binti nya at tumingala para tignan kung sino ito at nakita nya ang isang grupo ng mga lalaki.

"Sino ka naman?" maangas na tanong ni Marco tsaka ito tumayo. Tumayo na rin sila Gian at Ivan at mukhang handa ng makipag away. Normal na lang kayla Gian, Ivan at Marco ang may mga naghahamon sa kanila ng away kahit na wala silang ginagawa.

"Hindi mo kasi kilala?" sabat ng isa sa likod ng malaking lalaki.

"Dapat ba kilala naming kayo?" sabi ni Gian at nag smirk.

"Aba, talaga palang mayabang ang mga 'to." Sagot ng malalaking lalaki na mukhang leader na nasa gitna.

"Ano bang kailangan nyo? Sigurado namang mga wala kayong binatbat samin." Pag yayabang pa ulit ni Marco.

"Ang yabang mo. Sino ba sainyo si Ivan? Ituro nyo kung sino si Ivan para di na kayo masaktang lahat." Pagbabanta ng lalaki.

"Eto si Ivan." Sabi ni Marco sabay tapik kay Ivan habang nakatingin sa lalaking nasa gitna ng grupo.

"Tignan nyo. Yan ang humaharot ngayon sa girlfriend ko. Ang itsurang yan." Pag rereklamo ng lalaki.

"Una sino bang girlfriend mo? At wala akong hinaharot baka sila ang humaharot sakin." Sabi ni Ivan at nag smirk na mukhang kinainis ng lalaki.

Inis na inis ang lalaki at kinuwelyuhan si Ivan at ambang susuntukin ito habang sinasabing "Kilalanin mo kung sino ang nasa harap m----*boogsh*" pero hindi natuloy ang suntok ng lalaki dahil sya na ngayon ang nasa sahig ng suntukin sya ni Marco.

"Kami ang kilalanin mo." Banta ni Marco. "Ang dami nyong satsat." Sabi pa uli neto at sumugod silang tatalo nila Ivan at Gian sa mga lalaki. 3 vs 5 ang nagging away. Suntok dito. Ilag don. Suntok muli at ilag.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos ang gulo at naglakad na palayo sila Marco, Gian at Ivan ng walang galos. Naiwan naman ang grupo ng mga lalaki madumi ang mga uniporme at may mga sugat sa mukha.

Isa lang ito sa mga dahilan kung bakit maraming naiinis at nayayabangan sa grupo nila Marco lalo na sakanya dahil hindi sila marunong makisama sa iba at palagi na lang silang napapaaway. At sa bawat away ay nananalo sila kahit noon na ang humahamon sa kanila ay nasa higher year.

Umpisa pa lang ng lingo ng klase ay away na agad pero mukhang normal na lang ito sa magkakaibigan.

"Ivan, pasalamat ka dahil hindi pa nasisira ang maganda kong mukha kakaaway natin ng dahil sa mga babae mo." Sabi ni Marco.

"Tsk. Sila ang lumalapit." Sabi naman ni Ivan. Malapit si Ivan sa mga babae habang si Marco naman ay lapitin din ng mga babae. Si Gian na lang ang matino at loyal sa kanila.

"Kung masisira man ang mukha mo at dahil yon sa mga babaeng nire-reject mo." Pagbibiro ni Gian.

"Hahaha. Wala tayong magagawa pag babae ang umaway satin." Sabi ni Ivan.

"Yup, rule #1." Sabi ni Gian.

Ang rule #1 ay bawal manakit at makipag away sa babae physically. Bawas pagkalalaki raw sa kanila yon.

At yan ang grupo ng maya-yabang at punong puno ng kanilang sarili.

MISSION: Break Mr. Yabang's Heart (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon