Chapter24...Unbelievable

440 9 0
                                    

Marco's PoV

pauwi na ako ngayon medyong mag gagabi na rin.

biglang nag ring ang cellphone ko. Akala ko galing na naman kayla Claire pero galing kaya Ivan. Bakit naman napatawag pa 'tong bugok na 'to?

"Pare!" tawag nya sakin sa malakas na boses.

"Pre wag kang sumigaw!" walang gana kong sagot.Sino ba naman ang mag kakagana sa mga nangyari. Sa mga nakita ko. tsk lalo na yung dugo? lalo akong kinakabahan. Baliw na talaga si Claire.

"Pare, kasi.." huminto muna sya bago sabihin.

"ano ba yun?"nag mamadaling tanong ko. dahil nag mamadali din naman kasi ako. hahanapin ko pa si Eli.

"Si..Eli pare.." nung marinig ko ang pangalan ni ELi ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"a-ano? ano si Eli? IVAN!" sigaw ko.

"nasa ospital." sinabi nya sakin kung anong ospital at pinatay ang ko na ang telepono.

nang makarating ako sa ospital ay agad kong hinanap ang kwarto ni Eli.

at nakita ko silang lahat doon kasama ang tatay ni Eli.

pero umalis din ang tatay nya at kapatid nya dahil kukuha lang daw sila ng mga gamit ni Eli.

At sila Jen naman umalis dahil bibili sya ng pagkain sinamahan naman sya ni Steven. tas yung dalawa, sila Ivan at Gian nasa labas Kaya ako na lang ang nandito.Habang tinitignan ko si Eli na may benda sa noo at walang malay ayoko na sana 'tong maulit. 

"Mahal na mahal kita kaya ko 'to gagawin. Alam kong magagalit ka pero kailangan yata talaga. Hindi ata bagay sa isang mayabang na tulad ko ang isang happy ending. Sana..wag mo akong kamumuhian. Balang araw maiintindihan mo rin. Sabi ko di ba poprotektahan kita..kahit anong mangyari..Syempre kasi nga mahal kita. Babalikan kita..Eli sana..mahintay mo ako at mapatawad sa mga gagawin ko pero..para sayo 'to. Hindi naman ako tuluyang mawawala..babantayan naman kita. Kahit hindi mo nakikita lagi lang akong nandito babantayan ka at mamahalin." kinakausap ko si Eli kahit alam kong hindi sya sasagot dahil tulog sya. pagkatapos kong sabihin ang mga gusto kong sabihin ay tumayo na ako. Lumapit ako sa kanya at dahan dahang nilapat ang labi ko sa noo nya at hindi ko na malayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

Oo, luha.. ang isang mayabang na gaya ko ay umiiyak din at nasasaktan.

Bumalik na sila Jen maya-maya. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

Mabilis akong lumakad dahil may kailangan akong tapusin..Matatapos na din 'to.

nakasalubong ko si Haru sa nung malabas na ako ng kwarto ni Eli.. Ngayon lang siguro nya na balitaan. HInayaan ko na lang sya at dumiretso na ako sa dapat kong puntahan.

"Marco!" tawag nya sakin pero hindi ko sya pinansin.

nung makalabas na ako sa ospital ay agad kong tinawagan si Claire. Sinagot nya naman ito agad

"mag kita tayo." sabi ko.

"ok. pumunta ka na lang ulit sa resthouse."

*toot..toot----

nagmadali akong pumunta sa resthouse. Alam kong sila ang may gawa nito kay Eli..

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa resthouse at pinapasok naman ako agad.

"what brings you here?" tanong ni Claire na nakatingin sa bintana.

"tinatanong mo? tignan mo yung ginawa mo kaya Eli pano kung malala pa dun ang nangyari? baliw ka na Claire."

"SHUT UP. hindi ko 'to ititigil hanggat hindi mo ginagawa yung sinabi namin sayo. Gusto mo bang hindi ko 'to ihint---" hindi nya na tapos ang sasabihin nya ng lumuhod ako sa harap nya.

"Parang awa mo na tigilan mo na kami." ginagawa ko 'to dahil baka sakaling hindi ko na kailangan pang layuan si Eli..

"Stop it, I won't change my mind." sabi nya.

"PLEASE." 

"NO" tipid na sagot nya at tumalikod.

"Okay..gagawin ko na. Basta ipangako mong hindi mo na guguluhin o gagalawin pa si Eli." pagkasabi ko nun ay bigla syang napaharap sakin.

"yeah, pinapangako ko. tumayo kana dyan. starting tomorrow wala ka nang kilalang Elida Joy Evangelista." sabi nya.

tumayo na ako pero parang hindi ako makalakad..umuwi na ako.

habang nakahiga ako sa kama ko tinitignan ko yung wallpaper ng cellphone ko. Si Eli na nakangiti ng malaki.

buong gabi kong tinignan yung hanggang sa makatulog ako.

-------------------------------------

Eli's PoV

Monday na.nakalabas na din ako sa ospital ang sabi nila..nung papunta daw ako sa kung san kami mag kikita kita ay hinimatay daw ako habang nag lalakad papunta at tumamadaw ang ulo ko sa isang bato. buti daw may nakakita sakin at dinala ako sa ospital.

pero ano yung naalala kong parang nakidnap ako? Siguro panaginip lang yun.

pero hindi naman yun ang pinoproblema ko..Si Marco kasi eh.. simula nung magising ako hinid pa sya nag papakita sakin. Hindi ba sya  nag-aalala sakin? imposible naman na hindi nya alam eh ang sabi sakin nila Jen nandito daw sya nung tulog ako.

Nasan ka na ba Marco?

Gumayak na ako dahil papasok na ako sa school makikita ko na din sa wakas si Marco.Miss ko na sya kahit na nagtatampo ako saknaya dahil hindi pa sya nag papakita sakin.

excited akong pumasok kahit na naka band-aid pa ang noo ko.

.

.

.

.

.

pero sana pala hindi na lang ako pumasok. at parang ayoko ng pumasok pa. so unbelievable..Ang sakit.. hindi kapanipaniwala ang mga nakita ko.. o ayaw ko lang talagang maniwala..

---------------------------------------------------------

L's note..

Guys may new storyakong pinubish "Moon in my Heart" kung interested po akong basahin pnta na lang po kayo sa works ko. :) lab yah! muah.. 

MISSION: Break Mr. Yabang's Heart (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now