Chapter35..Double Date (part 2)

469 8 0
                                    

 Joy's PoV

The next thing I new ay nakasakay kami sa star flyer..teka star fllyer!!?? 

"WWAAAAAAAHHHHH!!!!!" natagal at pigil hininga kong sigaw. OMO! naiwan ko ata yung kaluluwa ko..

Tinignan ko naman si Mark na katabi ko. At nakapikit syang sumisigaw.At si Marco na nasalikod ko at nakasimalmal..

Matapos yun ay bumaba na kami.

Kanina habang nasa itaas kami ay tinignan ko si Mark at parang may iba sa kanya. Hindi sa gusto ko sya but there is something sa kanya na hindi ko maintindihan. Parang pag tinitignan ko sya parang may mali. Parang may hindi sya sinasabi sakin.

"Kain na muna tayo!" sabi ni Mark. tumango nalang ako dahil kanina pa naman kami kung san san sumasakay. Ride all you can ang ticket namin.

gusto ko nun. "Somai.."sabi ko at sabay pa silang humawak sa kamay ko at hinila ako papunta dun. Nasa kanan ko si Marco at sa kaliwa naman si Mark. Pero bakit parang mas gusto kong higpitan ang hawak sa kanang kamay ko.

-----------------------------

Mark's PoV 

Nandito na kami sa stall ng somia dahil gusto daw ni Joy.

Nakita kong dalawa pala kaming nakahawak sa kamay ni Joy.

Ako sa kaliwang kamay nya at si Marco sa kabila.Tinignan ko si Joy. tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya pero parang wala manlang syang naging reaksyon bagkus ay nakatitig sya sa kamay nila ni Marco na magkahawak.

Si Marco pa rin talaga. Oo alam ko yun. Matagal ng may gusto si Joy kay Marco, kalat kaya yun. Alam nyo yung mata ni Joy. Madalas parang di mo maintindihan e. parang emotionless madalas. Pero ngayon parang may saya sa mata nya..

pagkabili namin ay naupo na kami at ako na ang nag prisintang bumili ng inumin.

Habang bumilibili ay di ko maiwasan maalala ang napag usapan namin ni Marco kanina.

FLASHBACK

Kakabili palang namin ng ticket. Si Joy naman nag paalam na mag c-cr kaya naiwan kami ni Marco.

"Hanggang kelan mo balak lokohin si Eli?" pag basag sa katahimikan ni Marco.

"huh? a-anong....pinagsasabi mo?" 

"Bingi ka ba? o talagang matigas yang bungo mo at makapal yang mukha mo?" sabi nya. 

tinignan ko sya..

"Wag ka ng mag painosente..hindi bagay.." sabi nya."Alam kong hindi ikaw ang secret admirer ni Eli.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"pa-pano--" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil nag salita sya muli.

"Pano ko na laman? wala ka na dun! Ang gusto ko lang wag mo ng patagalin ang panloloko kay Eli. Alam kong gusto mo sya kaya nagawa mo yun pero hindi yun sapat na dahilan para lokohin sya." Napatungo na lang ako dahil sapul na sapul na ako ng mga sinabi nya.

"Bakit hindi mo pa sinabi sa kanya?"

"Ewan ko. Basta hanggang ngayong araw lang yan at sabihin mo sa  kanya ang totoo. kundi..." nilabas nya ang muscle nya daw? "Ito ang tatapos sayo!" sabi nya. Napailing nalang ako.

"Anong iniiling iling mo dyang bata ka?" sigaw nya sakin at dinakma ang leeg ko gamit ang braso nya..

"Hahhaha. oo na sasabihin ko na pakawalan mo na ako.."

MISSION: Break Mr. Yabang's Heart (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon